Episode 12

2005 Words
Pagkatapos nilang kumain ay nauna nang umalis si Ziya sa resto. Naisipan nya na maglakad-lakad sa dalampasigan. Ang tagal na pala ng huli s'yang nakapunta ng beach. Hinubad nya ang suot na sandals at dinama ang buhanginan. "Awwwts! Ang init!" sigaw ni Ziya. Ikinandirit nya ang kanyang mga paa bago dali-daling isinuot ang sandals. Napakamot na lang sya sa ulo. Gusto lang kasi nya maiwasan si Tor kaya pumunta sya sa lugar kung san di nito iisipin pumunta. Sino ba naman ang nasa tamang katinuan ang pupunta sa beach sa katirikan ng araw? Sinuyod nya ang paligid at nakita nya ang mangilan-ngilang tao, karamihan pa nga sa mga ito ay nasa ilalim ng mga beach umbrellas. "Bwiset! San kaya ako pede mag-stay ng 'di nakikita ng taong yun?" Naglakad-lakad pa si Ziya nang may marinig syang umaandar na bike. Nilingon nya ang pinanggagalingan ng ingay at pagkakita sa sakay nun ay mas minadali pa nya ang paglalakad. Sinabayan naman sya ng sakay nun, walang iba kundi si Tor! "Hi Ziya! Mainit dito, samahan mo ako gumala. Tara!" pang-iimbita nito. "Okay naman ako rito. You can go," pagtataboy nya sa lalaki. "Lika na kasi. Sure ako na 'di ka pa nakakalibot dito. Marami raw magandang vacation spot dito, puntahan lang natin. Para mas ma-build pa natin yung pede i-offer sa resort," pangungumbinsi ni Tor. " Ayy, akala ko engineer ka, di ko alam na pinasok mo na rin ang sales promotion," patuloy na pagtataray ni Ziya. Tinalikuran na lang nya ito dahil ayaw na nya makipag-usap. "Hoy, hoy, hooy! Ibaba mo nga ako!" pagpupumiglas ni Ziya nang buhatin sya ng lalaki at isinakay sa big bike. "Ayan, binaba na kita. Wag kang aalis dyan," Inilagay pa ng lalaki ang dalawang kamay nito sa magkabilang side nya at tinitigan sya sa mga mata. "Lilibot tayo sa area, ok? Pag bumaba ka dyan, makakatikim ka!" Hindi man alam ni Ziya kung anong matitikman nya, pero sa tindi ng tingin ni Tor ay ayaw nya nang hamunin ito. "Good girl!" Tor patted Ziya's head nang hindi na kumibo ang babae. Sumakay na rin ito sa may harapan ni Ziya at hinila ang mga kamay nya upang ipaikot sa bewang nito. "Kapit ka lang mabuti. You'll enjoy this ride, promise." Nawili sila pareho sa mga nakikita nila. Ang lawak ng mga sakahan ay parang walang katapusan hanggang mapadpad sila sa isang trail na ayon sa mga tagaroon ay paakyat sa isang waterfalls. Iniwan na nila ang motor sa isang tabi at lumakad na papuntang waterfalls. Hindi na kasi pwede ang motor sa daraanan nila. Hindi ka naman maliligaw dahil mayrong malinaw na daraanan ang trail, buhanginan na merong mga inilagay na stone steps. May maliit ngunit matibay na wooden bridge ka pang tutulayan. Makalipas ang limang minuto ay tumambad sa kanila ang kagandahan ng talon. Mayroon kang pedeng mga tungtungan na malalaking bato para mas makalapit ka pa sa talon at sa nang-iimbita nitong kulay berdeng asul na tubig. Umupo si Ziya sa isa sa mga batuhan, tahimik na pinagmasdan ang paligid, engrossed in her own thoughts. Sinundan lang ni Tor si Ziya, kaya nang umupo ito sa isa sa mga malalaking bato ay humanap na rin sya ng mauupuan ilang metro ang layo sa dalaga. Gustuhin man nya tumabi sa babae ay baka ikainis na naman nito kaya minabuti nyang tanawin na lang ito sa di kalayuan. Parang hindi bagay ang suot nito sa lugar, mas mukha itong sasabak sa photoshoot kesa sa manunuod lang sa talon. Sabagay, kasalanan naman nya at pinilit nya itong sumama sa kanya at ni hindi man lang nakapagpalit ng damit. Inipon ni Ziya ang makapal at mahabang buhok at ini-high ponytail. Tinanggal nya ang suot na blazer at platform sandals. Lumakad sya papuntang tubig at naglaro roon. Para syang bata na sumasayaw pa sa may tubig. Nag-eenjoy rin naman si Tor sa nakikita nya pero kailangan na nila magbyahe pauwi. Pagtingin nya sa relo ay mag alas singko y medya na, mamya lamang ay padilim na. Lumapit sya sa babae. " Ziya, bal…" "Ayy, anak ng kambing! Wag ka nga nanggugulat, Tor!" Tinawanan lang sya ng binata at inilagay sa balikat nya ang blazer. "Aayaw-ayaw pa sumama, e, nag-eenjoy ka na masyado dyan. Balik na tayo sa site. Padilim na." Tiningnan ni Ziya ang paligid at doon lang nya narealize na tama nga ang lalaki. Humakbang sya dahil sa pagmamadali na makaahon sa tubig. Na-outbalance tuloy sya ngunit bago pa sya tuluyang sumalpok sa tubig ay nahatak na sya patayo ni Tor. Napadikit tuloy ang katawan nya sa lalaki at napayakap dito sa bigla. Pansumandali namang hindi nakareact agad si Tor sa biglaang pagkadama sa yakap ni Ziya. Ngunit nang makabawi ay niyakap din nya ang dalaga. Mahigpit na yakap na ayaw pa nya kumawala, kahit alam n'yang hindi naman sinasadya ni Ziya. Si Ziya naman ang nagulat. Iba ang yakap na binibigay ni Tor sa kanya ngayon kung ikukumpara noon sa hospital. His hug at the hospital is more of an expression of regret for the incident. For her naman, it is more of a relief na nagising na ang lalaki. His embrace now feels more like a yearning, a yearning for something she either doesn't understand or doesn't want to understand. Marahan pa nitong hinahaplos ang kanyang likod that's giving her the chills. Minabuti na n'yang kumawala dahil ayaw n'yang e-entertain ang mga ideya na pumapasok sa isipan nya. "S-sorry," Tor said pagkatapos makalayo. Nauna na rin s'yang lumakad pabalik sa motor na sinakyan nila. Nang makasampa na sa motor si Ziya ay kinuha naman ni Tor ang blazer nya na nabasa na nang tuluyan sa pagkakadulas nya kanina sa talon. Ipinalit nito ang sariling leather jacket. Pilit naman nya kinukuha ang jacket nya dahil ayaw n'yang isuot ang jacket ng lalaki. "Sige naman na Ziya, malamig na ang panahon. Ayaw mo naman sigurong manginig sa byahe natin. Basa na rin naman ang ibang parte ng mga suot mo." Tiningnan naman ni Ziya ang ilalim ng pants nya pati na rin ang ibang parte ng camisole na suot. Tama naman ito, malalamigan talaga sya sa byahe.Nadama naman ni Ziya ang sincerity nito kaya hindi na sya komontra pa. "T-thank you." Sumakay naman si Tor sa bike. "Thank you ka d'yan. Yumakap ka na lang sa'kin. Hindi rin naman ako makakaligtas sa lamig ng thank you lang." Nagngitian na lang sila dalawa. Nang makasakay si Tor ay kusa na n'yang ipinaikot ang mga bisig sa bewang ng lalaki. Nang nasa kalagitnaan na sila ng daan ay biglang huminto ang bike. Tiningnan ni Tor ang fuel gauge. "Wala ng gas," simpleng sagot ni Tor Sinasabi ko na nga ba e, walang maidudulot na maganda ang pagsama ko sa kurimaw na ito, e "Ha? Yun lang sasabihin mo? Walang gas?!" Pano tayo uuwi nyan?!" Naiiritang wika ni Ziya at bumaba ng motor. "Anong magagawa ko? Naubusan, e." naiirita na ring sagot ni Tor sa biglaang pagtaas na naman ng boses ni Ziya. "Anong gagawin natin? Maglalakad tayo?!" sarkastikong tanong ni Ziya. Nasa may mga sakahan sila at wala ni isang sasakyang dumaraan. "Kung gusto mo, mauna ka na!" hindi na rin napigilang patulan ni Tor. "Sige!" Lumakad si Ziya pero di pa sya nakakalayo ay hinaklit ni Tor ang isang braso nya. " Stop being a child, Ziya! Maghintay lang tayo saglit, please." " Pabig bike,big bike ka pa, wala ka naman palang pang-gas. Kung nanliligaw ka sakin, minus pogi points ka." Hindi na lang pinansin ni Tor ang pagmamarakulyo ni Ziya. Tor is hoping na may dumaang kahit anong sasakyan dahil sa tingin nya ay malayo pa ang mga kabahayan kung asan sila. Nang sa wakas ay may narinig silang sasakyang parating. Isang kuliglig na tractor, sakay ang ilang mga magsasaka. "Iho, iha, anong problema?" wika ng pinakamatanda sa kanila nang huminto ang traktora sa harapan nila. " Tay, naubusan po kami ng gasolina," wika ni Tor. " Ay naku iho, malayo pa ang gasolinahan dito. Pero meron kami sa bahay. Sakay muna kayo rito at nang makakain. Hayaan nyo lang iyan dyan at di yan mawawala. Lagot sakin ang manguha nyan," wika nito. " Kabait talaga ng kapitan namin," ika ng driver ng traktor. "Wag na kayo mahiya, mga anak. Bawal ang humihindi sa grasya." ika pa ng isa. " Ay sige po, 'Tay." pagsang-ayon ni Tor. Sumakay ang dalawa sa may bandang likuran ng traktor. Nakapangalumbaba si Ziya at halos walang kibo habang umaandar ng mabagal ang traktor. "Uy, wag ka mangalumbaba. Sabihin nila magdadala ka pa ng malas sa pupuntahan natin," bulong ni Tor. "Nagpapaniwala ka pa rin sa mga ganyang pamahiin, Tor?" gulat na tanong ni Ziya. "Hindi naman, di lang bagay sa'yo. Nababawasan ang ganda mo 'pag nakasimangot ka." Tiningnan lang ni Ziya si Tor. Di nya alam kung seryoso ito sa sinasabi nito. "Saka bagay pala sa'yo sumakay kahit saang motor, mapabig bike man o dito sa traktor." Ngumisi pa si Tor. "Puro ka biro!" Hinampas ni Ziya ang braso ni Tor. Maniniwala na sana ako sa sinabi nito na maganda ako pero nagbibiro lang pala ang kurimaw. " Aray ha, mapanakit ka" Hinaplos-haplos pa nito ang braso. " Sige na nga, tatahimik na muna ako." ***** Naghain ng masaganang hapunan ang kapitan sa isang kubo na itinayo sa tabi ng bahay nito. Mga dahon ng saging ang inilagay sa table na kawayan. Inihain roon ang kung anu-anong inihaw na gulay at isda. "San ba kayo patungo, iho, iha?" tanong ng kapitan. "D'yan po sa pinapagawang bagong resort sa kabilang bayan." "Gawa na ba iyon? Baka wala kayong tutulugan, maaari naman kayong tumuloy muna rito. Kay gwapo at ganda n'yo namang magkasintahan," puri nito sa kanila na umani ng kantiyawan sa paligid. "Ayyy, nagkakamali po kayo, Kap. H-hindi ko po boyfriend ang lalaking ito." Kinuha naman ni Tor ang kumapit na isang butil ng kanin sa gilid ng labi ni Ziya at kanyang kinain. "Sweety naman, 'wag mo naman ako itanggi kina Kap." Nginitian pa nya nang pagkatamis-tamis at inakbayan ang dalaga. "Iha, 'wag ka na mahiya sa amin. Hindi naman tayo magkakilala kaya walang magsusumbong sa nanay mo," biro ng isang magsasaka na tinanguan naman ng karamihan. Dahil sa tuwa ni Tor sa pagkataranta ni Ziya ay mabilis n'ya itong hinalikan sa pisngi. Sigurado naman s'yang hindi ito makakatanggi dahil sa hiya sa mga tao sa paligid. Ziya was dumbfounded dahil sa nakikita n'yang tuwa ng mga tao. Sinsero ang pagkakangiti ng mga ito na nawalan na s'ya nang gana na ipagtanggol ang sarili. Tama naman, hindi nya kilala ang mga ito. Pero, lagot pa rin sa kanya si Tor mamya. "Iho, 'wag mong pababayaan ang nobya mo ha? Sa nakikita ko sa inyo, mukhang matagal na ang relasyon ninyo. Tama ba ako?" patuloy na mga katanungan ng kapitan. "Magkababata po kami, Kap!" proud na wika ni Tor. "Ayy, mas maganda pa pala iyan. Mas kilala nyo na ang isa't isa. Bibihira ang mga ganyan sa ngayon. Yung magkaibigan na simula pa pagkabata. Pagyamanin nyo pa ang inyong relasyon at pakaingatan." Tinapik pa ng kapitan ang mga kamay nila. Masayang tumango si Tor habang si Ziya ay napipilitan lamang. Lagot ka talaga sa'kin mamya, damuho ka! Aba at napangako pa ako ng di-oras kay Kap! Pagkatapos ng hapunan ay iginiya na sila ng kapitan sa isang maliit na storage area. Kinuha nito ang isang gallon marahil ng gasolina. Nagpaalam na sila Ziya sa iba pang magsasaka at pasakay na sana sa Pajero ng kapitan ng pansamantala silang napahinto dahil sa isang babaeng tagaroon. "Nina? Ikaw ba yan? Umaano ka rito sa Bohol, girl? Pupunta ka pala rito, di ka man lang nagsabi." Lumapit ang babae kay Ziya at niyakap pa sya. "S-saglit lang. Ziya ang pangalan ko. H-hindi Nina," pigil nito sa babaeng yumakap sa kanya. Tiningnan naman syang mabuti ng babae at nagmamadaling lumayo sa kanya na parang napaso. "Ayyyy! S-sorry.. Akala ko kasi yung kaibigan ko dun sa Manila, e. K-kamukha mo lang pala. Pasensya na talaga," hinging-paumanhin nito. " It's okay. No problem."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD