Pagdating namin sa loob ng tent ni Calanthe ay agad naming ibinababa siya sa higaan niya. Nagpaalam na rin ang iba na aalis na sila upang iwan kaming dalawa nito at masimulan ko na ang pagpapagaling sa kaniya. Hindi ko talaga alam kung bakit may pagpiling nangyayari pero mukhang wala na rin akong magagawa dahil andito na ako. Sinimulan ko munang tignan ang mga sugat niya sa katawan at nakita na ulo hanggang paa ang natamo niya. Ramdam ko rin na nahihirapan siyang huminga kaya malamang ay napuruhan 'to sa dibdib. Pagkatapos ng ginagawa ay pinunit ko ang damit na nakaharang sa katawan niya at inilapat ang kanang kamay ko sa isang sugat niya malapit sa dibdib habang ang kaliwang kamay ko naman ay nakalapat banda sa sugat na nasa tiyan niya. Maliliit ang nakuha niyang mga sugat at pasa banda

