NANG MARINIG ni Sydney ang lahat ng sinabi ni Rayven ay bahagya siyang natigilan. ‘So, that’s why he went at that place with Coleen.’ Nanlulumong napayuko siya. “I’m so sorry I jumped into conclusions. Dahil sa kawalan ko ng tiwala sa’yo, nasira tayong pareho. Sampung taon ang nawala satin. I’m so sorry Rayven.” Ngayon ay naiintindihan na niya ang lahat. Hindi lang siya ang nahirapan at nasaktan noon. “You didn’t trust me enough and I lied to you. Pareho tayong may pagkakamali sa nakaraan Sydney so stop apologizing to me. It’s nothing to me now. What’s in the past is already in the past. We can never change it now but we can still change our present to change our future.” Napatango siya sa sinabi nito. “Yeah, we will change our present to be with each other in the future.”

