Benj Pov.
" Dito ka lang ako na ang bahalang tumulong sa kanya" sabi ni Gray bago lumabas ng sasakyan.
Mahirap paniwalaan na kaya niyang tapatan ang kakayahan ni Blue. Mukhang hindi siya madaling mahuli, lumabas ako ng sasakyan para magbantay sa labas baka mayroon siyang ibang kasabwat. Sunod sunod na putok ng mga baril ang narinig ko mula sa di kalayuan.
" Bumalik ka dito"
Sandali boses yun ni Gray hinanda ko ang sarili para pinigilan si Jessie sa pagtakas. Gaya ng inaasahan ko tumatakbo siya palabas ng condo.
" Benj lumayo ka"
Mabilis ang mga sunod na pangyayari sa isang iglap may baril na nakatutok sa ulo ko.
" Jessie Alfonso" madiin kong sabi
" Nagkita tayo ulit Benj" nakangisi niyang usal
" Itapon mo ang hawak mong baril Gray kung ayaw mo siyang mamatay" sabi niya na may pagbabanta
" Go on kill him"
Nagulat ako ng marinig ang sinabi ni Blue naglalakad siya papalapit sa amin habang hawak hawak ang isang sigarilyo.
" Ano na ang ginagawa ng mukong na to" nasa isip ko
" Hindi ka nanghihinayang sa buhay niya?"
" No you can kill him" pag uulit ni Blue
" Scumbag" sambit ni Jessie
" I am Detective mas mahalaga para sa akin na mahuli ang kriminal kaysa iligtas ang hostage"
Mas lalong idiin ni Jessie ang hawak niyang baril sa ulo ko mukhang napipikon siya sa mga sinasabi ni Blue sa kanya.
" Wala kang kwentang tao" sigaw niya kasabay ng pagkasa ng baril.
Nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa sobrang takot.
" Ikaw ba kaya mo siyang patayin?" Tanong ni Blue
" Oo naman"
" Ano pa ang hinihintay mo kalabitin mo na ang gatilyo ng baril"
" Tumigil ka huwag mo akong pangunahan"
" Hindi mo siya kayang saktan kaya sumuko ka nalang"
Tumawa siya ng malakas matapos yun sabihin ni Blue. Napatingin naman ako sa gawi ni Gray ng ibinaba niya ang kanyang kanang kamay. Mabilis akong yumuko isang putok ng baril ang sunod kong narinig.
" Benj takbo" sigaw ni Blue habang tumatakbo palapit sa akin.
Natamaan si Jessie sa balikat kaya nagawa niyang mahuli ni Gray.
"Let me go" pagpupumiglas niya
" Benj ayos ka lang?"
Tumango ako bago lumapit kay Jessie Alfonso, ngayon mababawasan na ang mga alalahanin ko dahil alam kong nahuli na siya.
" Sisiguraduhin kong hindi ka makakatakas" madiin kong sabi.
" Hindi mo ako mapapakulong wala kang ebedensiya laban sa akin"
" Maghahanap ako"
" Benj anong plano mo sa kanya?"
Sumenyas ako kay Blue naglabas siya ng panyo na mayroong pampatulog. Inilagay niya yun sa ilong ni Jessie kaya siya nawalan ng malay.
" Gray ikaw na ang bahala sa kanya make sure na hindi siya makakatakas"
" Are you sure about this?" Tanong ni Blue na hindi sang ayon sa desicion ko.
" Gray lalaki ang tiwala ko sayo"
" Don't worry ako na ang bahala sa kanya"
Dinala namin si Jessie sa hideout ni Gray kung saan siya ikukulong. Isang underground hideout sa baba habang sa taas nito ay isang abandonadong bahay.
" Gray ang astig ng hideout mo" namamangha kong sabi ng makapasok sa loob.
Mayroon siyang living room, kusina, kwarto, at higit sa lahat control room kung saan makikita ang cctv monitor.
" Ako ang maglalagay sa kanya ng tali" sabi ni Blue
" Go on alam kung wala kang tiwala sa akin"
Pumasok silang dalawa sa kwarto, si Blue ang nagbuhat kay Jessie. Sumunod ako sa kanila sa loob at pinanood ang kanilang ginagawa. Kumuha ng lubid si Gray habang si Blue pinaupo si Jessie sa isang upuan wala parin itong malay. Pagkatapos inagaw niya kay Gray ang hawak nitong lubid at itinali sa katawan ni Jessie. Kumuha rin siya ng posas at nilagay sa kamay. Tinalian niya rin ang mga paa ni Jessie bago tinakpan ng tape ang bibig nito.
" Benj don't worry hindi ko siya hahayaang makatakas" sabi ni Gray na kasalukuyang nakatayo sa tabi ko.
" It's done"
" Maraming salamat sa inyong dalawa" sabi ko
" Gray sa susunod nating pagkikita huhulihin na kita"
" Catch if you can Mr. Detective"
Wednesday ( 4:00 am)
Kring.. kring
Nagising ako ng biglang tumunog ang cellphone ko
Blue is calling....
" Blue may nangyari ba?" Tanong ko sa kabilang linya
" Nakatakas si Jessie"
" What? Paanong nangyari yun?"
Bigla nalang nawala ang antok ko matapos marinig ang sinabi niya.
" Gray is missing too, tama lang ang hinala ko pinatakas niya si Jessie"
" Baka mayroong ibang taong nagpatakas sa kanya"
" I'm sorry Benj alam kong malaki ang tiwala mo sa kanya pero ang ginawa niya ngayon ay isang pagtatraidor.
I feel being betrayed by my bestfriend
" Thank you Blue"
" Huwag kang mag alala hahanapin ko sila"
" Maraming salamat sa pagiging tapat mo sa akin ikaw nalang ang maaasahan ko"
" You're making me blush go back to sleep"
Bumangon ako sa kama para bumaba sa kusina bubuksan ko na sana ang ilaw sa kitchen area ng bahay ng makita ko si Daddy na naglalakad palabas. Dali dali ko siyang sinundan hangang sa makalabas siya ng gate. Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa park malapit sa bahay namin.
Nagtago ako sa likod ng isang poste habang sinisilip siya. Umupo si Daddy sa isang bench at mukhang mayroong hinihintay. Pagkalipas ng halos sampung minuto mayroong dumating na isang lalaki nakasuot siya ng hood. Tumayo ito sa harap ni Daddy nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Medyo malayo din ang distansiya ng poste kung saan ako nagtatago mula sa kanila.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ang sunod na nangyari. Tumayo si Daddy sa kinauupuan niya at hinalikan ang lalaking nasa kanyang harapan. Its not just a kiss but a passionate one dahil sa gulat hindi ako nakagalaw.
" What the------
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng may isang kamay ang tumakip sa bibig ko.
" Huwag kang gumawa ang ingay baka makahalata sila" sabi ng taong nasa likuran ko.
Dahan dahan akong lumingon at tiningnan siya sa mukha
" Sandali nagkita na tayo sa restaurant dati"
" Tama ka ako ang pinadala ni Blue para makipagkita sayo dati, they're still kissing" sabi niya na nakatingin sa pwesto nila Daddy.
" Alam mo ba kung sino ang taong kahalikan ni Daddy?"
" Maybe he's lover"
" He is cheating on my mom" sabi ko habang kumakawala ang mga luha sa mga mata ko.
" They're leaving"
Magkahawak sila ng kamay paalis ng park
" Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya
" You can call me Sky yun ang pangalan ko . I am the current top 2 detective in the country base on ranking. And my mission is to keep my eyes on your father"
" Bakit may masama bang ginawa si Daddy?"
" Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya pero basi sa bank transaction na ibinigay mo kay Blue. Masasabing he is suspecious" paliwanag niya
" Kung mission mo ang bantayan ang bawat galaw niya maaari mo rin bang alamin kung sino ang taong kahalikan niya kanina handa akong magbayad kahit na magkano"
Friday
Maaga akong nagising para puntahan si Nick sa condo niya. Pagdating ko tamang tama na nandoon din si Tita na naghahanda ng almusal para sa kanya.
" Goodmorning Tita" bati ko habang naglalakad papasok
" Hello Benj come here"
Binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap
" Na saan po si Nick?"
" He is in the bathroom"
" Tita can I borrow you're son may pupuntahan kami"
" Ofcouse you can"
Pagkalipas ng limang minuto lumabas si Nick sa kwarto niya.
" Benj goodmorning" sabi niya bago ako niyakap
Tunog ng camera ang sunod naming narinig
" Dont mind me" sabi ni Tita habang kinukuhanan kami ng litrato.
" Happy anniversary" bulong ko
" Happy anniversary " I replied
" Ayaw ko kayong abalahin pero kailangan na nating kumain bago lumamig ang hinanda kong almusal"
Pagkakatapos kumain ng breakfast umalis kami ni Nick
" Saan tayo pupunta?" Tanong niya
" Malalaman mo rin"
Dinala ko siya hospital para matingnan ang kalagayan niya
" Sandali bakit tayo nasa hospital sino ang may sakit?" Nagtataka niyang tanong.
" Nick halika na ipapaliwanag ko sayo mamaya"
Bumaba kami ng sasakyan at pumasok sinalubong kami ni Dr. Apple sa lobby ng hospital ang taong kausap ko bago pumunta sa condo niya.
"Hello Mr. Montefalcon nakahanda na ang test room"
" Let's go Nick" hawak hawak ko ang kamay niya hanggang sa makarating kami sa isang kwarto.
" This way po sir"
" Ano ang ginagawa natin dito?"
" They will conduct examination so you need to take off your t-shirt"
Kahit na naguguluhan siya ginawa niya ang sinabi ko. Pinahiga siya sa hospital bed at sinimulan ilagay ang mga apparatus sa katawan niya. Si Dr. Apple ang nagsagawa ng echocardiogram test para tingnan ang lagay ng puso niya.
" How is it Doctor?" Tanong ko matapos isagawa ang test
" Mr. Montefalcon it confirm mayroon siyang malignant heart tumors"
" Alam ko malaki ba ang chances to save him?"
" Honest 50/50 chances ang mayroon siya para sa mga patients na mayroong heart tumors that would be critical pero mabuti narin yun kaysa sa o percent changes right?"
" Tama ka" pagsang ayon ko
" Before we conduct the surgery dapat alam ng pamilya ng patients ang gagawin ng surgery"
" I already texted them"
Ilang sandali pa dumating si Tita kanina lang magkasama kami pero hindi ko nagawang sabihin sa kanya kailangan ko ng patunay para maniwala sila na mayroong malignat heart tumors si Nick.
" Benj ayos lang ba si Nick?"
Kinausap siya ni Dr. Apple at ipinaliwanag sa kanya ang lahat habang ako sinisilip si Nick sa loob ng operating room. Wala siyang malay dahil sa tinurok sa kanya na pampatulog ng Doctor kanina.
10:00 am
Ginawa ang surgery pumunta kami ni Tita sa chapel para magdasal. Habang nasa chapel nakatanggap ako ng message mula kay Blue.
" We need to talk"
Pinapunta ko siya sa hospital doon mismo sa chapel. Umupo siya sa tabi ko bago tinanggal ang hood na suot niya.
" Anong kailangan mo Blue?"
" Nandito ako para ibigay ang nakuha kong impormasiyon" tugon niya.
" Naalala mo pa ang pinagawa ko sayo?" Gulat kong tanong.
" Ofcouse you told me to track this bank transaction right?"
Napatulala ako bago tumango
How can he remember ? Tanong ko sa sarili
" Ito ang mga impormasiyon na nakuha ko"
May inilagay siyang mga papel sa harap ko. Inisa isa ko yung dinampot at tiningnan.
" Gaya ng nakikita mo ang isang daang milyong transaction ay nilipat sa isang bank account na pagmamay ari ni Lucy Dy"
Lucy Dy pakiramdam ko narinig ko na ang pangalan na yun.
" After that mayroon itong ibang transaction at pinasa sa dalawang back account. Sa pangalawa at pangatlong transaction ay parehong nagkakahalaga ng 50 million pessos"
" Bakit may ganyan lalaking transaction sa account ni Daddy?
"Hindi ko rin alam pero isang espesiyal na trabaho ang kailangan ng ganyang kalaking pera"
Bigla akong napaisip at napailing iling sana mali ang maiisip. Tumayo siya at ginulo gulo ang buhok ko.
" Sana nga mali ang iniisip natin" sabi niya bago tuluyang umalis.
"Benj"
" Arya anong ginagawa mo dito?"
Bigla nalang siyang lumitaw tumingin tingin ako sa paligid at gaya ng inaasahan may kung anong barrier ang nakapalibot sa aming dalawa.
" Naramdaman ko kasing mayroon kang gustong itanong" sambit niya.
" Bakit naalala ni Blue ang ipinagawa ko sa kanya. Ang pagkakaalam ko pagkatapos ng loop umiiba ang buong pangyari at hindi naaalala ng mga taong nasa paligid ko"
" Tama ka pero habang papalapit ang huling loop mas lalong lumalakas ang epekto nito. Ibig sabihin malaki ang posibilidad na mayroong isang taong nakakaalala ng mga nangyayari, and that would be Blue"
That's explain everything
" Thank ----
Bigla ulit siya naglaho kasabay ng paglaho ng barrier
12:00 pm
Natapos ang surgery lumabas si Dr. Apple sa operating room na nakangiti.
" Kamusta ang anak ko?" Tanong ni Tita
" Successful ang surgery ni Nick sa ngayon he is still unconscious pero huwag kayong mag alala mabuti na ang kalagayan niya"
Humagolhol ako sa pag iyak dahil sa tuwa hindi ako makapaniwala na nangyayari to.
" Thank you, thank you so much" paulit ulit kong sambit
" Benj ligtas si Nick"
" Opo Tita he's safe finally"
3:00 pm
Dumating si Tito sa hospital kitang kita ko ang sobrang pag aalala sa mukha niya. Pero nang masabi ni Tita ang magandang balita napaiyak siya dahil sa tuwa.
4:00 pm
Pumasok ako sa hospital room nakahiga parin siya bed habang walang malay.
" Nick maraming salamat na ligtas ka nandito lang ako naghihintay sa pagmulat ng mga mata mo" bulong ko sa kanya bago siya hinalikan sa noo.
Hinawakan ko ang sobrang higpit ang kanyang kamay para maramdaman niya na nandito lang ako sa kanyang tabi. Isang piraso ng luha ang lumabas sa kaliwang bahagi ng mata niya, pinunasan ko yun gamit ang isang daliri.
" Don't worry everything will be fine" sabi ko
Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang nurse
" Excuse me po sir magsasagawa lang ako ng kunting examination" sabi niya
" Alright lalabas muna ako"
Bago ako tuluyang lumabas lumingon muna ako kay Nick ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa di malaman na dahilan.
5:00 pm
Nasa labas ako habang tinitigan ang mga documents na ibinigay ni Blue. Naalala ko ang pangalan na nabanggit niya kanina. Lucy Dy malakas ang kutob ko na narinig ko na yun dati hindi ko nga lang maalala kung saan at kailan. Sinubukan kong maghanap sa social media maraming lumabas na impormasiyon pero lahat ay tugma.
She is an actress who died 15 years ago marami siyang nagawang movies na tumatak sa mga tao. Possible na ginamit lang ang pangalan niya para gumawa ng pekeng bank account.
5:30 pm
" Calling the attensiyon of Dr. Apple please proceed to room 305 now"
Sandali room number yun ni Nick tumayo ako at tumakbo pabalik ng room 305.
" Anong nangyayari?" Tanong ko ng makita ang mga nurse sa loob hospital room.
" Benj dito kalang sa labas ako na ang bahala"
Kasalukuyang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa takot. Takot na baka mawala siya ulit sa akin.
Ilang sandali pa may narinig akong tunog ng mga kampana kaya napatingin ako kung saan yun nanggagaling. At nakita ang isang tao na naglalakad palabas sandali siya ang nurse na pumasok kanina sa hospital room bago nangyari to, kusang gumalaw ang mga paa ko para sundin siya.
" Comeback here" sigaw ko
Hindi siya gumamit ng elevator sa halip sa exit door siya dumaan patungo sa hagdan. Sinundan ko parin siya pero bigla walang siya nawala sa paningin ko.
" Benj Montefalcon" sabi ng isang malamig na boses sa likuran ko.
Bigla niya akong itinulak kaya nahulog ako mula sa 4th floor ng hospital patungo sa baba. I can feel the pain dahil sa pagtama ng ulo ko sa matigas na sahig. Ang sunod kong naramdaman ay matinding pagkahilo at panghihina dahil narin sa dugo na lumalabas sa ulo ko.
" Nick" bulong ko habang lumalabo ang paningin ko
Ngumiti ako ng matamis bago pinikit ang aking mga mata. I will be the happiest person if I would die because finally I can be with him forever.