Pagkatapos ng naging sagutan sa pagitan nina Nova at Rogan ay tahimik kaming nagsibalikan sa kani-kanila naming mga tent. Wala ni isa sa amin ang nag salita pagakatapos naming masaksihan iyon. Nanatili kaming sa ganoong sitwasyon nang ilang oras, tahimik at walang kinakausap na kahit sino. Natigil lamang ang ganoong senaryo nang mapansin naming lahat na padilim na ang paligid at kailangan nang sindihan ang fire pit na pinapalibutan naming lahat. Lahat kami ay isa-isang lumabas ng mga tentnamin upang tignan kung may mag liliyab ba nito mula sa Fire Empire. Alam kong inaasahan ng iba sa amin na si Rogan ang gagawa nito sapagkat siya rin naman nagsabi kanina pero dahil sa naging sagutan nga nila ni Nova ay mukhang napapdalawang isip ako kung tutuparin niya ba ang sinabi niya. Ilang saglit

