Episode 11

1468 Words
"Hello?! Where are you now?! Paalis na ang plane!" bungad ni Tor pagkasagot ni Ziya ng cp nya. Nakakailang tawag na ito ngunit ngayon lang nya sinagot. "Andito na sa office," simple nyang sagot. "Umaano ka dyan?!" galit na tanong nito. "Working. Bye.." Pinatay na ni Ziya ang telepono para di na nya marinig pa ang mga susunod na sasabihin ng lalaki. Sigurado kasi syang magmamando lang ito. Nakareceive sya ng text ilang segundo lang ang nakalilipas. "Go to the airport now or I will call Dean to fire you!" maawtoridad nitong utos. "No, I won't go there. Go, tell Sir Dean! Sasabihin ko lang naman na keylangan mo pa ng pahinga." Makalipas ang isang oras ay humahangos itong lumapit kay Ziya. "Sinayang mo ang flight, Ziya! Ano gagawin natin ngayon, book another ticket?!" Halos mapatid ang litid nito sa leeg sa galit sa kanya. Hindi naman nya ito pinansin kaya hinatak nito ang balikat nya para makuha ang atensyon nya. " Calm down. I already told Sir Dean na may iba pa akong inaasikaso. Wala naman 'yun sa agendas na pinapagawa nya sa'kin for this week. Kaw ba ang boss ko?" matapang na sagot ni Ziya pagkatapos nyang pagpagin ang balikat na hinawakan ni Tor. " E, anong gagawin ko ngayong araw?!" galit pa ring reklamo nito. " Aba, ewan ko sa'yo. Pero ang maipapayo ko lang, magpahinga ka pa." Ngumiti pa sya ng peke pagkatapos. "You, little…..!" Hindi na itinuloy ni Tor ang sasabihin bagkus ay dumiretso na sa loob ng office ni Dean. Alam na rin naman ni Ziya na 'di magpapatalo si Tor kaya dinala nya ang pinamili nitong mga damit. Tama nga siya! Mayamaya ay tinatawag na sya ni Dean. " Please Ziya, talk to this guy first. Sobrang kulit!" sukong wika ni Dean bago lumabas ng office. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa at nagwika, "I have an important meeting to attend to, maiwan ko na kayong dalawa, hmm?" Hindi sumagot si Tor habang si Ziya naman ay masuyong tumango. "Alam mo nakakahiya yang inaasta mo. Para kang bata! Hindi naman tayo nagmamadali. I told you, hintayin lang natin ang result ng mga medical exams mo tapos you can go anywhere you want!" pagpapaliwanag ni Ziya pagkasarado ng pinto ni Dean. "You are not my boss, Ziya!" "You are not my boss, either! Please, Tor, wag ka na makulit. Three days lang naman e. Pag pinilit mo pa ako, sisirain ko ang mga 'to!" Itinaas ni Ziya ang paperbags ng damit at inilabas ang maliit na gunting na ibinulsa nya bago pumasok sa office. Binuksan nya ang mga yun at pinamilian. "Ito siguro ang una kong gupitin." Itinaas nya ang isang orange shirt dress at akmang gugupitin. "Shocks! Wag ito, ito nga pala pinakagusto ko."Ayy, hiindii, ito na lang isa." Iniladlad naman nya ang isang plaid blazer dress. Hindi pede to! Wala pa akong ganito, e "Hmm, ahhh itooo…" Isang white polkadot V neck wraparound dress na sa kapa pa lang ay alam mo ng mamahalin. Baka nga ito ang pinakamahal sa lahat. Ito na nga lang, bahala na. Akma nya nang gugupitin yun nang pigilan sya ni Tor. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Halos mabingi si Ziya sa lakas ng boses ni Tor pero di sya nagpatalo. "Uuwi ka at magpapahinga o isa-isahin kong gupitin ang mga ito. Kilala mo ako, Tor. Ginagawa ko ang mga sinasabi ko," hamon nya rito. Nakita ni Tor ang determinasyon sa titig na iyon ni Ziya kaya ibinaba na nya ang mga kamay nito at tinahak ang pintuan. "Don't be late on Monday!" pamamaalam nito. Napangiti si Ziya at napasadlak sa upuan. Alam nya na mahalaga para kay Tor ang pag-appreciate sa mga ibinibigay na mga gamit. Naalala pa nga ni Ziya yung kauna-unahang lapis na binigay nya rito. Idinisplay lang ni Tor ang lapis sa kwarto nito at hindi ginamit. Nilagyan pa ng lalaki ng ribbon ang naturang lapis. Nawala sa loob nya nung minsang naiwan nya sa bahay ang sariling panulat at tinasahan nya ang pencil. Isang linggo s'yang di kinausap ni Tor dahil dun. "'Susme kang lalaki ka! Kamamahal nito, ah! Buti na lang pumayag na. Baka ako din umiyak mamya pag nagupit ko talaga 'to. Kagagara pala talaga!" Namimilog ang mga mata ni Ziya. Nasa mahigit sampu ata ang mga iyon. At yung mga premium clothes pa ang binayaran ng lalaki! "Ayyy nasa 40k siguro lahat 'to. Jackpot!" Niyakap pa ni Ziya ang mga ito bago ibinalik sa paperbags. ***** "Wow, bagay na bagay sa'yo yan!" may paghangang wika ni Tor sa OOTD nya. Suot nya ngayon ang isang white silk camisole at blush pink pants na nilagyan nya ng bright pink boyfriend blazer. Tinernuhan nya iyon ng pink platform sandals. "Thank you." Isinuot nya muna ang black tortoise sunglasses nya bago nagsalita muli. "Kung alam ko lang na bibilhin mo lahat ng dinampot ko sa dress shop, sana pala sa mas mahal na shop ako pumasok." "Alam kong kuripot ka kaya ako na ang namili. Sa loob ng tatlong oras, isang tig two fifty pesos na damit lang ang binili mo? Aanhin mo ba yung mga kinikita mo? May binubuhay ka na bang pamilya?? Sa pagkakatanda ko, good provider naman si Daddy Cris," tanong ni Tor sa kanya. " Gusto ko lang magtipid. Period!" Hindi na lang kumibo si Tor hanggang kailangan na nilang sumakay sa eroplano. Dumiretso sila sa site at nasiyahan naman sila pareho sa nakita. Isang high class resort with condominium ang joint project na tinatapos nila ni Tor. Nasa tabi ito ng isang crystal clear white beach. Sinusurvey nila ang site kung ano na ang improvement. Tumatakbo naman ayon sa timeline ang paggagawa nito. " Ziya, gusto mo mamasyal?" tanong ni Tor kay Ziya. " Hindi pamamasyal ang ipinunta natin dito, 'no. Nagtatrabaho ako," naiinis nyang wika rito. " O, meron ka ba ngayon? Bakit nagsusungit ka na naman?" pang-aasar ni Ice. " Wala, busy ako! Lumayo ka nga dyan! Naaalibadbaran ako sayo!" Tinabig pa ni Ziya ang braso ng lalaki. "Fine! Work all you want!" naiinis na ring wika ni Tor. Iniwan na nya si Ziya at mabilis ang naging hakbang nya para humanap ng masisilungan. Katanghaliang tapat na kasi ay nasa initan pa sila. Gutom na rin sya. Gusto lang naman nya ayain ang dalaga na kumain pero di nya alam na masusungitan pa sya. "Gutumin mo sarili mo, buwisit na babae yun!" bulong nya. "A-anong sinasabi mo dyan? Nakakabwiset ako?!" "Kelan ka pa dyan?!" nagulat na tanong ni Tor. Hindi nya alam na nakasunod pala sa kanya si Ziya. "Gutom na ako! Libre mo ako.." utos nito. Lumakad na rin ang babae patungo sa mga establishment na natatanaw nila. "Kala ko nagbago na, brat pa rin pala 'gang ngayon," bubulong-bulong na wika ni Tor sa sarili. Dumiretso ito sa isang Korean restaurant. Pagpasok nito ay kasalukuyan nitong tinitingnan ang menu. Tinawag nito ang waiter. " O, o, teka lang. Kanya-kanya tayo ng order ha?" agaw-pansin ni Tor kay Ziya nang lumapit na ang waiter. Ngumisi lang ang babae. Naalala nya kasi ang pag-order nya nung kumain sila sa mall. Iyon din marahil ang inaalala ng binata. "Bakit? Pareho lang naman ang taste natin, huh?" pang-aasar ni Ziya kay Tor. " Yeah! Parehas nga pero.. haayy, gutom na ako!" Humarap ito sa waiter " One order of soy garlic chicken and your bestseller for ramen." "Ganun na lang din sakin, kuya," segunda ni Ziya. Pagkaalis ng waiter ay nagkaroon ng malawak na katahimikan. Nagkakahiyaan na naman sila. Si Ziya ay inabot ang cp at kunwari may binabrowse, si Tor naman ay sa labas lang nakatingin. Si Tor ang unang nagsalita. "Ziya? tawag nito sa babae. Hindi pa rin kumibo ang babae at patuloy lang sa kunwari ay pagbabrowse. Di napigilan ni Tor ang sarili at hinatak ang cellphone ni Ziya. " Mag-usap tayo, please…"pagsusumamo ni Tor. "Okay, ano bang pag-uusapan natin, hmm??" napipilitang sambit ni Ziya. Inilagay pa nya ang dalawang kamay sa ilalim ng kanyang baba at tiningnang mabuti si Tor. "Yung tungkol sa'ting dalawa." Humagalpak ng tawa si Ziya sa binanggit ni Tor. "Magkaanu-ano ba tayo? Boyfriend ba kita? Kamag-anak? Ang pagkakaalam ko, magkaibigan tayo, oo! Pero nung umalis ka ng walang paalam, pinutol mo na ang ugnayan natin!" mahabang litanya ni Ziya. "Uhm, S-sir, M-ma'm, your orders p-po," nauutal na wika nang kararating lang na waiter. Nagulat sa malakas na boses ni Ziya. "Pakibaba na lang, thank you," sambit ni Tor sa waiter. Ibinalik nito ang atensyon kay Ziya pagkatapos. "Sige, kumain ka muna. Gutom ka nga siguro." "Dyan ka magaling, e. Sa mga pambabalewala.." Humigop muna ito ng sabaw nang pagkalakas-lakas. "Hmm, ang sarap ng ramen nila! Tamang-tama ang anghang!" Natawa na lang si Tor kay Ziya. Basta talaga pagkain, nawawala ang init ng ulo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD