“W-WHY?” lumuluhang tanong ni Sydney sa sarili. “Why do I always end up hurting this way? What have I done wrong? Why is it always me? Why?” Hindi niya alam kung ilang beses na niyang natanong iyon sa sarili. She lost count already. Nagpatuloy siya sa paglalakad nang walang patutunguhan habang tulala at tahimik na lumuluha. Hindi na niya alam kung gaano na siya katagal na naglalakad nang mga oras na iyon. Basta ang sigurado niya ay malayo na siya sa hospital. It’s better that way. It’s better to leave that place. To make herself feel better. To ease away her pains. To escape from that nightmare. Ngunit tila kahit gaano man siya kalayo nang mga oras na iyon ay hindi pa rin matanggal ang sakit na nararamdaman niya. At habang lumalaki ang agwat nila ni Rayven ay lalo lang lumalala ang saki

