Ilang segundo ang lumipas pagkatapos kaming iwan ng mga councilors sa lugar na 'to ay wala pa rin sa aming nagsasalita. Pare-pareho lang namin tinitignan ang isa't-isa at ang iba naman ay nag-aantayan sa kung anong gagawin ng mga kasama namin. Nagsimulang gumalaw ang iba at pumunta sa kani-kanilang mga tent. Pumasok sa sila sa loob at tinignan na kung anong mga gamit ang ibinigay sa amin. Sa totoo lang ay hindi ako umaasa sa ipinangako nilang mga gamit o resources, pakiramdam ko ay may hindi sila sinabi na kailangan naming gawin at iyon ang dapat namin malaman sa pananatili namin sa lugar na 'to. Wala na rin akong nagawa kundi puntahan ang tent ko at tignan ang mga laman nito. Sa pagpasok ko sa loob ay doon ko nakita ang isang bagahe na may lamang kaunting mga pagkain at mga karaniwang

