Pagkatapos na magawa ang mga laboratories at procedures ay pinayagan na silang umuwi ng doktor. I-follow up na lang daw ang ibang results at dalhin ang resibo kapag kukunin na ang resulta.
Naalala ni Ziya ang pinag-usapan nila ng doktor.
"Doc, is it possible to have a serious injury following a head to head impact?" curious na tanong ni Ziya. Nagwo-worry kasi sya dahil medyo matagal din bago nagising si Tor pagkatapos ng insidente. At nang magising naman ay parang hilong-hilo pa rin ito. Uuwi na nga lang sila pagkatapos ng 24 hours ay parang matamlay pa rin ang lalaki.
"It depends on the situation. Titingnan d'yan ang angle, lakas ng impact, at kung saang parte ng ulo matatamaan. Kung wala namang past head injuries, for most cases, wala naman lalo na kung mahina lang. Mostly numbing pain or minor injury lang. Pero isa lang sure ako, masakit yun," pabirong sabi ng doktor upang hindi naman din masaktan si Ziya na alam n'yang may kagagawan. "However, if a headbutt is performed incorrectly, it may cause more harm to the person giving it than to the person receiving it. In your case, since mas matangkad sa'yo si Tor, sa may ilong at baba mo sya natamaan. Mas lamang ang impact sa kanya. Nahilo sya na naging dahilan ng kanyang pagkahimatay. By the way, hindi ka ba nasaktan dun?"
"Medyo masakit din po, Doc. Sa totoo lang," natatawa na ring wika ni Ziya.
"Kayo talagang mga magsyota, iba rin ang trippings ninyo,"panunukso ng doktor.
"Ayyy, nagkakamali po kayo, Doc. Hindi ko po boyfriend 'yan," Inirapan ni Ziya si Tor at nang ibinalik ang paningin sa may katandaan ng doktor ay bahagyang ikinaway ang dalawang kamay sa tindi ng pagtanggi.
"Sweety, 'wag mo naman akong itanggi kay Dok," pang-iinis ni Tor.
"Sweety ka d'yan, mahiya ka nga sa mga sinasabi mo. Wag kang sinungaling." Ibinalik naman ni Ziya ang tingin sa doktor. "Wag po kayo maniwala sa kanya, Dok."
Nangingiti naman ang doktor sa pagbibiruan ng dalawa. "O, sige na nga. Basta lang ang mga bilin ko, wag kalimutan. I'll go to my other patient now. Ingat sa pag-uwi."
Sabay na tumango ang dalawa pagkatapos magpasalamat sa doktor.
*****
Inaalalayan ni Ziya si Tor dahil iyon ang gusto nito. Umaayaw ang isip nya pero dahil may kasalanan din naman sya sa nangyari, mas minabuti na n'yang tulungan ito.
Ayaw rin nya na masisi kung merong ibang mangyari sa lalaki. Hanggang ma-clear lang ito ng doktor sya tuluyang mapapanatag. Yun kasi ang bilin ng doktor, observe for at least 3 days pa.
Sa totoo lang, kaya naman na lumakad ni Tor ng walang assistance, gusto lang nya na mapalapit kay Ziya. Pasimple n'yang inaamoy ang buhok at pinipisil ang bewang nito.
"Tor, kapag 'di ka tumigil sa ginagawa mo, makakatikim ka ulit ng batok ko!" asar na wika ni Ziya.
"Di ko na ba pede gawin ngayon ang mga 'to? Paborito mo ngang activity ang dumikit sa'kin nung mga bata pa tayo, e," pagmamalaki naman ni Tor.
Pabalyang inalis ni Ziya ang kamay nito na nakaakbay sa kanya at humarap sya sa lalaki."Matatanda na tayo Tor, 'di na ako ang dating Ziya na kalaro mo."
Tinalikuran sya ni Ziya at dire-diretsong tinungo ang sasakyan nya.
Pagkarating sa sasakyan ay pilit binubuksan ni Ziya ang pintuan niyon ngunit hindi nya mabuksan. Tiningnan nya muli si Tor na nagpipilay-pilayan pa.
"Hindi ang paa mo ang may diperensya, 'yang ulo mong may sayad! Buksan mo na 'to!" angil ni Ziya.
Patuloy pa rin si Tor sa ginagawa kaya tuluyan nang nayamot si Ziya.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo ako kasabay. Kaya ko mag-commute!"
Humarap si Ziya sa direction ng sakayan ng taxi. Nakakailang hakbang pa lang sya nang pinigilan sya nang ngumingising si Tor.
"Ito naman, di na mabiro. Pakurot nga ng pisngi mo."
"Arayyy!" Hinaplos nya ang kanang pisngi sabay hatak sa brasong hawak nito pero mariin ang pagkakaakbay nito sa kanya at iginiya na sya sa sasakyan.
"Di ka pa rin nagbabago, pikon ka pa rin," panunudyo ni Tor.
"Di ako pikon!" sigaw naman ni Ziya na ikinatawa ni Tor.
"Sige na nga, di ka na pikon. Samahan mo ako sa mall," pang-aaya naman ni Tor
" Aano naman tayo sa mall?! May trabaho pa ako, remember?" asik pa rin niya.
"Pinagpaalam na kita kay Dean kaya okay na."
Napapailing na lang si Ziya. Gusto rin naman nya na makasama ang lalaki, 'yun nga lang asar pa rin sya rito. Di pa rin kasi nya alam ang dahilan bakit ito umalis noon. Bumalik ngayon tapos feeling close pa rin?Walang pali-paliwanag, gusto tanggapin ulit sya? Di na kami mga bata na pede ang ganung setup. Pano kung umalis na naman ito at magkagusto na naman ako sa kanya? O nawala nga ba iyon?
Tahimik si Ziya buong byahe 'gang makarating sila sa isang sikat na mall. Pumasok sila dun at iginiya sya nito sa women's section ng isang establishment.
"Sino naman kaya ang ibibili nito?"
Nalungkot sya sa ideya na meron na itong iniibig o binibigyan ng atensyon, dati kasi sya lang..
Umupo sya ng may makita syang vacant seat. Tumabi naman sa kanya si Tor at muli ay inakbayan sya. Pumiksi naman si Ziya.
"Bakit ba nakaakbay ka na naman?! Bumili ka na kung gusto mo bumili, hintayin kita," wika ni Ziya.
"Kaw lang naman ang hinihintay ko. Bumili ka na ng bagong blouse. "Ang dami na ng butas ng blouse mo." Itinuro nito ang parteng may butas sa tagiliran. "Ito pa." Itinaas nito ang blazer nya at hinawakan naman nito ang sa may bandang likuran nya.
"Anliit-liit lang ng mga iyan. Di naman 'yan mapapansin kapag nasa malayo at may blazer na nakapatong." Nahihiyang hinatak ni Ziya ang damit nya at inayos ang blazer na suot.
"Gumana na naman 'yang kakuriputan mo. Ako naman ang magbabayad. Sige na, please. Pinagtitinginan na tayo ng mga saleslady, oh"
Inginuso nito ang dalawang saleslady na nakatingin nga sa kanila. Ayaw man nya ay napapayag na rin sya. Kilala nya si Tor. Hindi ito titigil 'gang di nananalo, parang 'sya. Para makauwi na agad, namili na sya ng damit.
Habang umiikot si Ziya ay sinusundan sya ni Tor. Bawat matitigan ng babae ay kumukuha sya ng alam nyang kakasya rito. Binayaran na din nya habang nagsusukat ito.
Bago sila umuwi ay nag-aya na rin kumain si Tor. Pinapili nya si Ziya ng gusto nitong kainan at doon sila nagtungo. Pagkapasok sa loob ng resto ay si Ziya na rin ang pina-order nya.
"Sigurado ka na kung ano ang gusto kong orderin yun din sa'yo?" tanong ni Ziya.
" Eksakto! Walang labis, walang kulang."
"Sure ka ha? Walang sisihan?" paninigurado ni Ziya.
"Oo nga! Ang kulit nito. Basta umorder ka na, gutom na ako, eh."
Pumunta na sa counter si Ziya at inorder ang mga gusto n'yang kainin. Nangunot pa nga ang crew ng may binanggit sya.
" Anong inorder mo? tanong ni Tor pagkaupo nya.
"Rice toppings, adobo, kare-kare,sinigang at halo-halo." Masaya namang banggit ni Ziya.
Pagdating ng order nila ay halos hindi magalaw ni Tor ang pagkain.
" S-sa sa a-amin po y-yan?" Nandidiring tanong ni Tor sa service crew.
" Yes, po. Special request po ni Ma'm." Itinuro pa nito ang babaeng nakangiti sa kanya at nagsisimula nang kumain.
" A-ah o-okay.." Napakamot na lang si Tor.
Sa isang parte kasi ng plato ay ang adobo,itinabi ang nakahalo nang karekare na may bagoong, sa gitna ang sangkap naman ng sinigang at ang kanin ay nasa tumpok ng mga ito. Nang nakaalis na ang crew ay tinitigan nya ang babae na sarap na sarap naman sa pagkain. Naipaghalo-halo na nito ang mga pagkain pagkatapos ay inilagay na rin nito ang sabaw dun.
"Ano to, Ziya???!"
"Bakit ka nagagalit? Kilala mo ang kakaibang taste ko sa food nun pa, nakalimutan mo na?" Tinaasan pa sya nito ng kilay. "Kaw itong nag-insist na pareho nang sa'kin. Buti nga hindi ko pinahalo halo talaga 'yan."
Natahimik si Tor nang maalala. Isa nga pala 'yun sa pinag-aawayan nila 'nun. Gawain kasi ni Ziya ang ilagay lahat ng ulam sa plato, halu-haluin yun at kainin. Wika pa nga nito, ganun din naman ang kakahinatnan ng mga pagkain sa loob ng tiyan. Minsan nga ay in-explain pa nito sa kanya ang digestion process. Wala naman masama, kanya-kanyang trippings naman, eh. Sya kasi mas gusto nya yung gaya ng karamihan, yung kukuha lang nang ulam. Napahugot na lang sya ng hangin at napapikit.
"Sayang naman ang pagkain. Sige na nga! Ako naman kasi ang nakalimot, eh."
*****
Malapit na sanang mainis si Ziya. Sinigurado pa nya ang sinabi kay Tor, dahil kahit alam nyang pareho sila nang taste sa food, iba pa rin ang way nila ng pagkain. Baka nga gutom lang talaga ito. Pero dahil nakikita nyang kumakain na ito, nangiti na rin sya. Matagal na nyang kinukumbinsi ito na subukan ang sinasabi nya, pero hindi nito ginagawa. Pero kahit ganun, sabay pa rin sila kumakain. Pareho pa rin naman sila ng taste sa food, way of eating lang naman talaga sila magkaiba.
"O, isuot mo yan pagpunta natin sa Tagbilaran bukas. Bye!"
Inabot ni Tor ang paperbags ng damit na pinamili nya kay Ziya at mabilis na pinaarangkada ang sasakyan pagkababa ng dalaga.
" Hoyyy!! A-ano daw?! Para san?! B-bukas?!!" sigaw ni Ziya ngunit malayo ng marinig ni Tor dahil nakalayo na ang sasakyan.
Bukas na kami pupuntang Bohol? E di pa sya pede magbiyahe. Yun ang kabilin-bilinan ng doktor. Ang tigas talaga ng kukote nun!