Episode 16

1573 Words
Ilang buwan na rin si Tor sa Pinas at naalala n'yang simula nang dumating siya sa bansa ay hindi na s'ya binabangungot o dinadalaw ng mga kung anu-anong panaginip. Ngayon na lang ulit s'ya nanaginip na parang totoong-totoo. Kanina pa sya nakahiga sa kama at pabiling-biling pero hindi pa rin siya makatulog. Ipinikit na lang niya ang mga mata at nagbilang ng mga tupang tumatalon. Mayamaya ay nahimbing na sya. "Tor? Anak? Tor? Tor?!" Idinilat ni Tor ang mga mata nya at mahigpit na niyakap si Carol. "Nay…" "O, bakit? Nanaginip ka na naman ng masama? Dito lang ako, Tor. Dito lang ako." Hinaplos pa ni Carol ang likuran ng anak niya upang mapakalma ito. Kanina nanaginip na s'ya nung kasama nya si Ziya. Ngayon na naman ulit. Hindi s'ya binabangungot o nananaginip ng parang totoo nang ganun kadalas sa loob ng isang araw. Ngayon lang. May ibig sabihin ba ang mga iyon? ***** Kanina pa paikot-ikot sa study room si Cris. Pumasok na sya sa kwarto kanina para sana maagang matulog dahil pagod pa sya sa trabaho, di naman sya makapahinga dahil ginugulo sya ng mga iniisip nya. Kung bumalik na si Tor, baka meron itong sabihin kina Ziya kaya kabadong-kabado sya. Nine years ng tahimik ang buhay nya. Wala na s'yang pinoproblema dahil nga simula nang nagkasagutan at nagkahamunan sila ni Claire, na nabuking naman ni Tor ay pareho nang umalis ang dalawa sa bayan nila. Ang ipinagtataka lang ni Cris ay kung bakit parang walang alam si Tor. Ang ganda pa nga ng pakikitungo nito sa kanya nung nakita sya kanina. Nakipag-kumustahan pa nga ito habang kumakain sila ng hapunan. Taktika lang ba iyon ng binata? Pero parang hindi, e. Kailangan ko malaman bago pa magkagulo-gulo. Habang hinihintay ni Sandra ang asawang si Cris na bumalik sa kwarto nila ay naalala na naman nya ang usapan nila ni Carol kanina. "Mare, na-miss talaga kita," maluha-luhang wika ni Sandra kay Carol. Ayaw paawat sa pagyakap sa best friend nya. "You are still the same, Sandra. Na-miss rin kita. Alam mo, bibihira na lang talaga yung makatagpo ka ng kaibigan na simula pagkabata hanggang pagtanda e, magkaibigan pa rin. I will always treasure our friendship. Ayaw ko na nga magkahiwalay tayo, e. Kung iwan mo na lang kaya si Cris at Ziya tapos sumama ka na lang sa'kin sa Amerika, what you think?" ngingisi-ngising tanong ni Carol. " Para kang timang! Naiiyak na ako, e. Pinatawa mo na naman ako." Mapaglarong hinampas ni Sandra ang kaibigan bilang ganti sa biro nito. " Para namang kaya ko iwan yung dalawang yun." " Mare…" seryosong tawag ni Carol. " Ayy, ayaw ko ng ganyang tawag. Parang mas gusto ko yung nagbibiro ka na lang," turan ni Sandra. Huminga ng malalim si Carol bago nagsalita. " Umalis si Claire sa tinitirhan nito." " Huh?! S-san nagpunta yun? H-hindi ka kinontact?" nag-aalalang tanong ni Carol. " Yun nga ang sasabihin ko sa'yo. Wala ka rin bang balita sa kanya?" " Yung huli ko syang nakita rito satin, yun yung time rin na umalis kayo. Halos magkasunod nga lang kayo, kaya nga lungkot na lungkot ako, e" ani Sandra. " We need to be on guard, Sandra. Lagi nyang bukambibig nung huli kaming nagkita is, namimiss na nya si Ziya. Baka kuhanin nya yung bata sa'yo. Mayroon din syang binabanggit na ex-boyfriend nya na di sya tinatantanan. It might be natunton na sya roon at kailangan nya humanap ng ibang matitirhan. But the point is, bakit hindi nya kinontak ang isa satin? Bantayan mo si Ziya,.. pati na rin si Cris," mahabang paalala ni Carol. " Alam ba ni Tor na nasa Amerika rin si Claire?" " Hindi ko binabanggit sa kanya, pero tinatanong nya ako. Di ba, nagka-partial amnesia sya? Ang natatandaan lang nya, hinahabol nya si Claire, pero di nya na matandaan kung bakit. Kaya di ko na lang sinabi kung asan si Claire pag hinahanap nya. Less complication kung konti lang tayo nakakaalam. Ayaw ko na ma-involve rin si Tor sa sekretong tinatago natin. Baka magkasira pa sila ni Ziya. Thank you nga pala sa di pagsasabi tungkol sa accident kay Ziya, hmm? Ayaw kasi ni Tor, baka kasi umiyak lang daw si Ziya sa sitwasyon ng bestfriend nya. Si Cris ba nasabihan mo rin sa pagka-amnesia ni Tor? Umiling si Sandra. "Pag may balita ka na kay Claire, sabihan mo ako agad, hmmm?" pakiusap ni Sandra. " Kaya natin 'to, Mare. Ilang dekada na nating dala ang lihim na ito. Makakaya pa natin sa mga susunod pa." Niyakap ulit ni Carol si Sandra. ***** "Mommy?" Nilingon ni Sandra ang pinanggalingan ng boses at napansin nya si Ziya na nakasilip sa may hamba ng pintuan. "O, anak, bakit?" "Si Daddy?" Pinasadahan pa nito ng tingin ang buong silid. "Nasa may study area, baka nagtatrabaho pa." Pagkatapos ni Sandra magsalita ay binuksan na nang tuluyan ni Ziya ang pintuan at sumampa na sa tabi ng ina. Niyakap nya nang mahigpit ang ginang. "Ano na naman ba ito, anak?" Natatawa sya sa ginagawa ng anak. "I just miss you, 'My." "Ano nga ang kailangan?" Ganoon si Ziya kapag may nais ikonsulta sa kanya. "Wala po talaga. I just miss sleeping beside you. Can I sleep here again?" "Ziya, and'yan ang Daddy mo ngayon. Sa kanya ka magpaalam." "Anong ipagpapaalam ng maganda kong prinsesa?" tanong ni Cris. Nakapasok ito nang hindi nila napapansin dahil hindi pala naisarado nang maayos ni Ziya ang pintuan. Sumampa rin ito sa kama. "Dad..." "O, ano nga iyon?" nangingisi na tanong ni Cris. "Can I sleep here?" "What is troubling my baby, hmmm?" "Same question here, mahal ko," ani Sandra. "Wala nga! Hindi ba pwedeng na-miss ko lang kayo?" natatawang turan ni Ziya na napapakamot na ng ulo. "Okay, kung ayaw magsalita, hindi pwede matulog dito," seryosong biro na rin ni Cris. "Ang daya!" "Sige na, pampaantok lang, ano gusto mo pag-usapan, Ziya?" "Hmm, sige, ito na lang. Hindi ba kayo nag-aaway ni Mommy? Kasi kahit nung maliit pa ako, ni minsan hindi ko kayo narinig na nagsigawan o nag-away sa harap ko." "Ang away mag-asawa kasi Ziya, hindi 'yan ginagawa sa harapan ng mga anak, kayo lang mag-asawa ang dapat nakakarinig n'yan," sagot ni Sandra. "Pero, alam mo bang muntik ko nang hiwalayan ang Mommy mo dahil hindi kami magkaanak before you? Gustong-gusto ko kasi ng baby kaya hindi ko matanggap na hindi kami makabuo. Kaya malaking pasasalamat ko sa Maykapal nung dumating ka sa buhay ko, namin ng Mommy mo," Cris explained. "Talaga po? Ngayon ko lang narinig 'yan ah. Pero Daddy, kung hindi ako dumating sa inyo, tuluyan mo na bang hiniwalayan si Mommy?" Napahinto si Cris. Hindi n'ya napag-isipan ang bagay na iyon. Si Sandra naman ay naghihintay ng sagot ng asawa. "Silly me, hehe.. Of course, gagawan nyo naman ng paraan 'yun 'di ba, Daddy? Syempre love n'yo si Mommy e." Tumikhim pa si Ziya bago nagtanong muli. "Okay, random question lang ulit. Bakit ikaw lang kamukha ko, wala ata ako nakuha kay Mommy?" Napahalakhak si Cris habang lalong naging seryoso ang mukha ni Sandra. "Masyado lang ako mahal ng mommy mo kaya ikaw ang naging kamukha ko. Alam mo bang walang ginawa 'yan kundi titigan ako nung pinagbubuntis ka nya? Ganun lang kasimple yun, iha. Di ba, mahal?" "O-oo, ganun nga iyon," kinakabahang wika ni Sandra. Natawa naman si Cris sa iniakto ni Sandra. Nagbibiro lang naman sya ngunit parang tinotoo ng asawa. Akala n'ya kasi ay sasakyan ni Sandra ang biro nya. "So, pwede na ako matulog dito?" wika ni Ziya pagkatapos. "Yun na yun?" Tinitigan pa ni Cris ang anak. "Wala ka talagang pinoproblema?" "Haha! Yes, Dad." "Kung ganoon, matulog na tayong lahat." Hinila pa ni Cris ang dalawa kaya napahiga ang kanyang mag-ina sa magkabila n'yang bisig. "Napanuod ko lang kasi minsan sa tv 'yung mga baby switching. What if naipagpalit ako sa iba? Pero syempre hindi ko iyon naiisip dahil nga kamuka naman kita, Dad." Nginitian ni Ziya ang amang humihikab na. "Nagtataka lang talaga ako sa tindi ng kamandag mo at ikaw lang ang kamuka ko. Sayang ang genes ni Mommy, di man lang ako nabahaginan. Di ba, Mommy?" "Oo nga e. Sayang.." Sinamahan pa ni Sandra ng konting tawa iyon upang hindi makahalata ang kanyang mag-ama. Matagal na ring palaisipan sa kanya bakit magkahawig na magkahawig si Ziya at Cris. Imposible iyon, hindi yun mangyayari. "What if may kakambal ako tapos di n'yo alam?" Naisip kasi ni Ziya yung babaeng tumawag sa kanya sa Bohol. "Ziya, that is a crazy idea. Syempre alam ng nanay mo kung ilan ang lumabas sa kanya," natatawang wika ni Cris. "Ano bang tanong 'yan, Ziya?" Natatawa na ring tanong ni Sandra. "What if..." "Ziya, naniniwala na akong wala kang problema. Matulog na tayo," si Cris. "Dad..." "Okay ganito na lang, nung tinatawag nila akong Boyet kasi kamukha ko raw si Christopher de Leon, at kung ako raw ba ang nakababatang kapatid nun, naniwala ba ako? Hindi 'di ba? Kasi mas kamukha ko si Gabby Concepcion kaya." Napuno nang halakhakan ng pamilya Gracias ang buong silid. Napahampas pa nga si Sandra sa bisig ng asawa. "Puro ka biro, mahal ko." "Matulog na nga lang tayo. Naglolokohan na lang tayo, e," suhestiyon ni Ziya habang nangingiti pa rin. "Good night, Mommy, Daddy. I love you both," "Goodnight, my princess." Hinalikan ni Cris ang anak na nakapikit na at bumaling sa asawa. "I love you mahal ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD