“GOOD morning Ma’am! Welcome to Heaven’s Café!” nakangiting bati ng staff ng café kay Sydney nang pagbuksan siya nito ng pinto. “Good morning,” nakangiting sagot niya. Nang tuluyan siyang makapasok sa loob ay inilibot niya ang tingin upang hanapin si Coleen. Nang makita niya itong nakaupo sa pinakadulong bahagi ng naturang café ay walang pagdadalawang-isip na tinungo niya ang kinaroroonan nito. Habang papalapit siya rito ay lihim niya itong pinag-aralan. Until now, she’s still beautiful. She still has the beauty that any girl could be jealous of. Kakaiba nga lang ang awra nito ngayon kumpara noon. It seemed like something died in her. Hindi na ito katulad ng dati na umaabot sa mga mata nito ang lahat ng emosyon nito. Now, she looks like she had lost the radiating happiness in her eyes.

