“WE’RE HERE.” Iminulat ni Rayven ang mga mata nang marinig ang sinabing iyon ni Dave. If he’s not mistaken, halos ay tatlong oras din silang bumiyahe papunta sa bahay-bakasyunan na iyon na pagmamay-ari ng pamilya nito. Sandali niyang ikinalat ang paningin at doon ay kitang-kita niya ang puting bahay na nasa dalawang palapag. Hindi man iyon kalakihan ay okay na sa kanya. Ang mahalaga ay may mapagtaguan sila ni Sydney pansamantala. Nang iabot ni Dave ang susi ng bahay ay excited na kinuha iyon ni Sydney dito at mabilis itong bumaba ng sasakyan kasama si Jannah. Sinundan niya ng tingin ang dalawang magkaibigan na masayang naglalakad habang nagkukwentuhan. Nang makapasok ang dalawa sa loob ng bahay ay saka lang niya binalingan si Dave. “Why are you helping us? If I’m not mistaken, you’re ma

