Kabanata 11

1307 Words
Heaven's POV April 3, 2019 Ang sabi ni Sky sa akin ay kumpleto na ang gamit ko sa loob ng maleta kaya wala na akong kailangang dalhin bukod sa sarili ko kaya naman saktong alas singko ng madaling araw ay dahan dahan akong lumabas ng kuwarto ko. Tahimik ang buong sala at tanging ang hilik lang ni Kuya Erik ang maririnig dahil sa mahabang bangko sa sala ito nakatulog. Nagkalat ang bote ng alak at ilang tsitsirya sa lamesa kaya alam kong hindi agad magigising si Kuya Erik dahil sa kalasingan. Sarado rin ang pintuan ng kuwarto nila Nanay at Tatay kaya paniguradong mahimbing pa itong natutulog. Nagtext na sa akin si Sky na nakaparada na ang kotse nila sa kanto ng iskinita namin kung kaya ay malalaki ang hakbang na ginawa ko papunta sa pintuan at dahan dahan iyong binuksan. Nang tuluyang makalabas ng bahay ay madali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng sasakyan nila Sky at agad din naman iyong bumukas. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Sky. "Good morning," bati nito sa akin. Pumasok ako sa loob at sinara ang pintuan ng sasakyan, "Good morning, Sky." bati ko sa kanya ng tuluyang makaupo ng maayos sa tabi niya. Lumingon sa amin si Tita Evelyn na nasa harapan namin ni Sky at nakasuot ng puting jacket, "Good morning po, Tita." saad ko rito at nahihiyang tumingin sa lalaking katabi nito, ang Daddy ni Sky. "Good morning po," pagbati ko. "Good morning, hija." Ani Tita Evelyn at malapad na ngumiti sa akin. "Good morning din," bati ng Daddy ni Sky. Kinabahan ako sa boses nito dahil napakalalim niyon. Kamukha ni Sky ang Daddy niya maliban lang sa mata nitong singkit. Hindi maipagkakaila ang gandang lalaki nito kahit pa nakasuot ng salamin at may iilang puting buhok. Parehong maganda at guwapo ang magulang ni Sky kaya hindi nakakapagtakang magandang lalaki rin ito. "Hon, siya si Heaven 'yung kaibigan ni Sky na palagi niyang kini-kwento sa 'yo," "Mom!" reklamo ni Sky na ikinatawa ni Tita. "Heaven, ito ang Tito Richard mo." "Hello po," nahihiyang bati ko. "Nice to meet you, hija. Finally at nakita ko na ang kini-kwento nitong si Skyler. Akala ko ay imagination niya lang ang sinasabi niyang kaibigan," natatawang saad nito na ikinabusangot ni Sky. Totoo kasi ang sinabi ni Sky noong una kaming magkita sa prisinto na wala siyang kaibigan at ayaw niyang makipag kaibigan sa mga kaedad niya sa maynila. "I told you, Dad." pagyayabang nito. "Ang nasa harap naman ay si Nanay Midet, siya ang kasama namin sa bahay," pagpapakilala ni Tita Evelyn sa babaeng katabi ni Kuya Jake na driver nila Sky. Kumaway ito sa akin kaya ngumiti ako at binati ito ng magandang umaga. Ganun din si Kuya Jake na ngiti rin ang isinukli sa akin dahil nakatuon ang paningin nito sa daan. "Nandoon sa loob ng maleta ni Heaven ang jacket niya, Skyler," bigla ay saad ni Tita Evelyn. Ako lang kasi ang walang suot na jacket sa aming lahat, maginaw sa loob ng sasakyan at napansin siguro iyon ni Tita Evelyn. Sa likod namin ay mayroong apat na maleta. Red, pink, black at white ang kulay niyon. Inabot ni Skyler ang kulay pink at pinatong iyon sa hita niya saka binuksan. Bumungad ang isang pink na jacket sa loob niyon at agad naman itong kinuha ni Sky at binigay sa akin. Nagpasalamat ako at sinuot iyon. "Matulog ka na muna, matagal ang biyahe." mahinang saad ni Sky dahil mukhang tulog na ang Daddy at Mommy niya. "Ayos lang ako, ganitong oras ang gising ko kaya hindi na ako makakatulog," sagot ko. Ganitong oras ay nagsisimula na akong maglinis ng bahay at mag saing. Inabot ni Sky sa bag pack na nakalagay sa gilid niya at binuksan iyon. Puro mga tsitsirya at tinapay ang laman ng bag, kumuha roon si Sky ng isang malaking tsitsirya at isang plastik ng tinapay at inabot iyon sa akin. "Mukhang mamaya pa tayo mag aalmusal kaya iyan na muna ang kainin mo," Tinanggap ko iyon at binuksan. "Ikaw ang matulog na, dahil alam ko namang hindi ka sanay gumising maaga," natatawang saad ko. "Oo nga, matutulog na muna ako, ha." paalam nito. "Eto ang isang unan kung sakaling gustuhin mong umidlip," inabot nito sa akin ang dilaw na unan na sinasabit sa leeg. Umayos ng pwesto si Skyler at ipinikit ang mata. May suot itong bilog rin na unan sa leeg na kulay itim at may yakap yakap na isa pang unan. Ang amo ng mukha niya kapag tulog, parang batang hindi gagawa ng masama. Nanatiling tahimik sa loob ng sasakyan at tanging ang tugtog lang ni Kuya Jake ang maririnig. Ngumunguya ako ng tsitsirya habang nakatingin sa bintana. Ngayon lang ako naka biyahe ng malayo at ganitong oras kaya gusto ko itong sulitin. Halos lahat sa buhay ko na unang beses kong gawin ay dahil kay Sky at siya ang kasama ko. Thankful ako kasi kung hindi rin dahil sa kanya, maraming bagay akong hindi mararanasan sa buhay. He made me experience everything, without even making me feel like I'm already left out. Maya maya ay nahulog ang ulo ni Sky sa balikat ko kaya umayos ako ng upo para hindi siya mahirapan. Tiningnan ko si Sky at hindi ko maiwasang humanga sa itsura niya. 16 years old pa lang ito pero ang manly na nitong tingnan dahil sa panga niya na maangas ang pagkakadepina. Matangos ang ilong niya at mahaba rin ang pilik mata. Hindi gaanong makapal ang kilay niya at manipis ang labi niya. Napangiti ako sa isiping ang guwapong lalaking ito ay best friend ko. Hindi lang siya guwapo kundi mabuti ring tao. Pagdating ng panahon ay mapalad ang babaeng magugustuhan niya. Mukha lang siyang masungit but he's the sweetest guy I know. Nagulat ako ng biglang humiga ng tuluyan si Sky sa hita ko. Nangawit siguro siya sa puwesto namin dahil matangkad ito. Ang kaso ay dahil matangkad siya, nakatupi ang mahaba niyang binti na pilit pinagkasya. Hinawi ko ang ilang piraso ng buhok na tumutusok sa mata niya at pinanatili ang kamay ko roon. Muli akong tumingin sa bintana. Sa ngayon ay mag eenjoy lang ako at hindi ko na muna iisipin ang magiging resulta ng pagtakas ko. Gusto kong maranasan ang maging malaya kahit sandaling panahon lang. 'Yung walang iisiping trabaho at gawaing bahay, walang Nanay at Tatay na nanenermon at nananakit sa akin. Ilang tao na ang nag alok sa akin na ampunin ako pero hindi ko sila kayang iwanan kahit pa araw-araw ay mayroong latay ang katawan ko. Naalala ko bigla si Kuya Vanz, kaya siguro siya mahilig sumama sa mga barkada niya sa mahahabang biyahe dahil masarap ito sa pakiramdam. Halos hindi na nga iyon umuwi sa amin dahil kung saan saan siya nakakarating kasama ang mga kaibigan niya. Siguro ay dahil doon siya nakakahanap ng kaginhawaan at kalayaan. Hindi na kailangang sabihin dahil halata namang walang kapayapaan sa bahay namin. Palaging nagsisigawan si Nanay at Tatay at kung hindi sila ang maingay ay ang mga tambay doon na barkada ni Tatay ang nag-iingay. Amoy alak at sigarilyo rin ang buong bahay namin at kahit araw-araw akong naglilinis ay nagmumukha pa rin itong bodega. Napabuntong hininga ako sa naiisip. Walang bata ang gugustuhing maging parte ng pamilya ko pero kahit na ganu'n ay wala akong balak na baguhin ang buhay at ang pamilyang kinabibilangan ko. Minsan lang talaga ay napapagod ako sa buhay na meron ako at napapatanong kung bakit naging ganito ang pamilya namin, na sa dinami-dami ng tao sa mundo ay kami ng pamilya ko ang nagkaroon ng ganitong sitwasyon. Gusto ko lang takasan sandali ang realidad ng buhay ko, pero wala akong balak na iwan 'yun. Gusto ko lang maranasan ang pakiramdam ng malaya, pero hindi ko bibitawan ang buhay na meron ako. Masayang maging malaya... Kahit panandalian lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD