“GOOD morning Pichie!” masayang niyakap ni Sydney ang alagang Pomeranian Teacup ni Rayven nang makita niya itong nakahiga sa tabi niya pagmulat niya ng mga mata niya nang umagang iyon. Napangiti siya nang pilit naman itong sumiksik sa katawan niya. “When did you get here? Bakit sa tuwing gumigising ako, nandito ka?” At some point ay hindi niya maiwasang magtaka. Sa pagkakaalala kasi niya ay mag-isa siya sa silid na iyon nang pumasok siya at inilock din niya ang pinto. “Don’t tell me pinupuntahan ako ng amo mo rito kapag tulog ako? Tss!” For sure ay hawak nito ang spare key ng silid niya. She rolled her eyes at the thought. “Napaka-segurista talaga ng amo mo. Talagang tinitingnan niya kung nandito pa ako. Mukhang wala na siyang balak na palayain at paalisin ako rito.” Napabuga na lang siya

