Episode 9

1103 Words
"Sandra, naalala mo ba yung mga bata tayo? Sabi natin pag yung mga panganay natin ay babae at lalaki, ipapakasal natin sila paglaki nila," wika ni Carol. Nangingiti si Sandra habang inaalala ang napag-usapan nila nung high school sila habang sinusundan ang mga crush nila. "Seseryosohin ba natin 'yan, Mare?" "Bakit naman hindi? At least alam natin na maganda ang background ng mapapangasawa ng mga anak natin. Saka tignan mo sila, ang cute kaya nila. Bagay na bagay sila," ani Carol. Pinagmamasdan nila ang dalawang bata na magkatabing nakaupo sa bench na nasa ilalim ng malaking puno ng mangga. Nasa hardin sila sa bahay nila Tor. Naabutan nila kanina ang dalawa na magkatabing natutulog sa bench. Napagod sila kakahanap at tumungo pa nga kina Claire para alamin kung nagawi roon ang dalawang bata. Ang sabi nito ay si Tor lang ang nakita nito at kanina pa nga raw nagpaalam. Ang laki ng relief nila nang makita ang dalawa. Nakapaikot kasi ang upuan sa ilalim ng puno. Hindi mo matatanaw ang kabilang panig kung manggagaling ka sa loob ng bahay nila Tor. Meron namang flower fence na nakapaligid din sa naturang puno. Marami 'yung namumukadkad na halaman kaya kung 'di ka titingkayad o lalapit sa may puno ay hindi mo makikita kung may tao dun o wala. Nakaupo ngayon ang dalawang matanda sa may bench na tanaw ang b****a ng pathway papunta sa naturang puno. " As much as I want to, gusto ko pa rin mahal ng anak ko at mahal din sya," wika ni Sandra. "Sabagay, baka magkasakitan pa noh?" pagsang-ayon ni Carol. "Naalala ko kasi si Aling Basya d'yan sa kanto. Hindi nakakalabas yun kapag bagong bugbog. Nakikita pa nga 'yun laging naka-belo. Akala ko naman conservative lang, yun pala puro pasa! Buti nga at lumaban na, nakakulong na yung lasinggerong asawa nya." "See? Basta masaya anak ko, dun ako." "Hala ka! Hoy Tor! Ziya!" sabay na sigaw ng magkaibigan nang makitang naghahampasan ang dalawa. ***** "Ziya, kilala mo ba si Johnny ng Pinas?" "Sinong Johnny?" Nalukot pa ang mukha ni Ziya. "Yung sa Endless Love, di mo alam yun? Nanonood si Nanay nun." "Ahhh... Oo, si Johnny at Jenny. Nanonood din si Mommy nun. May kamukha s'ya rito sa Pinas? Nagpacute pa si Ziya nang inipit nito ang mga buhok na nasa mukha sa magkabilang tenga nito. "Crush ko 'yun." "Dito na sa harapan mo, o." Nagpogi-sign pa si Tor kay Ziya. "Johnny ka d'yan! Mukha kang pugo!" naiiritang sambit ni Ziya. " Pugo ka dyan! Pogi kamo!" " Pugo! pugo! pugo! Mukha kang pugoooo!" Pagkasabi nun ay binatukan pa ni Ziya ang batang lalaki bago maliksing tumakbo. Hinimas naman ni Tor ang ulo nya. Sa liit na yun ni Ziya ay parang kamao ng malaking tao ang kamay nito. Ilang beses na nya natikman ang sakit ng mga kamay nito pag hinahampas sya. " Araaaaay!!! Lagot ka sakin 'pag naabutan kita! Ikaw naman papatikimin ko ng bukooooool! Hooooooy!" galit na galit na wika ni Tor. " Kung mahabol mooo ako…!" Malayo-layo na rin ang naging habulan nila bago naabutan ni Tor si Ziya. Hinablot nya ang kwelyo ng pink blouse nito na naging dahilan ng pagkapunit nun. "Bakit sinira mo?!" Nanlilisik ang mga mata ni Ziya habang hinahampas ang kawawang si Tor. " Di ko sinasady… Ouuuuch!" Hinawakan ni Tor ang kaliwang mata nya na natamaan ni Ziya. Naawa naman si Ziya dahil alam n'yang nasaktan nya si Tor. Inilapit n'ya ang mukha rito para sana matingnan ang idinadaing nito ngunit napasigaw din sya. Iwinasiwas kasi ni Tor ang kanang kamay nito. "Araaaay! Mamaaaaaa!" sigaw ni Ziya habang hawak ang kanang pisngi. ***** Hindi magkamayaw ang magkaibigang Sandra at Carol sa pangangaral sa dalawang bata. Nakatayo pareho ang kanilang mga anak na nakaharap sa isang bahagi ng pader. Iyon ang binibigay nilang parusa kapag hindi na talaga nila matagalan ang kasutilan ng dalawa. Parehong magulo ang buhok at madungis. May hawak din ang mga itong sariling ice pack na idinadampi sa kanilang mga injury. Si Tor ay may black eye sa kaliwang mata at nagiging visible na ang pamamaga ng kanang pisngi ni Ziya. " Tor, mag-sorry ka kay Ziya. Hindi ka dapat nananakit ng babae," ika ni Carol " Ay, hindi Mare, itong si Ziya ang dapat manghingi ng sorry. Lagi nitong sinasaktan si Tor eh. Kababaeng tao, akala mo ninja fighter."Nilapitan nito ang anak at piningot pa ang tenga ng bata. "Mommy naman eh, di ba, di ba, sabi mo wag shinungaling. 'To kasing si Tor, feeling pogi, pangit naman," Pinagkrus pa nito ang dalawang kamay sa dibdib habang iniismiran si Tor. " Ay! Naku kang bata ka! Kung anu-ano yang lumalabas sa bibig mo. Umayos ka ha! Nanggigigil na ako! Mag sorry ka kundi magtatagal kang nakatayo dyan," nagtitimping pangaral ni Sandra. "'Lika na muna Sandra, mukang hindi pa nakakapag-isip itong mga anak natin," yakag ni Carol. Akmang aalis na ang matatanda nang biglang nagsalita si Tor. "W-wag na po," pigil ni Tor sa kanilang mga magulang." S-sorry Nay Carol, Mommy Sandra." Bumaling ito sa kababata. "Ziya, bati na tayo?" Iniabot nito ang kamay sa batang babae. "Sige Tor, bati na tayo. Sorry din." Nilapitan nito ang lalaki at yumakap. "Bati na tayo pero pugo ka pa rin,"bulong ni Ziya rito. Nginitian pa nya ang lalaki at hinaplos ang black eye nito na ikinatuwa naman ng kanilang mga nanay. " Sabi ko sayo Mare eh, mabait din naman talaga ang anak natin," proud na bigkas ni Carol. " Let's go na, Mommy. Pede na tayo umuwi di ba?" pag-aaya ni Ziya. " Oo naman, anak. Mare, una na kami ha?" paalam ni Sandra sa mag-ina. Malayo na ang dalawa pero naniningkit pa ring nakatingin si Tor sa mga ito. Pugo pala ah. Lagot ka sakin bukas. ***** "Tor," Idinilat nya ang kanyang mga mata nang dahan-dahan. Nalito pa sya kung nasa'n s'yang lugar ngayon. Nakampante lang s'ya nang makita ang babaeng gumigising sa kanya. "Ziya…" Nginitian nya ang babae. "Ang tagal mong natulog. Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Hinaplos pa ni Ziya ang ulo ni Tor. "Depende…" "Huh? Depende saan?" naguguluhang wika ni Ziya. "It depends kung mapapalo na naman ang ulo ko?" biro ni Tor. "Ayusin mo sagot mo. Hindi ka nakakatuwa," walang-ganang sagot ni Ziya. I am just trying to make things lighter for us, Ziya. "Sorry..." "Labas muna ako. Tanungin ko kung may mga laboratory results na, p-para makauwi na tayo." Hindi na naghintay ng sagot si Ziya bago lumabas. Malungkot na tiningnan ni Tor ang dalaga. Alam n'yang umiiwas ito. "I'm gonna win your heart again, Ziya. I promise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD