Tinahak namin ang matulin na daanan patungo sa pinakataas upang makapasok sa templo. Hindi ko na rin nagawang makipag-usap pa sa dalawa dahil dikit-dikit na kaming naglalakad ngayon dahil kung hindi ay baka isa sa amin ang mahulog sa bangin at magkadamayan pa. Atsaka sa ganitong puwesto namin ay malamang naririnig na ng isa't-isa kung anong lalabas sa mga bibig namin at paniguradong hindi nila magugustuhan kapag nalaman nilang pinag-uusapan namin sila. Nakahinga naman ako nang maluwag nang tuluyan na namng narating ang pinakatuktok at ang kailangan nalang naming gawin ay pumasok sa loob ng sinasabi nilang templo. Hindi naman nila siguro kami papatayin diyan sa loob no? Peor kung hindi naman ganoon ang balak nila, ano? Bakit nila ako kailangang dalhin dito? Nagsimula na kaming lahat na

