NAPATDA si Sydney sa kinatatayuan nang paglabas niya ng silid niya ay tumambad sa kanya ang magulong sala. Nang ikalat niya ang paningin ay hindi na siya nagulat nang makita niya si Rayven na nakahiga sa sofa. Nagkalat sa mesa ang ilang beer in can na sa tingin niya ay wala nang laman. For sure ay lasing na naman ito. Kung hindi siya nagkakamali ay tatlong araw na itong ganoon. Wala na itong ibang ginawa kundi ang magpakalunod sa paglalasing. Halos ay ni hindi na nga yata ito kumakain dahil halos ay wala na itong ibang inatupag kundi uminom ng alak. Lumapit siya sa kinaroroonan nito. Hindi niya napigilan ang pagtikwas ng kilay niya sa nakikitang tanawin. Gulu-gulo ang buhok nito, medyo nangangayayat na rin ito at may tumutubo na ring bigote at balbas sa mukha nito. He looked so wasted.

