"Ziya, bumangon ka na d'yan. May trabaho tayo, di ka turista rito," bungad ni Tor pagkabukas ng pinto.
Kinatok na ni Tor si Ziya sa kwarto nito dahil mag alas siyete y medya na ng umaga ay di pa rin ito lumalabas ng silid. Nag-alala tuloy sya sa dalaga. Akala nya ay napaano ito, iyon pala ay himbing na himbing pa. Pupungas-pungas pa nga at mukhang nangangalumata.
"Alam ko naman na di tayo turista. Sino ba naman kasi ang nag-aya maggala sakin kahapon? Nananahimik ako sa dagat, binuhat-buhat ako," pagpaparinig ni Ziya.
Hindi naman pinansin ni Tor ang mga sinabi ng dalaga. "Sige na, kumilos ka na. Late na tayo sa meeting."
Nagmamadali namang nag-ayos si Ziya nang maalala na may early meeting pala sila.
Aalis na sana sila nang may tumawag kay Tor sa telepono.
"Sir Tor, di raw muna tuloy ang meeting ngayon. Mayroon daw po family emergency si Sir Art, tomorrow morning na lang daw po." Si Art ay isa sa mga investors nila.
"Ahh, ganun ba? Okay, sige. Thank you."
Sa narinig ay humiga na lang si Ziya sa kama.
"Pakisarado na lang ang pinto paglabas mo. Matutulog pa ako. Thanks," wika ni Ziya.
"Anong matutulog? Maggagala na talaga tayo ngayon."
Hinila ni Tor ang mga kamay ni Ziya upang patayuin. Nagpupumilit naman si Ziya na bumalik sa kama kaya nawalan sila pareho ng balanse at napasadlak sa kama, si Tor sa ibabaw. Nagkatitigan na naman sila at dahil sa pagkapahiya ay agad-agad tumayo si Tor.
"S-sorry… D-di ko sinasadya. Hihintayin na lang kita sa labas," nagmamadaling wika ni Tor.
"S-susunod a-ako, promise," wika naman ni Ziya. Hinawakan pa nya ang dibdib dahil sa saglit na pagdidikit nila ay kumabog nang husto ang kanyang dibdib. No, wala akong nararamdamang kakaiba sa kanya. It was just because he is a guy and I am a girl. T-thats all. Yeah, that's it.
*****
" Puno na ng gas yan, ha? Baka kung saan na naman tayo itirik nyan?" paninigurado ni Ziya ng makitang ang big bike na naman ang dadalhin nila.
Hinatak ni Tor si Ziya at masuyong inilagay sa ulo nito ang helmet. Pinisil pa nya ang pisngi ng babae.
"Sumakay ka na lang. Andami mong satsat,e," wika nito.
Pagkasakay ni Ziya ay hinintay n'yang humawak sa bewang nya ang dalaga ngunit hindi iyon nangyari.
"Hindi pa ba tayo aalis? Wag mo sayangin oras ko. Gan'tong inaantok pa ako, 'wag mong painitin ulo ko,"pagtataray ng dalaga.
Dahil sa asar sa biglaang pagbabago na naman ng mood ng dalaga ay pinaharurot ni Tor ang motor kung kaya't walang nagawa ang dalaga kundi humawak sa damit nya.
"Kung ayaw mong patakbuhin ko nang mas mabilis pa ang motor, umayos ka nang kapit," pananakot ni Tor.
Mas mabilis pa sa bala ng baril na ipinaikot ni Ziya ang mga bisig sa bewang ni Tor. Ikinangisi naman iyon ng lalaki. Binagalan na nya ang pagpapatakbo ng motor.
Again, nag-enjoy na naman si Ziya sa mga nakikita nya. Grabe ang ganda ng mga dinadaanan nila. Kagaya sa probinsya nila, ang sarap din ng samyo ng hanging nalalanghap nila ngayon.
Ang mga malalaking puno ng mahogany ay nagsisilbing lilim upang ang mga gugustuhing maglakad ay di masyadong maiinitan. Pagdating nila Ziya sa pupuntahan ay di sya nagsisi sa pagsama kay Tor. Nasa isang view deck sila at tanaw na tanaw nya ang mga tumpok ng burol na perpekto ang pagkakabuo. Para itong mga tsokolate na paborito nya.
"Tara, kain muna tayo," aya ni Tor kay Ziya.
Dinala sya nito sa isang maliit ngunit malinis na restaurant. Kumain sila ng suman na pinaresan nila ng tsokolate de batirol.
"Para ka pa ring bata." Pinunasan ni Tor ang natirang tsokolate sa bandang gilid ng labi ni Ziya.
" Ano ba?!" pagalit na wika ni Ziya sa kabiglaanan. Naalala pa nya ang ginawa nito kahapong pagkain ng kanin na galing sa kanyang labi. "Wag mo na ngang gagawin yan!"
"Ang alin?"
"Basta wag mo na hahawakan ang mukha ko. Period!"
"Ang cute mo talaga. Baka di ka matunawan ha?" puri ni Tor kay Ziya na wala pa ring tigil sa kakanguya ng suman.
Nagagalit na't lahat pero hindi pa rin humihinto sa pagkain. Naka-ilang piraso na ito ng kinakaing suman ngunit parang walang kabusugan.
"Manlilibre ka kasi sa sumanan lang, alam mo namang pang-rice ang sikmura ko. I-order mo pa ako ng tatlo pa saka isang chocolate drink," utos nito na mukhang hindi pa nga tapos sa pagkain.
"Masusunod po, nakakahiya naman sa'yo," wika ni Tor.
Pagkatapos kumain ay naglibot na ulit sila.
"Sir, baka po gusto nyo mag horse backriding?" tanong ng isang lalaking nasa mid-40s na ang edad.
" Sure," sagot ni Tor.
Sa pag-aakalang si Tor ay mag-isang mangangabayo, tumalikod na si Ziya at hahanap ng ibang pagkakaabalahan. Napasigaw na lang sya ng biglaan syang kinarga nito at mabilis na naisakay sa kabayo, sumunod na rin ito. Ipinaikot nito ang mga kamay sa kanya upang mahawakan nito nang mabuti ang tali ng kabayo.
" Sandal ka lang ng mabuti sa'kin." Utos ni Tor. Hinapit pa nya si Ziya palapit sa kanya. Ang kaliwang kamay ay ipinulupot nya kay Ziya habang hawak-hawak ang tali sa kabila. Mabilis nyang pinatakbo ang kabayo.
"T-tor, i-ibaba m-mo ako… T-tor…" nauutal at nahihintakutang wika ni Ziya.
Sa halip na pahintuin ay sinimulan nang patakbuhin ni Tor ang kabayo.
"Di ba paborito mong sumakay sa carousel noon? Upgraded version lang ito. Kapit ka lang.." wika ni Tor bago pinaabante ang kabayo.
" T-toooor, please…. stop!" pag-mamakaawa ni Ziya.
Ngunit hindi nakinig si Tor at mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa kabayo hanggang biglang bumitiw ang isang kamay ni Ziya at naramdaman nyang nanlupaypay. Dali-dali nyang pinahinto ang kabayo at sinuri ang babae.
" Ziya?" Tinapik-tapik pa nya ang babae. "Ziyaaa??! Anong nangyayari sa'yo?"
Ibinaba nya ang babae na hindi nya magising-gising. Nagpatulong na lang si Tor sa may-ari ng kabayo na madala si Ziya sa pedeng mahigaan.
Makalipas ang labinlimang minuto ay nagdilat na ng mata si Ziya. Inaninag nya ang paligid, nasa isang maliit na kwarto sya.
" Z-ziya?? Okay ka lang ba? K-kamusta pakiramdam mo?" sa nag-aalalang boses ni Tor ay pinisil pa nya ang kamay ni Ziya na hawak-hawak nya. Hahaplusin nya sana ang buhok ni Ziya nang tinabig ng babae ang kamay nya.
" Wag mo akong hawakan. Okay na ako."
Tumayo na si Ziya at nagsimulang maglakad papunta ng pinto. Hinabol naman sya ni Tor at hinawakan ang braso nya. Naalarma si Tor sa walang damdaming tingin ni Ziya sa kanya. It was as if hindi sya nakikita nito.
"S-sorryy.. H-hindi ko alam na takot ka pala sumakay sa kabayo," panghihingi nito ng paumanhin.
"Pag sinabi kasing ayaw, wag mamilit!" inis na sigaw ni Ziya bago tumalikod.
"A-ano bang problema, ha?! Bakit ka naninigaw? Para yun lang, e. Ok, sige di na kita ayain sumakay sa kabayo next time. Sa carousel na lang ulit.. You should grow up, Ziya!" naiirita na ring sabi ni Tor.
Nagpanting ang tenga ni Ziya sa mga narinig sa binata. "Ano bang sinasabi mo dyan? Grow up, huh?! Yes, i did grew up! Sumakay sa kabayo? I did that a couple of times already, Tor! Di mo ba alam na nag-aral ako maghorseback riding dahil paborito natin ang pagsakay sa carousel?" Huminto ito saglit dahil ayaw na sana n'yang balikan ang memoryang iyon. "Pero nung minsang n-nagwala ang k-kabayong sinasanay ko at n-nahulog ako, dun nagsimula ang takot ko! Trauma tawag dun, Tor. Hindi simpleng takot takot na sinasabi mo.." galit na paliwanag ni Ziya.
Hindi agad nakapagsalita si Tor dahil 'di nya alam ang bagay na yun.
"I'm s-sorry, Ziya.." sinserong wika ni Tor.
"Nakikita mo ito?" Itinaas pa ni Ziya ang skirt na suot hanggang sa kalahati nang kanyang binti. Lumantad doon ang isang malaking peklat. "Ito ang resulta ng takot na sinasabi mo."
Nagulat naman si Tor sa nakita. Ramdam nya ang sakit na kaakibat ng peklat na iyon. "S-sorry, Ziya.. S-sorry.."
"Kaw ata ang dapat mag grow up, Tor. Hindi lahat ng bagay nahihingi ng simpleng sorry-sorry lang. Ano 'to oofferan mo ako ng lollipop katulad nun tapos bati na tayo agad?!" Huminto saglit si Ziya. " Uuwi na ako. Sasakay na lang ako kahit s'ang sasakyan dyan kesa sumabay ulit sa'yo," paalam ni Ziya bago tumalikod.
Hahabulin sana sya ni Tor pero humarap ulit si Ziya sa kanya.
"Wag na wag mo akong susundan.." mahina ngunit madiing utos nito.
Sa huli ay huminto na lang si Tor at hinayaan na lang ang babae.
"I'm sorry, Ziya.. D-di ko alam.."
Napaupo si Tor at naihilamos ang kamay sa mukha. For the first time in his life, he felt like a total jackass.
*****
Pagdating ni Ziya sa tinutuluyan ay napasadlak sya sa kama. Magkahalo-halo ang nararamdaman nya dahil sa mga nangyayari sa nakalipas na mga araw. Pagod na pagod sya emotionally.
Nag-eenjoy na sana sya e, balak pa nga n'yang magzipline na lang sana at gawin pa ang ibang activities kasama si Tor pero pinilit sya nitong sumakay ulit sa kabayo. Just thinking about it made her dizzy again.
After Tor left without saying a proper goodbye, hinintay nya ang pagbabalik ng lalaki. Mga araw na naging buwan hanggang umabot ng ilang taon. Ang sabi nya sa sarili, kokontakin naman sya ni Tor, ano lang ba ang isang tawag sa telepono? How about contacting her on social media? O kung gusto nito nang traditional way, pwede ang snailmail. Ang dami-daming paraan para kontakin sya.
Baka meron lang ibang inaasikaso o nag-aadapt pa sa bagong environment. Pero wala, ni hindi ito nagparamdam. Sa sobrang kalungkutan nya, gumawa sya nang paraan para makamove on. Wala kasi syang ibang kaibigan maliban dito. So, she tried horse backriding. Isa kasi yun sa mga pangarap nya. Parang ang sarap kasi makalagpas sa mga hurdles. But then, an accident happened. Biglang nagwala ang bagong kabayong tinetrain nya. Dahil nga alam na ng mga nasa field na sanay na sya, hindi na sya sinasamahan mangabayo. Sigaw sya nang sigaw pero wala namang nakakarinig sa kanya hanggang tumilapon sya sa kabayo. Buti na lang at hindi kritikal ang pagkakabagsak nya, but it left her with a big scar on her right knee. Ilang months sya nagpagaling sa hospital. After that, everytime she sees a horse, natitrigger ang trauma nya. That's what happened earlier. Kaya di nya kayang makita si Tor. Ipinaaalala nito ang mga painful memories nya; ang pag-alis nito nang walang paalam at ang pagkahulog nya sa kabayo.
Humiga na sya sa kama at humagulhol.
" I hate you, Tor… but I still…. miss you…"