NANG maalala ni Sydney ang lahat ng iyon ay hindi na niya napigilan ang sunud-sunod na pagpatak ng luha niya. Hindi na niya pinigilan pa ang sarili. Umiiyak na niyakap niya ito ng mahigpit. “I’m so sorry for everything Rayven. I’m sorry if I didn’t listen to you. I’m sorry kung nagmatigas ako. Patawarin mo ako,” pumiyok pa siya nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Realizing all his pains and sufferings for a decade made her heart cry for him. Humigpit ang pagkakayakap nito sa mga sinabi niya. “You don’t have to. It’s all my fault, I’m so sorry if naging makasarili ako. I’m sorry if pinagpipilitan ko sayo ang gusto ko. I’m so sorry for forcing myself to you. I’m so sorry. I’m so sorry,” umiiyak na paumanhin nito. And watching him cry that way made her heart torn into million pieces.

