CHAPTER 1
"Huwag n'yo pong isama ang Tatay ko! Wala po siyang kasalanan!"
Nanginginig ang buong katawan ni Celestina habang desperado niyang hinaharangan ang dalawang pulis na pilit isinasakay sa mobile patrol ang kanyang ama.
Mahigpit niyang hinawakan ang braso nito.
"Tay!"
"Anak..." basag ang tinig ng kanyang ama.
"Huwag kang makialam." Sabi nito.
"Pero wala ka namang kasalanan!"
Umiiyak na siya habang paulit-ulit na umiiling.
Humarap siya sa mga pulis, nanginginig dahil sa nangyari.
"Sir, nagkakamali po kayo! Wala pong kinalaman ang Itay ko sa nangyaring holdapan kahapon!" Iyak niyang sigaw.
Nanatiling seryoso ang isa sa mga pulis.
"May testigong nagturo sa ama mo bilang isa sa mga suspek sa nangyaring armed robbery kahapon." Sagot ng pulis sa kanya.
Para siyang nabingi.
"Imposible po!"
"Maghapon pong nasa talyer ang Tatay ko kahapon!"
"Hindi po siya gagawa ng ganoong krimen!
Hindi po siya holdaper!" Malakas na sabi ni Celestina.
Ngunit hindi na siya pinakinggan.
Nakaposas na ang kanyang ama. At
unti-unti itong isinakay sa mobile patrol.
"Itay!" Muling sigaw niya ng malakas.
Pilit siyang lumapit ngunit agad siyang hinarangan ng isang pulis.
"Anak..." mahinang wika ng kanyang ama habang pilit na ngumiti kahit puno ng lungkot ang mga mata nito.
"Alagaan mo ang kapatid mo. At ang iyong inang may sakit.
Huwag kang mag-alala... mapapatunayan ko ring wala akong kasalanan."
"Hindi, tay!"
"Maawa po kayo!" Muling pagmamakaawa ni Celestina sa mga Pulis.
Unti-unting nagsara ang pinto ng mobile patrol.
Kasabay noon ang tuluyang pagbuhos ng kanyang mga luha.
Umandar ang sasakyan.
Tumakbo siya para habulin ang sasakyan habang iyak ng iyak.
"Tay!"
"Wala po siyang kasalanan! Ibalik niyo po si Itay! Huwag n'yo po siyang dalhin!"
Habang tumatakbo ay halos mawalan siya ng tsinelas.
"Pakiusap po! Huwag n'yo pong idamay ang inosente kong ama!"
Ngunit hindi siya tumigil.
Hanggang sa tuluyan na lamang siyang mawalan ng lakas.
Napaluhod siya sa gitna ng kalsada.
Habang ang mobile patrol ay unti-unting naglaho sa kanyang paningin.
Pakiramdam niya...
Kasabay ng pag-alis ng sasakyang iyon ay ang pagkawala rin ng natitirang pag-asa ng kanilang pamilya.
Hindi niya alam...
Na simula pa lamang iyon ng mas mabigat na pagsubok.
Dahil ang pinakamalaking biktima ng nangyaring holdapan... Ay ang bagong halal na Mayor ng bayang ito na kanilang bagong nilipatan.
Halos hindi maramdaman ni Celestina ang sariling mga paa habang naglalakad pauwi.
Namumugto ang kanyang mga mata sa walang tigil na pag-iyak.
Nang marating niya ang kanilang maliit na bahay, marahan niyang itinulak ang pinto.
Lumangitngit iyon sa pagbukas.
Tahimik ang buong kabahayan.
Sa isang sulok ay nakita niyang nakaupo ang kanyang ina sa lumang silyang kahoy.
Nakatulala lamang ito.
Mahigpit na nakahawak sa laylayan ng kanyang damit habang tahimik na pumapatak ang mga luha.
"Inay..."
Mahina niyang tawag.
Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang kanyang ina.
Namumugto ang mga mata nito.
Punong-puno ng takot at pag-aalala.
"Celestina..."
Hindi na nakapagsalita pa ang kanyang ina.
Mabilis na lumapit si Celestina at mahigpit itong niyakap.
Kasabay noon ang tuluyan nilang pagbagsak sa isa't isa.
Napahagulhol silang dalawa.
"Inay..." umiiyak na sambit ni Celestina.
"Kinuha po nila si Itay.
Lagi niyang sinasabi sa akin na wala siyang ginagawang masama..." hikbi ng kanyang ina.
"Hindi niya tayo kayang iwan. Hindi siya ganong klaseng tao, anak."
"Alam ko po." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap dito.
"Kaya ipaglalaban natin siya."
"Pero paano?" halos mawalan ng boses ang kanyang ina.
"Wala tayong pera. Wala tayong kakilala. Paano natin mapapatunayang inosente ang iyong ama?"
Napatango si Celestina habang pinipigilan ang sariling muling humagulgol.
Hindi niya alam ang isasagot.
Pakiramdam niya'y gumuho ang mundong matagal nilang pilit binubuo.
Mula nang lumipat sila sa bayang iyon, inakala nilang magsisimula na silang muli.
Ngunit sa isang iglap...
Mas mabigat na pagsubok ang sumalubong sa kanilang pamilya.
Maya-maya'y lumabas mula sa silid ang kanyang nakababatang kapatid.
Namumula ang mga mata nito sa kaiiyak.
"Ate..."
Agad itong yumakap sa kanilang dalawa.
Naging mahigpit ang yakap nilang mag-iina.
Walang nagsasalita.
Pawang hikbi lamang ang maririnig sa loob ng maliit nilang bahay.
Ipinikit ni Celestina ang kanyang mga mata.
Habang pinapahid ang sariling luha, lihim siyang nangako sa kanyang sarili.
Anuman ang mangyari...
Hindi niya hahayaang mabulok sa kulungan ang kanyang ama dahil sa kasalanang hindi nito ginawa.
____
Kinabukasan.
Hindi na halos maramdaman ni Celestina ang sariling mga paa habang nagmamadali siyang pumasok sa himpilan ng pulis.
Namumugto ang kanyang mga mata dahil sa magdamag na pag-iyak.
Sa loob ng selda ay agad niyang nakita ang kanyang ama.
"Itay!"
Mabilis siyang lumapit at kumapit sa bakal na rehas.
"Anak..." pilit na ngumiti ang kanyang ama.
"Bakit ka nandito? Hindi ba't sinabi kong alagaan mo ang iyong ina at kapatid?"
"Hindi ko po kayo pababayaan." Nanginginig ang kanyang boses.
"Maghahanap po ako ng paraan para mapatunayan nating wala kayong kasalanan."
Bumuntong-hininga ang kanyang ama.
"Wala akong kinalaman sa holdapan, anak. Maniwala ka."
"Opo, Itay. Alam na alam ko pong hindi ninyo kayang gumawa ng ganoong kasamaan."
Hindi pa man sila nakapagsasalita nang matagal ay may narinig silang ingay sa labas.
"Darating na raw si Mayor."
Nagkatinginan ang mga pulis.
"Lahat ng nakatalaga sa kaso, pumunta na sa conference room."
Napakunot-noo si Celestina.
Mayor?
Iyon ang narinig niyang biktima daw ng nangyaring holdapan?
Maya-maya lamang ay dumaan ang ilang bodyguard kasama ang mga opisyal ng munisipyo.
Kasunod nila ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng mamahaling itim na suit.
Matikas ang tindig.
Seryoso ang mukha at higit sa lahat gwapo at Moreno.
Nang dumaan ito sa tapat ng selda ay bahagya itong lumingon.
At doon...
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
Biglang natigilan si Celestina.
Parang huminto ang pag-ikot ng mundo.
Hindi maaari...
Hindi...
Hindi siya maaaring magkamali.
Ang bagong halal na mayor ng bayang kanilang nilipatan...
Ay walang iba kundi si Evander!
Ang anak ng dating amo ng kanyang ina sa Maynila.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki nang makita siya nito.
Hindi niya alam kung kilala pa ba siya nito hanggang ngayon.
Sa loob ng ilang segundo ay tanging mabigat na katahimikan ang namagitan sa kanila.
Ngunit sa isip ni Celestina ay sunod-sunod na nagsibalikan ang masasakit na alaala noong bata pa siya. Nasa sampong taon pa lang siya noon.
At si Evander ay kung hindi siya nagkamali ay nasa 17 years old ito noon...
Isa pa itong
binatilyo noon na walang ibang ginawa noon kundi pagtawanan siya.
"Ang pangit mo talaga."
"Bagay na bagay sa'yo ang pangalan mong Celestina. Pang-matanda!" Sabay tawa pa nito noon.
"Kapag nakita ka ng salamin, baka mabasag pa." Sabi nitong nang-iinis noon.
Paulit-ulit siyang pinaiyak noon ng lalaking nasa kanyang harapan ngayon.
Habang siya naman ay tahimik lang na nagtitiis dahil kasambahay ang kanyang ina sa bahay ng pamilya nito.
Ngayon...
Isa na itong mayor.
Makapangyarihan.
Mayaman.
At siya ang pinakamalaking biktima ng holdapan na ibinibintang sa kanyang ama.
Napalunok si Celestina, habang nanatiling nakatitig ang Mayor sa kanya.
Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mga kamao.
Hindi siya narito para balikan ang nakaraan.
Narito siya upang iligtas ang kanyang ama. At wala na siyang pakialam kung kilala pa ba siya nito o hindi na.
"Mayor..."
Basag ang kanyang tinig na lumapit rito.
"Pakiusap po... walang kasalanan ang Itay ko."
Hindi mabasa ng dalaga ang ekspresyon ng mukha nito.
Malamig ang mga titig, Seryoso,
At tila may kung anong galit na pilit nitong kinokontrol.
Dahil doon ay napayuko si Celestina.
Hindi niya alam kung natatandaan pa ba siya nito.
Maraming taon na rin ang lumipas mula nang huli silang magkita sa Maynila.
Noon ay isa lamang siyang payat at maitim na batang laging nakasunod sa kanyang ina na nagtatrabaho bilang kasambahay sa bahay ng pamilya nito.
Samantalang ngayon...
Isa na itong mayor.
Makapangyarihan.
At siya ang pangunahing biktima ng holdapang nagdala sa kanyang ama sa loob ng selda.
"Mayor..."
Muli siyang nagsalita.
Basag ang kanyang tinig.
"Pakiusap po... wala pong kasalanan ang Tatay ko."
Hindi agad sumagot si Evander.
Nanatili lamang itong nakatingin sa kanya.
Makalipas ang ilang sandali ay saka ito nagsalita.
"Ikaw ang anak ng suspek?"
Napakagat-labi si Celestina.
"Opo."
"At sinasabi mong inosente ang ama mo?"
"Opo, Mayor."
Tumango siya.
"Hindi po siya holdaper. Mekaniko lang po ang Tatay ko noong nangyari ang hold-apan. Maghapon po siyang nasa talyer."
Tahimik na nakinig si Evander.
Ngunit nanatiling matigas ang kanyang mukha.
"May testigong nagturo sa ama mo."
Parang piniga ang puso ni Celestina sa narinig.
"Hindi po iyon totoo!" mabilis niyang sagot.
"May mga taong puwedeng magpatunay na nasa trabaho siya!"
Napahugot ng malalim na hininga si Evander.
"I understand how you feel."
"Pero bilang biktima ng krimen at bilang mayor ng bayang ito, hindi ako maaaring maghusga base lamang sa pakiusap mo."
Lalong namutla si Celestina.
"Hayaan mong gawin ng mga imbestigador ang kanilang trabaho."
"Kapag napatunayang inosente ang ama mo, siya mismo ang unang makakalaya."
"Pero kung mapapatunayang sangkot siya..."
Hindi na nito itinuloy ang sasabihin.
Napatulo na lamang ang mga luha ni Celestina.
"Mayor..."
"Maawa po kayo."
"Wala na po kaming ibang aasahan."
Natahimik si Evander.
Muli niyang pinagmasdan ang mukha ng dalaga.
May kakaibang pamilyar na pakiramdam na bumalot sa kanya.
Ang mga matang iyon...
Parang nakita na niya noon.
Ngunit hindi niya maalala kung saan.