Lahat kami ngayon ay nag-aantay nalang na lumabas ang haring araw bago namin tuluyang apat na iwan ang kampo namin ngayon. Bago dumating ang oras na ‘to ay sinabihan nila kami na magpahinga na at mag ipon ng lakas para sa gagawin naming misyon pero mukhang hindi ko ata nagawa iyo dahil sa sobrang pag-iisip ko sa maaaring puwedeng mangyari sa oras na suurin na nga namin ang kagubatan. Ang tanging mga dala lang namin ngayon ay mga bag na paglalagyan namin ng mga kagamitan na mahahanap namin sa daan. Sa gilid naman ng mga katawan namin ay doon nakasabit ang isang maliit na lalagyan para sa mga pagkain namin. Hindi na rin kasi kami nagdala ng marami dahil isang araw o kalahating araw lang naman ang itatagal ng paglilibot namin. Ginawa rin namin ‘to para makatipid sa pagkain kapag dumating s

