“I AM THE father of the child she’s carrying.” Halos ay napigil ni Sydney ang paghinga sa narinig na sinabi ng lalaki. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman ay hindi niya makita ang mukha nito. Coleen was staring at him with those eyes full of longing and happiness. “The child isn’t Rayvens,” awang ang mga labing bulong niya. Tutop ang bibig na napatingin siya kay Rayven na nang mga oras na iyon ay nakatitig sa kanya. He’s far away from her but it felt like he’s just right in front of her. It’s as if there’s an invisible thread that’s connecting them. Pakiramdam niya’y nanikip ang dibdib niya nang mga oras na iyon sa samu’t-saring pakiramdam na namamahay sa puso niya. Hindi niya maiwasang magalit at makaramdam ng panliliit sa sarili. She’s disappointed with herself. She judged him with

