85 - Let Your Heart Decide

2009 Words

“GOOD morning,” nakangiting bati ni Sydney kina Jannah at Dave na nag-aalmusal ng araw na iyon. Abala ang mga ito sa pagtitig sa newspaper na hawak ni Dave. Nang makita siya ng mga ito ay pasimpleng itiniklop ng dalawa ang naturang diyaryo. “Good morning!” magkapanabay na sagot ng mga ito at ngumiti ng matamis sa kanya. Isang linggo na ang nakalilipas nang magpasya siyang ayusin ang sarili. Alam niya sa sarili niyang she’s not totally okay, she’s not totally healed but she was trying to be okay. Upang pigilin ang sarili niyang alalahanin at isipin si Rayven ay mas pinipili niyang magpakabusy sa buhay niya. Madalas ay tinutulungan niya si Jannah sa pagtatanim at pag-aayos ng garden nito. Minsan naman ay siya ang nag-aalaga sa anak nito. Minsan din ay siya ang nagluluto ng pagkain nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD