Chapter 20. Eleventh Loop

2563 Words
Benj Pov. Nagising ako habang hinihingal sinubukan kong kapain ang dibdib ko para tingnan ang sugat na gawa ng pagtama ng baril. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong nakitang sugat. Pero bago ako nawalan ng malay naramdaman ko ang pagbaon ng bala sa dibdib ko hindi kaya? " Arya na saan ka?" Sumulpot siya sa harap ko gaya ng dati mayroon siyang sugat. " Ayos ka lang?" " Oo naman" Sa isang kumpas ng kanyang kamay unti unting lumabas ang bala sa bandang dibdib niya. " Maraming salamat kung hindi dahil sayo matagal na akong namatay" " I can't let you die dahil responsibilidad ko ang buhay mo habang nasa loob ka ng loop" " Anong nangyari kay Nick?" " He died at exactly 6:00 pm gaya ng dati pasensiya na hindi kita pwedeng patagalin sa loop lalong lalo na kung ikakamatay mo" " I understand" nakayuko kong sabi " You should be happy dahil nakita ang mukha niya" Naalala ko bigla si Kathlyn " Siya ba talaga ang pumatay kay Nick?" " Nagdududa ka parin hindi kita masisisi lahat ng sekreto na tinatago ay mga bagay na hindi natin inaasahan. Go back to the present at pag isipan mo ang susunod mong gagawin" Kinumpas niya ulit ang kanyang kamay kasabay noon ang pagbabago ng bulong paligid. Nandito ulit ako sa park lugar kung saan ako binabalik pagkatapos ng loop. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago umupo sa bench. Napatingala ako sa kulay asul na kalangitan habang iniisip si Nick. Kunting tiis nalang pangako I won't let you die matatapos ang huling loop at maliligtas kita. Tumayo ako sa bench at nagsimulang maglakad palabas sa park. Pumara ako ng taxi para pumunta sa dati kong condo. Ayaw ko munang umuwi ng bahay para makapag isip ako ng maayos. Nang buksan ko ang pinto tumambad sa aking paningin ang mga kalat na gamit, sobrang gulo ng bulong condo para bang pinasok ito ng magnanakaw. Sinimulan ko ang pagliligpit ng gamit na nakakalat sa sahig. Sinuri ko lahat pero wala namang nawawala. Sunod kong binuksan ang bintana ng condo para makapasok ang sikat ng araw sa loob. Kumuha ako ng walis para at nagsimulang maglinis sa sahig. Yumuko ako para makuha ang mga alikabok sa ilalim ng kama, isang notebook ang nakita ko sa ilalim. " Kanino kaya to" nasaisip ko bago yun inabot Nang makuha ko ang notebook binuksan ko ang unang pahina. Nick diary yun ang nakasulat ang ikalawang pahina ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasiyon. Monday Bumalik ako ng mansion pagpasok ko sa loob nagulat ako ng makita si Daddy at Kathlyn. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. " Benj mabuti naman nakauwi kana" sabi ni Kathlyn yayakap na sana siya sa akin pero lumayo ako sa kanya. " Dad why are you here?" Tanong ko gamit ang malamig na boses. Ngayon ko lang napansin ang dalawang tao na nakaupo sa hapag kainan namin. Hula ko mga magulang sila ni Kathlyn tumayo si Mommy saka lumapit sa akin. " Benj pakiusap patawarin mo na ang Daddy mo" pakiusap niya. " Mom hindi ganoon kadali yun" " Nakikiusap ako sayo para sa pamilya natin" " Mas pipiliin kong hindi tayo buo kaysa sa ganito. Huwag mo ng subukan ayusin ang pamilya natin dahil huli na ang lahat Mom" madiin kong sabi Sinampal niya ako sa pisingi ramdam ko ang maiinit niyang kamay na dumampi sa aking balat. " Benj I'm sorry" Kahit siya nagulat sa nagawa niya " Enough Mom nagawa mo na" sabi ko bago naglakad palabas. " Kuya" sigaw ni Venice Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya na tumatakbo na papalapit sa akin. " Please isama mo ako ayaw ko na dito" umiiyak niyang sabi " Okay let's go" Habang nasa biyahe kami tinawagan ko si Jake para humingi ng tulong sa kanya. Mabilis niya namang nasagot ang tawag ko. Pinapunta niya kami sa bahay niya nasa labas siya ng mansion at nag aabang pagdating namin. " Jake pasensiya na kung maaabala ka namin" " Huwag mong isipin yun mabuti pang pumasok na tayo sa loob" " Wow sobrang laki at ganda" namamanghang sabi ni Venice. " Venice siya nga pala si Kuya Jake mo naaalala mo ba pa ba siya?" " Hello Kuya Jake mas lalo ka pong gumagwapo" Napatawa si Jake dahil sa sinabi niya " Ikaw din sobrang ganda mo na" " Bakit pumangit ba ako?" Nakasimangot niyang tanong "Ibig kong sabihin mas lalo kang gumaganda, manang halika muna dito" Lumapit sa amin ang kasambahay niya " Pakihatid si Venice sa magiging room niya" " Opo sir Venice halika na" Nang umakyat silang dalawa sa taas umupo kami sa sala para mag-usap. " Jake pwede naman kaming tumira sa condo alam kong maraming kang alam na mga available condo units doon muna kami titira pansamantala" " Dito nalang kayo isa pa sobrang laki ng bahay ko pwede kayong manatili dito hanggang kailan niyo gusto" " Thank you" " If you need something sabihin mo lang si Manang Janica kailangan ko ng umalis" " Take care" Tuesday " This is a strong evidence Benj saan mo to nahanap?" Tanong ni Blue habang binabasa ang notebook na ibinigay ko sa kanya. " Sa ilalim ng kama sa dati kong condo" tugon ko " Hmmm...tingin mo coencidence lang na nakita mo to sa ilalim ng kama?" " Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong " Ilang taon kana nakatira sa dati mong condo?" " More than 2 years " " At ngayon mo lang to nakita tama ba?" " Tama ka kaya nagtataka ako nang una kung kanino yan pero nakita ko ang pangalan ni Nick" Bigla siyang ngumiti ng makahulugan " I see kung sino man ang pumasok sa condo mo dapat kang magpasalamat" " Tingin mo nilagay yan mismo sa ilalim ng kama?" " Malakas ang kutob ko na yun ang nangyari" Wednesday " Sky anong balita sa kanya?" " Wala pa akong nakikita na kahina hinala sa ngayon pero masama ang kutob ko sa kanya" "Paano mo nasabi yun?" " Tingin ko maganda siya, sexy, maputi, matangkad" " Sky hindi ako nakikipagbiruan sayo" Tumawa lang siya ng malakas sa kabilang linya " I'm sorry Benj kumalma ka kasi mula rito rinig na rinig ko kung gaano kalakas ang t***k ng puso mo" Napahawak ako bigla sa dibdib ko at tama siya sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. " Huwag mo akong isipin sagutin mo nalang ang tinatanong ko" "Hmm... tingin ko isa siyang assassin" sabi niya " Mag iingat ka balitaan mo nalang ako" Thuirsday " Hello Benj hawak ko na siya" " Mabuti naman papunta na ako diyan" " Venice dito ka lang may pupuntahan lang ako" " Okay take care" Pinuntahan ko ang address na ibinigay ni Blue dinala ako nito sa harap ng isang building. Ito ang nakita ko sa panaginip kung saan nahulog si Nick mula sa rooftop. Bigla nalang ako kinalibutan habang nakatingin sa kabuuan nito. Nagsimula akong maglakad papasok sa bawat hakbang na ginagawa ko para bang may kung anong pwersa na nagpapabigat sa aking mga paa. Masyadong mabigat sa di maipaliwanag na dahilan. Pagdating ko sa loob gumamit ako ng elevator paakyat sa ikalabing dalawang palapag kung saan si Blue. Dalawang beses akong kumatok sa room 305 binuksan ni Sky ang pinto at pinapasok ako sa loob. Nakatali si Gray sa upuan habang walang malay. " Paano niyo siya napasok dito?" " Connection" maikli na tugon ni Blue Pumunta si Sky sa cr para kumuha ng tubig at ibinuhos sa buong katawan ni Gray. Pagkalipas ng ilang segundo nagising siya sabay pilit na kumawala sa tali na nakagapos sa kanyang katawan. " Sino kayo?" Mahinahon niyang tanong Hindi niya kami nakikita dahil sa piring na nakalagay sa kanyang mga mata. " Nagkita ulit tayo Gray" " Blue sinasabi ko na nga ba at sino ang dalawang kasama mo?" " I am impressed in your instinct Gray" " Sky kasama karin pala sa paglason sa utak ni Benj" " Talaga huwag mong palabasin na kami ang mali dito" Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang piring sa mga mata niya. " Benj" " Let's talk kailangan namin ng tulong mo" Friday 8:00 am Ilang metro palang ang pagitan mula sa bahay isang puting sasakyan ang nakaharang sa daan. Bumusina ako ng ilang beses pero hindi parin ito umaalis. Napagpasyahan kong bumaba ng kotse para lapitan ang nakaharang sasakyan sa daan. " Bakit ka nakaharang sa daan?" Tanong ko habang kinakatok ang bintana ng sasakyan. " Itaas mo ang mga kamay mo" sabi ng isang boses sa likuran ko. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki nakasuot siya ng nakakatakot na maskara. Mayroon siyang limang kasamahan na kasalukuyang nakapalibot sa akin. Ang isa sa kanila ay may hawak na baril nakatayo siya sa likuran ko. " Sino kayo at anong kailangan niyo?" Kalmado kong tanong. Hindi sila sumagot bigla nalang nila ako hinawakan sa magkabilang kamay. " Let me go" sigaw ko sabay pilit kumawala " Huwag ka ng manlaban" Mayroong iniwisik ang lalaki sa aking mukha nang maamoy ko yun bigla akong nakaramdam ng antok hangang sa tuluyang pumukit ang aking mga mata. 10:00 am Nagising ako habang may piring sa mga mata nakatali rin any mga kamay ko. "May tao ba diyan pakawalan niyo ako dito" sigaw ko May narinig akong mga taong nag uusap sa di kalayuan " Tulong" Walang pumapansin sa akin pinakiramdaman ko ang buong paligid. Narinig ko ang paghampas ng mga alon ibig sabihin nasa tabing dagat ako dinala ng mga kidnapper. Mukhang isasakay nila ako sa bangka tapos itatapon sa gitna ng dagat. Ilang sandali pa narinig ko ang yabag na papalapit sa akin. Tumigil ito sa aking harapan at tinanggal niya ang piring sa mga mata ko. " Nick" gulat kong sabi Nakatayo siya sa harap ko habang nakasuot ng beach attire " Sorry Benj kung nakatakot kita" Tinanggal niya ang nakatali sa akin bago ako niyakap ng mahigpit. " Na saan tayo?" " Sa isang resort" " Bakit mo ako dinala dito?" " I want to celebrate our anniversary ng maaga. Let's go may ipapakita ako sayo" Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Pagdating namin sa labas ng resort sumakay kami sa scooter hangang sa tumigil ito sa harap ng isang cave. " Ano yun?" " Underground cave sikat yan sa mga tourista" Maraming mga tao ang pumapasok sa loob halos lahat ay mga banyaga. Matapos niyang maiparada ang scooter na sinakyan namin pumasok narin kami sa loob. Sobrang ganda ng design pinaghalong historic and modern design. Maraming mga unique items na nakakalat sa loob " Paano mo to nahanap?" " I do some research at ito ang pinakamaraming recommendation kaya naisipan kong dalhin kita dito" tugon niya. " You're so romantic" Pinuntahan namin ang ibat ibang bahagi ng cave, maraming nakasulat sa mga malalaking bato sa loob. Mayroong mga guhit, salita na nakasulat sa ibat ibang wika. " Benj tingnan mo" sabi niya habang nakaturo sa mga sculptures na gawa sa bato. " Wow ang ganda" namamangha kong usal Sobrang detalyado ng pagkaka-ukit, sa bawat obra ay nakalagay ang pangalan ng artist sa ilalim. Mayroong hugis ng mukha ng tao, sword, bahay at iba pa. 12:00 pm Bumalik kami sa resort para kumain ng lunch masaya naming pinag uusapan ang mga nangyari kanina ng tumunog ang cellphone niya kaya tumayo siya para sagutin ang tawag. " Excuse me Benj tumatawag si Mommy" Sinusundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya palayo. Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa bigla nalang siyang sumigaw ng malakas. " Nick anong nangyari?" Hindi niya sinagot ang tanong ko kausap niya parin si Tita sa phone. Bumalik siya sa upuan na hindi maipinta ang mukha. " Benj kailangan na nating bumalik agad mayroong emergency sa bahay" 1:00 pm Dumating kami sa bahay nila mula sa labas ng kotse nakita ko ang isang lalaki na kausap si Tita. Mayroon itong kasama na iba pang lalaki na may mga hawak na baril. " Benj dito kalang" sabi niya bago lumabas ng sasakyan Dahan dahan akong lumabas para sundan siya. I can't let him go baka kung ano ang mangyari sa kanya. " Mom" " Nick" Umiiyak si Tita ng yakapin niya " Bakit ulit kayo nandito?" Pasigaw na tanong ni Nick " Alam mo na ang sagot sa tanong mo" sagot ng lalaki " Kung gusto niyong mabayaran ang utang ni Daddy pwes siya ang singilin niyo at hindi kami" Nakita kong bubunot na sana ng baril ang lalaki kaya inunahan ko na siya. " Magkano ba ang utang ni Tito?" Nagsalita ako para hindi niya ituloy ang kanyang binabalak " Benj diba sinabi ko na huwag kang lumabas ng kotse" Hinila ako ni Nick palapit sa kanya " Oh bakit babayaran mo ba?" " I can buy anything even you're life" Nakita ko naman ang kakaibang ngiti sa mukha niya bago ako tinitigan mula ulo hangang paa. " 50 million yun ang halaga na dapat mong bayaran" Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at binuksan ang sariling bank account. " Ibigay mo sa akin ang back account mo I will send 50 million right away" " Benj don't do this" " Nick huwag kang makialam, ano pa ang hinihintay mo diba gusto mo ng pera" Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya pagkatapos kong mapasa ang pera sa kanya agad kong ibinalik ang kanyang cellphone. " Grabe mukhang mapalad ka dahil mayroon kang mayaman na boyfriend" sarkastiko niyang sabi Sinuntok ko siya sa mukha dahil kanina pa niya inuubos ang pasensiya ko. " Umalis na kayo dito at huwag na kayong bumalik" 2:00 pm Nakatanggap ako ng tawag mula kay Mommy sinugod si Venice sa hospital dahil nahihirapan siyang huminga. Wala akong nagawa kung di ewan si Nick sa bahay nila. Kahit na gusto ko siyang isama kailangan siya ni Tita ngayon. 4:00 pm Nasa hospital room ako nagbabantay sa bunso kong katapid umuwi si Mommy para kumuha ng mga gamit. 5:00 pm Nagising siya habang umiiyak sobrang naaawa ako sa kanya. Once a year nalang nangyayari to ayun sa mga doctor wala namang problema sa kanyang kalusugan. 5:30 pm Tinawagan ko si Nick para matiyak na ayos lang siya. Pinapunta ko rin si Blue para magbantay sa kanya. 5:55 pm Limang minuto na ang nakalipas pero hindi parin siya nakapag reply sa mga chat ko. Nagsimula na akong kabahan kaya tinawagan ko ulit si Blue pero biglang tumunog ang apparatus na nakakabit kay Venice. Ibinaba ko ang cellphone para tingan siya. 6:00 pm Lumabas ako ng hospital room para tumawag na doctor 6:10 pm Isang text message ang natanggap ko mula kay Blue " I'm sorry subukan mong panoorin ang balita" Dahan dahan kong binuksan ang ipinasa niyang video clip. Bigla nalang sumabog ang buong bahay nila. Nakaligtas si Tita pero hindi pinalad si Nick. Hindi pa alam kung sino ang nasa likod ng pagsabog. " Ang hirap kalaban ng tadhana na pilit tayong pinaghihiwalay" sigaw ko habang humahagolhol sa pag iyak. " Mr. Montefalcon ayos na po ang lagay ng kapatid pwede na kayong bumalik sa loob" Umiiyak parin ako habang naglakad pabalik ng hospital room. Humiga ako sa couch at pinikit ang mga mata ko. "Sana masamang mapaginip lang to na sa paggising ko magiging maayos na ang lahat"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD