Benj Pov.
Thursday
" Benj mayroon na akong lead kung saan siya nagtatago"
" Tell me"
"Magkita nalang tayo sa dating lugar"
Agad kong binaba ang phone at naglakad palabas ng bahay.
" Saan ka pupunta?" Napatigil ako ng hinarangan ni Daddy ang dadaanan ko.
" Hmm...may kikitain lang ako" tugon ko
" Sino?"
" Dad bakit intresado kang nalaman?"
" I just want to make sure na ligtas ka alam mo naman ang mga nangyayari ngayon. Maraming p*****n kaya hindi ligtas lumabas ng bahay"
" I see don't worry Dad mag iingat ako" sabi ko bago nagpatuloy sa paglalakad.
" Answer my question sino ang kikitain mo?"
Lumingon ako at humarap ulit sa kanya
" Si Kathlyn magkikita kami ngayon" pagsisinungaling ko
Ngumiti siya bago tinapik ang balikat ko
" She is a good person kung pipili ako ng taong pakakasalan mo, I will choose her"
" Hindi ito ang tamang oras para pag usapan yan Dad"
" Tama ka kailangan mo munang makapagtapos ng pag aaral"
" I'll go ahead"
Lumabas ako ng mansion at sumakay ng kotse pupuntahan ko ang isang tagong lugar kung saan kami makakag usap na walang nakakakita. Habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ang tawag.
"Benj huwag ka munang tumuloy"
" Bakit may problema ba?"
"Mayroon dalawang sasakyan ang nakasunod sayo ngayon" saad niya kaya napalingon ako sa likuran. Isang kulay green at itim na kotse ang nakabuntot sa akin.
"Sigurado kaba?"
" Oo subukan mong makawala sa paningin nila kaya mo bang gawin yun?"
" Pwede mo ba akong tulungan?"
" Pasensiya na may kailangan din akong takasan"
Mula sa kabilang linya narinig ko ang biglang pagbangga ng sasakyan.
" Blue ayos ka lang ba?"
" Ofcourse magkita nalang tayo mamaya siguraduhin mo munang hindi ka nila masusundan" sabi niya bago naputol ang tawag.
Minsan nagtataka ako kung paano niya nalalaman ang mga nangyayari sa paligid ko kung mayroon din siyang inaasikaso. Hindi ko binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan para hindi sila makahalata na alam kong sumusunod sila sa akin. Dumeretso ako sa company na pagmamay ari ni Jake, isa sa mga kaibigan ni Nick. Paghinto ng sasakyan sa parking lot huminto din ang dalawang sasakyan sa di kalayuan. Bumaba ako ng kotse at pumasok sa loob.
" Hello po sir anong kailangan niyo?" "Tanong ng isang babae.
"Nandiyan ba ang boss mo gusto ko siyang makausap"
" Sir mayroon po ba kayong appointment?" Umiling iling lang ako bilang tugon.
" Benj"
Lumingon ako at nakita si Jake papalapit sa amin
" Guen ako na ang bahala dito, you can go back to your work"
" Yes sir"
" Im glad to see Benj akala ko--------
" Bakit akala mo ba nagpakamatay na ako" pabiro kong sabi
" Huwag mong sasabihin yun magagalit si Nick"
Tumingin ulit ako sa labas nandoon parin ang dalawang sasakyan na sumusunod sa akin.
" Siya nga pala bakit ka nandito gusto mo bang mag invest?"
" Tama ka"
"Then let's talk to my office"
Sumunod ako sa kanya papasok ng elevator pagdating namin sa office niya sumilip ako sa bintana. Mula sa 4th floor nakita ko ang dalawang lalaki na nasa labas ng kulay green at itim na sasakyan. Parehas silang nakasuot ng mask kaya hidni ko nakikita ang mga mukha nila.
" Benj maupo ka"
Umupo ako sa harap niya bago kinuha ang bussiness card sa wallet ko.
" I'll be direct to the point I need your help"
Fast forward
" Hello Blue nandito na ako na saan kana?" Tanong ko sa kabilang linya.
" I almost there" tugon niya
Paglipas ng ilang minuto dumating ang sasakyan niya. Lumabas siya habang pawis na pawis at may mga pasa sa katawan.
" Blue ayos ka lang?"
Tumakbo ako papalapit sa kanya para alalayan siya
" I'm fine medyo napalaban lang ako" pabiro niyang tugon
Kung di lang ako naawa sa kalagayan niya ngayon binatukan ko na siya ginagawa niya kasing biro ang lahat.
" I'm glad nagawa mo silang takasan"
" Tama ka at hindi ko magagawa yun kung di sa tulong ng isang tao"
1 hour earlier
" Okay payag ako" sabi niya habang nakasilip sa bintana ng office.
" Guen I need your help"
" What is it sir?"
" Assist him palabas ng exit, Benj you can use my car" usal niya bago hinagis sa akin ang susi ng kanyang kotse.
" Thank you"
" Text me kapag nakaalis ka ng maayos"
" Alright"
" Sir sumunod kayo sa akin" sabi ng babae
" Benj mag iingat ka"
" I will"
Dinala ako ng secretary niya sa exit ng company
" Sir dito muna kayo titingnan ko muna ang buong paligid"
" Thank you"
Naglakad siya papunta sa sasakyan ni Jake ng masigurado niyang walang ibang tao. Sumenyas siya sa akin kaya tumakbo ako papasok ng sasakyan .
" Pakisabi kay Jake na maraming salamat ulit"
" Yes sir mag iingat kayo"
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan hanggang sa makarating ako sa lugar na napagkasunduan namin ni Blue.
"Pambihira akala ko pa naman----
" May problema ba?"
" Mayroon taong nakamasid sa atin ngayon" pasimple niyang sabi.
" Sila ba ang sumusunod sa akin?" Nataranta kong tanong
" Hindi mukhang iba ang pakay niya"
May kinuha siyang baril at itinutok sa isang malaking punong kahoy. Pinaputukan niya yun ng ilang beses kaya napatakip ako ng tainga.
" Pagbilang ko ng tatlo lumabas ka sa pinagtataguan mo. Huwag mo ng hintayin na ako mismo ang pumunta diyan" seryosong sabi ni Blue.
Dahan dahang lumabas ang isang lalaki sa likod ng punong kahoy habang nakataas ang dalawa niyang kamay. Sandali tingin ko medyo pamilyar ang hugis ng pangangatawan niya.
" Gray" sambit ko habang nakatingin sa mga mga mata niya
He is wearing a mask pero kilala ko ang mga mata niya. Tinanggal niya ang mask na nakatabon sa kanyang mukha. Nang makita ko ang mukha niya lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit masaya akong ligtas siya.
" Benj lumayo ka sa kanya" sigaw ni Blue nakatutok parin ang hawak niyang baril kay Gray.
" Blue pakiusap ibaba mo yan"
" Benj you can't trust him he is a criminal"
" Mr. Detective tama ang sinabi mong kriminal ako pero hindi ko kayang saktan si Benj"
" Talaga? Duda ako sa mga salita na lumalabas sa bibig mo. Hindi mo nga siya kayang saktan physically but how about emotionally alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko"
Napayuko nalang siya ng marinig ang sinabi ni Blue
" Tama na, Gray bakit ka tumakas sa kulungan at sino ang tumulong sayo?"
" I'm sorry hindi ko masasabi sayo ang dahilan"
" Bakit ka nandito?" Tanong ni Blue
" I'm here to help"
Nagtinginan kami ni Blue at nakita ko kung paano nagkasalubong ang mga kilay niya.
" Benj let's talk" hinila ako ni Blue palayo sa kanya
" What is it?"
" I don't trust him baka kilala pa niya kung sino si Jessie Alfonso at maaari ding magkasabwat silang dalawa"
" Maaariing tama ka pero malaki ang tiwala ko kay Gray hindi siya gagawa ng bagay na makakasakit sa akin"
" Tssk! Napakadali mong magtiwala kaya malaya silang nakakagalaw sa paligid mo" makahulugan niyang sabi.
" Anong ibig mong sabihin?"
" Wala naman siya nga pala mayroon na akong natanggap na intel tungkol sa taong gumagamit ng pangalang Jessie Alfonso"
" Ano yun?"
" Alam ko na kung saan siya nakatira bukas papasukin ko ang condo niya"
Tomorrow is Friday at ang ikapitong loop
" Benj may problema ba?"
" Wala naman may naisip lang ako siya nga pala, alam kong abala ka pero can you found out kung ano ang nasa loob ng bank transaction na to"
Inabot ko sa kanya ang isang papel
" I'll handle this pagkatapos mahuli si Jessie"
" Thank you"
" Gray if you want to help us then patunayan mong mapagkakatiwalaan ka" sabi ni Blue
" I'll do everything"
Ngayon hindi na ako mag aalala dahil alam kung magkasama silang dalawa.
On the next day
" Nick kailangan niyang malaman ang totoo"
" Huwag mag aalala lang siya"
They are both holding each other hands habang nakaupo sa isang bench, ano pa kaya ang tinatago nila.
" May kailangan ba akong malaman?" Tanong ko habang nakatayo sa likuran nilang dalawa.
" Benj kanina kapa ba diyan?"
" Yes, at narinig ko ang lahat ngayon sabihin mo sa akin ano ang tinatago niyo?"
Nagtinginan lang silang dalawa
" Nick tell me" sigaw ko
" Benj calm down" sabi ni Irish
Nakakuyom ang aking kamao habang pinipigilan ang galit ko. I want to unfold his secrets baka isa yun sa mga makakatulong sa paghuli kay Jessie Alfonso.
" Benj hindi yun mahalaga maniwala ka"
"Nick ano ba ako sayo?"
" You're my boyfriend"
" Siguro naman sapat na dahilan na yun para sabihin mo sa akin ang totoo" sabi ko habang umiiyak.
" I'm sorry I can't" nakayuko niyang saad
" Irish tell me ano ba yung tinatago niyo?"
" I'm sorry pero wala ako sa position para magsalita" usal niya.
" Nick hindi mo ba talaga sasabihin sa akin"
" I'm-------
" Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin" sabi ko dahil sa galit.
Umalis ako sa harap nilang dalawa habang patuloy na bumabagsak ang mga luha sa mga mata ko. I can't accept the fact na mayroon siyang tinatago sa akin.
" Benj please mag usap tayo"
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ng makita siyang nakasunod sa akin.
" I don't------
Napatigil ako sa paglalakad ng bumalik sa alaala ko ang mga nangyari sa kanya 2 years ago.
" Benj please don't do this" pakiusap niya habang nakayakap sa likod ko.
Nagawa niya akong maabutan, patuloy parin sa pagbagsak ang mga luha sa mga mata ko. I am tired of everything, I want to save him pero hindi ko magawa, hindi pa mahuli huli si Jessie Alfonso. Sa sobrang dami ng mga naiisip ko hindi na ako nakakatulog ng maayos dahil sa frustration na aking nararamdaman.
" Why are you crying?" Tanong ko ng marinig ang kanyang paghikbi.
" Dahil napaiyak ulit kita"
" I'm really sorry"
" Napaka unfair mo sobrang dami mong tinatago sa akin"
" I want to protect you"
" Bakit may gusto bang manakit sa akin?"
" Wala ayaw ko lang na masaktan ka baka hindi mo kakayanin"
" Sa tingin mo hindi ako masasaktan kapag may nangyaring masama sayo"
" I'm really sorry you can punch me but please huwag ka ng magalit. Hindi ko kakayanin kapag magagalit ka sa akin"
Tinanggal ko ang kamay niya na nakayakap sa akin.
" Kung hindi mo gusto na magalit ako sayo then tell me you're secret"
" I.... I.-----
Nakita kong napahawak siya sa dibdib niya
" Nick are you okay?"
Yumuko lang siya at hatalang hinihingal hinawakan ko siya sa dibdib. Doon ko lang nalaman na sobrang bilis ng t***k ng puso niya.
" Nick huminga ka ng malalim" sabi ko habang yakap yakap siya.
" Benj I'm sorry" bulong niya
" Nick, Nick wake up"
Bigla nalang siya nawalan ng malay
" Tulong tulungan niyo kami" sigaw ko
" Nick Benj" sigaw ni Irish habang tumatakbo palapit sa amin.
" Anong nangyari bakit siya biglang nahimatay"
" Benj calm down kailangan natin siyang madala agad sa hospital"
Sa tulong ng mga ibang students na tumawag ng ambulance nadala namin si Nick sa hospital.
1:00 pm
Pinasok siya sa emergency room, habang kami ni Irish nasa labas ng ER. Pabalik balik ako sa paglalakad na naghihintay sa paglabas ng doctor.
" Lord alam kong hindi ako mabuting tao pero ngayon nakikiusap ako. Please huwag mo siyang kunin sa akin I'm begging you"
" Calm down malakas si Nick at hindi ka niya iiwan"
Pagkalipas ng 20 minutes lumabas ang doctor sa ER. Agad akong tumayo para tanungin siya sa kalagayan ni Nick.
" Sino ang relative ng patient?"
" Dr. I'm his boyfriend ano po ang kalagayan ni Nick?"
" Mr. Montefalcon pleassure to meet you"
" Paano mo ako nakilala?"
" Lahat nakakilala sa pamilya niyo, anyways tungkol sa kalagayan ng patient kailangan niyang agad madala sa operating room"
"Operating room bakit ganoon ba kalubha ang sakit niya?"
" Mr. Montefalcon mayroon malignant heart tumor ang pasyente" paliwanag niya na ikinagulat ko.
" What malignant heart tumor paanong nangyari yun?"
" Usually it's doesnt show any symptoms kapag maliit palang pero kapag lumaki na lumalabas ang symptoms na nararamdaman ng taong mayroong heart tumors gaya ng nangyari kay Nick"
" Hindi pa naman malubha ang sakit niya diba kailangan niya lang ng surgery"
" Actually...umaasa ako na sana ganoon pero----
"Pero ano doctor sabihin mo sa akin ang totoo"
" It seems that malaki na ang damage ng kanyang puso if we can't remove the tumor within this day maaari niya yung ikamatay.
Napaupo ako sa sahig matapos marinig yun
"Benj" inalalayan ako ni Irish na tumayo bago pinaupo sa upuan.
" Doctor gawin niyo ang lahat para maligtas siya nagmamakaawa ako sayo" umiiyak kong sabi.
" I can't promise you anything but we will do our best to save him excuse me"
Pagkatapos umalis ng doctor nagpatuloy lang ako sa pag iyak. Si Irish naman nanatili sa tabi ko para subukan akong patahanin.
" Alam mo ba ang tungkol sa kalagayan niya?"
" Yes, yan ang pinagtatalunan namin kanina"
" Ako lang pala ang walang kaalam alam bakit hindi mo sinabi sa akin"
"Even his parents walang alam sa kalagayan niya. Hindi ko sinabi sayo dahil ayaw ko siyang pangunahan kailangan siya mismo ang magsabi sayo ng totoo"
3:00 pm
Ginawa ng mga doctor ang surgery, tinawagan ko si Tita para ipalaam sa kanya ang kalagayan ni Nick. Sinalubong ko siya sa labas hospital tumatakbo siya papalapit sa akin habang umiiyak. Si Tito naman nasa biyahe pabalik dito dahil nasa ibang bansa siya para sa business meeting.
4:00 pm
Pumunta kami ni Irish at Tita sa chapel ng hospital lahat ng panalangin ginawa ko para maligtas lang siya.
5:00 pm
Dumating si Tito kahit siya makapaniwala na nag aagaw buhay ngayon ang kaiisa niyang anak.
6:00 pm
Lumabas ang doctor sa operating room sa mukha niya palang alam ko na ang resulta.
" I'm sorry" maikli niyang sabi na dahilan kung bakit ulit gumuho ang mundo ko.
Kung hindi siya pinatay mamamatay naman siya sa sakit
" Bakit mo siya pilit na nilalayo at dinadala sa lugar na hindi ko siya kayang sundan?"