Pagpakatapos tuluyang pumasok sa akin ang mga sinabi ni Calanthe, agad akong nagdesisyon na umalis na ng tent niya pero bago ko pa iyon magawa ay nagawa niyang hawakan ang bisig ko upang pigilan ako sa pag-alis. "No! I don't care--- walang akong narinig, wala kang sinabi sa akin. Calanthe, just stop. Ayokong manghimasok sa ganitong mga bagay. Hindi ako nandito para sa mga nakaraan o sa mga problema nila." Sambit ko rito sa kaniya at agad na inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Sa pagkakataon na iyon ay nagawa ko nang makaalis sa tent niya dahil hindi niya na ako pinigilan. Paglabas ko ay diretso na sana akong tutungo sa tent ko pero biglang bumungad sa akin si Brun na mukhang nag-aantay lang din sa amin na matapos sa ginagawang paggagamot. "Are you two fighting?" Biglang tanong nito.

