“DAMN HIM.” Ikinuyom ni Sydney ang kanyang mga kamao. Nang mga oras na iyon ay hiniling niyang sana ay natuluyan na lang sana siya. E di sana’y natapos na lahat ng paghihirap niya. Eh di sana’y hindi na niya nararamdaman ang panibagong sakit katulad ng nararamdaman niya ngayon. Dahil pakiramdam niya’y mas lalo pa yatang lumala ang lahat ng hinanakit, galit at sama ng loob na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Lahat na lang ba ng sakit na pwedeng pagdaanan ng isang tao ay mararamdaman niya? Mabilis niyang pinahid ang basang pisngi at kuyom ang kamaong naglakad siya palabas ng bahay ni Rayven at tinahak ang daan patungo sa pinanggagalingan ng ingay. Dinig na dinig niya ang malakas na tunog ng pagbagsak ng tubig sa talon. Ngunit maliban sa tunog na iyon ay dinig na dinig din ni

