“SYDNEY!” Napahinto siya sa pagtitig sa mga bulaklak sa garden nina Ate Hazel nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Nang lumingon siya sa kanyang likuran ay napangiti siya nang makita niya si Jed. Malalaki ang mga hakbang na lumapit ito sa kanya. At bago pa man siya makapagsalita ay kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. “God! You made me worried!” anito nang bitiwan siya. “Saang lupalop ka ba nanggaling at ngayon ka lang umuwi?” Napangiti siya. At some point ay nakaramdam siya ng saya na makitang muli ang matalik na kaibigan. “Ang sabihin mo, namiss mo lang talaga ako.” He sighed and rolled his eyes. “Ewan ko sayo. You know Sydney, hindi ka na bata para mag-walk out ng ganoon. Stop acting like a kid, will you? Stop being an immature girl who doesn’t even

