Chapter 19. Tenth Loop

2321 Words
Benj Pov. " Mom na saan si Daddy?'" tanong ko ng makapasok sa loob ng bahay. " Benj anong nangyar?" " Mom kailangan kong makausap si Daddy ngayon mismo" " Anong nangyayari dito?" Nakita ko si Daddy naglalakad papasok ng bahay sinalubong ko siya ng isang malakas na suntok na dahilan kung bakit ito napaatras. " Anong problema mo?" Sigaw niya sa galit " Tama na Benj tumigil kana" saway ni Mommy " Mom huwag mong kampihan ang cheater na katulad niya" " Cheater anong ibig mong sabihin?" " Dad huwag kang magmalinis dahil nakita ko kayo" saad ko habang umiiyak. Bigla naman siyang natahimik sa sinabi ko " Diba hindi kayo nakapagsalita dahil totoo" " Benj ano ba ang sinasabi mo?" " Mom listen to me niloloko ka lang ng lalaking yun, he has a lover" Inaasahan ko na magugulat siya pero hindi ganoon ang naging reaksiyon ni Mommy. Para bang alam na niya ang totoo. " Felix diba sinabi ko sayo na tigilan mo na ang mga kalokohan mo para sa mga anak natin" "Naniniwala kaba talaga na kaya kitang lukuhin ulit' Ulit, ibig sabihin matagal na silang may relasiyon ni Gray. Mas lalong uminit ang dugo ko habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Nagsimula na rin humagolhol si Mommy sa pag iyak kay mas lalong tumitindi ang galit ko sa kanya. I want to punch him para maramdaman niya kung gaano kasakit ang ginawa niya sa amin. " I'm sorry, I'm really sorry" he said pero hindi ko ramdam ang sensiridad sa boses niya. " Dad answer my question gaano na kayo katagal ni Gray?" " 8 years" tugon niya "Bakit ang bestfriend ko pa sa dami dami ng tao bakit siya pa? Akala ko iba ka sa lahat pero nagawa mo parin kaming lukuhin gaya ng nila" Isang malakas na pagkalabog mula sa pinto ang narinig namin. Nakatayo si Venice sa pintuan habang nasa sahig ang kanyang lunch box. Nakatingin siya sa amin na patuloy sa pagbagsak ang mga luha sa mga mata niya. " Dad I hate you" sigaw niya bago tumakbo palabas " Venice comeback here" " If something happen to my sister hinding hindi kita mapapatawad" usal ko na may pagbabanta Tumakbo ako palabas para sundan si Venice pero mabilis siyang nakasakay sa taxi kaya hindi ko siya nagawang abutan. Sumakay ako sa kotse at hinabol ang sinasakyan niyang taxi pero bigla nalang itong nawala sa paningin ko. Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero hindi siya sumasagot. Itinigil ko muna ang sasakyan sa tabi para pakalmahin ang aking sarili. I can't save Nick, I can't reach out my sister, Daddy cheated on us, I am betrayed by my besyfriend. Lahat nalang ng kamalasan nangyayari sa pamilya namin. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad lakad sa tulay, maraming sasakyan ang dumadaan, sigurado ako na wala sa kanila ang nakaranas ng matinding sakit na nararamdaman ko ngayon. Tumigil ako at tumingin sa baba siguro kapag tumalon ako matatapos lahat ng ito. " Nick anong ginagawa mo diyan bumaba ka" " Blue" Binuhat niya ako saka inilayo sa gilid ng tulay " Are you okay?" Tanong niya umiling iling lang ako bilang tugon. " Come with me" Naglalakad kami pabalik ng sasakyan " Sky doon nalang tayo magkita sa hide out mo" Pagkatapos niyang makausap si Sky pumasok kami sa loob ng kotse. Siya ang magmamaneho samantalang ako naman nasa tabi niya at nakatingin lang sa labas. Pagkalipas ng ilang minuto huminto ang saksakyan sa gilid ng isang gubat. Bumaba si Blue at binuksan ang pinto sa kabila. " Nandito na tayo" Bumaba ako at inikot ikot ang tingin sa buong paligid " Sumunod ka sa akin" Naglakad kami ng ilang minuto hanggang sa narating namin ang isang tree house. Umakyat si Blue sa taas lumabas naman si Sky para dumungaw sa amin sa baba. " Benj umakyat ka narin" Pagkatapos kong akyatin ang 20 meters nakarating ako sa taas. Pinapasok kami ni Sky sa loob ng tree house malaki ang espasiyo sa loob at kumpleto din siya sa mga gamit ,umupo kami sa maliit na sala. "Benj may nangyari ba?" Tanong ni Blue " Alam ko na kung sino ang lalaki ni Daddy" sabi ko " Si Gray tama ba?" " Oo sinabi sa akin ni Sky ang nalaman niya kaya I confront him hindi niya itinanggi ang kanyang pagtataksil. Nang nalaman ko ang totoo para akong sinaksak habang nakatalikod at hindi namin inaasahan na marinig yun ni Venice. Sinubukan ko siyang habulin para kausapin pero hindi ko na siya nagawang maabutan" "Alam mo kung saan si Venice?" " Talaga na saan siya ngayon kailangan ko siyang makausap" " Don't worry she is safe nasa bahay namin siya ngayon nagkataong kaibigan niya ang kapatid kong babae. Kaya doon siya pumunta ng umalis siya sa bahay niyo" " Tama si Sky huwag ka ng mag aalala isa pa may kailangan tayong pag usapan ngayon" " Ano yun?" " Mayroon na akong nakuhang impormasiyon tungkol sa bank transaction na ibinigay mo sa akin" usal ni Sky " Lucy Dy" Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nilang dalawa matapos kong sabihin yun. " How did you know?" Nagtatakang tanong ni Sky " It doesn't matter kung saan niya nalaman" sabi ni Blue " Ano pa ang nalaman niyo bukod sa pagiging actress niya?" " Tama ka she is a famous actress before she died at ang 50 million na transaction ay napunta sa isang orphanage na nakapangalan sa kanya" " Huh?" " Ibig sabihin malaki ang posibilidad na galing sa Lucy Dy orphanage ang binayaran para gawin ang isang trabaho. One more thing ayun sa isang bank transaction ang natitirang 50 million ay ibinigay sa apat na tao. Una sa taong nagngangalang James Alvarez, ayun sa intel isa siyang forensic doctor sa isang hospital. Pangalawa si Amer Tan isa siya sa investigation team na humawak sa kaso ni Nick 2 years ago. Next Jason Olivo and Jeremy Malba pareho silang tauhan ng Daddy mo" " Ibig mong sabihin si Daddy---------- " Honestly sana mali kami pero lahat ng evidence siya ang tinuturo" " Arrghhhh" Fast forward Pinuntahan ko si Venice sa bahay nila Sky pagdating namin nakita ko siyang nakikipaglaro ng online games sa kaibigan niya. " Venice" tawag ko sa kanya " Kuya" mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. " Si Daddy------------ " Don't cry baby" sabi ko bago pinunasan ang mga luha sa mga mata niya. " I hate him he betrayed us" " Huwag kang mag alala nandito pa ako at si Mommy magiging maayos din ang lahat" Malalim ang sugat na idinulot ng pagtataksil niya. I am just hoping na hindi siya ang taong nag- utos para ipapatay si Nick dahil baka kung ano ang magawa ko sa kanya. " Sky thanks for everything" He tap my shoulder bago ngumiti " Alam kong kaya niyo itong lampasan you need to be strong for your mother and sister" sabi niya kaya ulit ako napaiyak " Tama ka at para narin kay Nick" Sinubukan kong pigilan ang mga natitirang luha na pilit kumawala sa mga mata ko. Kakayanin ko ito dahil mayroon akong makakapitang mga taong mahal ko sa buhay. " Kuya umuwi na tayo alam kong naghihintay na si mommy sa atin" " Sky kailangan na naming umalis maraming salamat ulit" " Huwag mong isipin yun mag iingat kayo tatawag nalang ako kapag may nahanap na akong bagong impormasiyon" Tumango ako bago lumapit kay Venice bakas parin ang kalungkutan sa mga mata niya pero kahit na ganoon nagawa niya paring ngumiti. Pagbalik namin sa mansion wala na sa garage ang kotse ni Daddy. " Manang na saan po si Mommy?" Lumapit sa akin ang butler at may ibinulong sa tainga ko " Sir hindi pa siya lumabas ng kwarto" "I see pakiasikaso nalang si Venice" " Opo sir " Maybe she need some space for now Friday Pinapunta ko si Nick sa bahay ng dumating siya may dala dala siyang teddy bear at bulaklak. " Goodmorning happy anniversary" sabi niya bago ako hinalikan sa labi. Umupo siya sa harap ko na nakangiti he's seems very happy today. " Anong nangyari bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong niya. " Wala may naisip lang ako" Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit " Tell me what's the matter" " Hmm..kilala mo ba si Jessie Alfonso?" " Hindi bakit?" " Hindi ba siya naging ex- girlfriend mo dati?" Tumawa lang siya sabay iling iling Kring.. kring Dr. Apple is calling... " Excuse Nick sasagutin ko lang to" Tumayo ako at naglakad palayo sa kanya " Hello Mr. Montefalcon nakahanda na ang lahat" " Okay papunta na kami diyan" Binalikan ko siya para ayain na umalis pero mukhang mayroon din siyang iniisip habang nakahawak sa dibdib niya. " May problema ba?" Sa halip na sagutin ang tanong ko tinanggal niya ang suot niyang damit pang-itaas. " Hindi ko alam kung paano ko ito nakuha paggising ko nakita ko nalang to" sabi niya na nakaturo sa scars sa kanyang dibdib. Gawa yun ng surgery na ginawa sa kanya dinampot ko ang kanyang damit para isuot sa kanya pabalik. Alam kong natatakot at naguguluhan siya gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero hindi ko maaaring gawin yun. Dinala ko ulit siya sa hospital kung saan ginawa ang surgery gusto kong makatiyak na hindi na yun magiging trigger sa kaligtasan niya. Ginawa ulit ang echocardiogram test pagkalipas ng ilang minuto lumabas si Dr. Apple. " Mr. Montefalcon ayun sa test result tagumpay na natanggal ang heart tumors sa kanyang puso naging successful ang surgery na ginawa sa kanya kaya hindi mo kailangang mag alala pa" " Thank you so much Doctor" " Benj" " Nick come here" " I'll go ahead" paalam ni Dr. Apple bago tuluyang umalis " Bakit ka umiiyak?" Tanong ko bago siya niyakap " I am scared hindi ko na alam ang mga nangyayari sa akin" " May tiwala kaba sa akin?" " Oo naman" he replied " Wala ka dapat ikatakot nandito lang ako palagi sa tabi mo. I will protect you at any cost" 10:00 am " Benj let's date" sabi niya habang naglalakad kami palabas ng hospital. " Saan mo gustong pumunta?" " Hotel" pabiro niyang sabi Pinikit ko siya kaya napahawak siya sa kanyang noo " Ikaw saan mo ba gustong pumunta?" This time siya ang nagtanong. " Hmm.. amusement park" nakangiti kong tugon " Okay halika na pupunta na tayo doon" sabi niya bago hinila ang kamay ko papasok ng sasakyan. " Sandali mamaya na tayo pumunta may gagawin pa ako" " Ano yun?" " I will talk to Gray" tugon ko " Okay" 11:00 pm Nandito kami ngayon sa isang restaurant kung saan palagi kaming kumakain ng lunch malapit lang ito sa university kaya madaling puntahan. " Benj anong pag uusapan natin tungkol ba yan sa anniversary celebration niyo ni Nick kung kailangan mo ng tulong maaasahan mo ako diyan" " Hindi yun ang pag uusapan natin" "Awss tungkol saan?" " Stay away from my Dad" Nabitawan niya ang hawak na kutsara at tinidor dahil sa sinabi ko. " Alam kong may relasiyon kayong dalawa at alam ko rin na isa kang asssassin" "Paano mo-------------- " Hindi na yun mahalaga nakikiusap ako sayo layuan mo na siya ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa relasiyon niyong dalawa" " Benj I love him so much and he's my everything" Napalitan ng malamig na aura ang kanyang mga mata na kapag tumitig sayo hindi mo maiwasang matakot. Ito siguro ang isang side niya na nakakubli sa isang masayahing Gray. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa alam kong hindi siya makikinig sa pakiusap ko. "I'm sorry" he uttered " Bakit siya marami kang pwedeng mahalin bakit si Daddy pa?" " Hindi ko alam nangyari nalang bigla" Naiyak nalang ako I want to save our friendship lalong lalo na ang pagkasira ng pamilya namin. Pero mukhang hindi mangyayari yun. Hindi mo na maayos ang isang basag na salamin kahit ilang beses mong subukang pagtagpi- tagpiin hindi na ito maibabalik sa dati. " Ganoon mo ba talaga siya kamahal na ayos lang sayo kung makasira ka ng isang pamilya" " Oo Benj kahit na ako ang magiging pinakamasamang tao sa mundo. Ayos lang sa akin as long as I can have him" " But you choose a wrong person" " Alam kong mali pero ipaglalaban ko parin siya dahil tingin ko yun ang tama. Patawarin mo ako Benj dahil hindi kita mapagbibigyan sa hinihiling mo" Lumabas siya ng restaurant samantalang ako naiwan dito sa loob. 12:00 pm Bumalik ako ng mansion para balikan si Nick 2:00 pm Pumunta kami sa amusement park para mag date 3:00 pm Matapos ang isang oras na sumakay sa ibat ibang rides nagpahinga kami sa isang bench dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. 4:00 pm Kumain kami sa isang kainan sa labas ng amusement park 5:00 pm Naglakad lakad kami sa buong lugar habang magkahawak hawak kamay at naaaliw sa mga nakikita namin sa paligid. 5:30 pm Sunod sunod na pagsabog ang maririnig sa taas dulot ng mga fireworks na mas lalong nagpaganda sa buong kalangitan. " Sandali ibalik mo yan" sigaw ni Nick kaya napatingin ako sa kanya. Bigla nalang siyang tumakbo na para bang mayroon itong hinahabol. " Nick bumalik ka dito" sigaw ko bago siya sumunod sa kanya. " Nick" Patuloy parin siya sa pagtakbo hanggang sa makalabas kami ng amusement park. Nakita ko siyang makipag agawan sa isang tao sa di kalayuan. Mabilis akong tumakbo para lapitan silang dalawa. 6:00 pm Mga putok ng baril ang sunod na umalingaw-ngaw nakita ko nalang na bumulagta si Nick sa sahig. " Nick" Nang tumingin ako sa mukha ng taong bumaril sa kanya halos hindi ako mapaniwala sa aking nakita. " Kathlyn" gulat na gulat kong sabi Yumuko siya at dimampot ang isang maskara na nahulog sa sahig. " I'm sorry Benj" *BANG*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD