Chapter 31

1540 Words

Natigil lang kami sa pagtakbo ni Rogan nang makakita na kami sa wakas ng isang kweba na may kalakihan. Hindi na kami nag inarte at naghanap pa ng iba dahil ito nalang ang mas maayos at ligtas na pagtataguan namin ngayong gabi dahil kapag pinili pa namin magahanap ng ibang lugar ay baka makasalubong na namin sa daan ang mga Whakaraua o ang mga Estiliato.  Pagkapasok namin sa loob agad kong isinandal ang likod ko sa pader sabay pikit ng mga mata at habol ng hininga. Ilang saglit naman ay naramdaman ko ang init ng hangin na biglang bumalit sa buong paligid kaya agad kong binuksan ang mga mata ko upang tignan kung si Rogan ba ang may gawa no'n at nakitang siya nga.  Nakita ko ang pagkuha niya ng mga maliliit na kahoy na nakalat sa gilid-gilid at pinagsama ito upang masindihan niya ng apoy. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD