Pagkatapos ng ilang oras na pamamalagi naming tatlo sa loob ng kwarto na iyon ay asa wakas bumalik na rin si Lorse na may dala-dalang damit. Noong una ay nagtaka pa ako kung bakit isang damit lamang ang inabot niya sa akin at wala para sa dalawang mga kasama ko, ipinaliwanag naman niya sa akin na ako lang naman daw talaga ang tanging makakakita sa tagapagmuno nila dahil ako lang ang kailangan nila. Hindi na rin naman umangal ang dalawa dahil desisyon nila na sumama sa amin. Itinuro naman ni Lorse ang isa pang damit kung saan ako maaring magpalit ng damit. Pagkapasok ko sa isang maliit na kwarto na ay dahan-dahan kong tinanggal ang mga damit ko at ang mga bagay na nakasabit sa katawan ko. Wala akong makitang salamin dito o kahit ano kaya hindi ko makita ang istura ko ngayon pero alam kong

