“MARGARITA please,” ani Sydney sa lalaking bartender ng bar ng resort pagkaupong-pagkaupo niya sa bar counter. “It’s okay, I understand if you hate me Sydney. Tanggap kong hindi mo na ako magagawang patawarin pa. Isa lang ang hinihiling ko sa mga oras na ito, at iyon ay walang iba kundi ang maging masaya ka kahit hindi na ako bahagi ng buhay mo.” Hindi na niya mabilang kung ilang beses nang nagpabalik-balik sa utak niya ang mga huling katagang binitiwan ni Rayven bago niya ito tuluyang iniwan sa terrace. All of those words from him are like knife cutting her heart. “You wish for my happiness? Of all people ikaw pa talaga ang humiling niyan,” bulong niya at tumawa siya ng pagak. “Stop being so absurd Rayven. How dare you wish for the happiness of the one you hurt.” Napangiti si

