Kabanata 12

1420 Words
Heaven's POV Nang magising si Tita Evelyn at Tito Richard ay nag stop over muna kami sa isang kainan. Lalo akong nahiya dahil sabit lang ako sa pamilya nila at wala pa akong ambag sa gastusin. "Anong sa 'yo?" tanong ni Sky habang nakatingin sa menu. "Kung ano na lang din ang sa 'yo," sagot ko. Tumango ito at sinabi sa waiter ang order namin. "Hija, ano nga pala ang trabaho ng mga magulang mo?" bigla ay tanong ni Tito Richard habang kumakain. Nabilaukan ako ng marinig ang tanong niya. Agad naman akong inabutan ng tubig ni Sky. Umubo ako ng ilang beses, "Ahm, wala po silang trabaho. Pero si Tatay po ay minsan umi-extra sa construction site," nahihiyang sagot ko. "I see. Saan ka nag-aaral?" muling tanong nito. "Dad, stop asking her. She's not comfortable," sabat ni Sky. "Hindi po, ayos lang po," sinipa ko ng mahina ang paa ni Sky sa ilalim ng lamesa. "Hindi po ako nag-aaral, nag iipon pa lang po kasi ako ng pang enroll." Napaawang ang labi nito sa sagot ko, "Ow. I'm sorry for asking," Umiling ako, "Ayos lang po," "Sobrang sipag niyan ni Heaven, Dad. You don't have any idea kung gaano karami ang raket niyan," nakangiting saad ni Sky. Nginitian ko rin siya. "Really?" gulat na tanong ni Tita Evelyn. "I didn't know na nagtatrabaho ka na, Ven." Tinapos ko ang pag nguya bago sumagot, "Opo, Tita. Sa ngayon po ay tumutulong po ako sa parlor kaya nakakaipon po ako." "Sana pala ay sinabi mo sa akin, Skyler," nakatingin ito kay Sky, "Nagbibigay ako ng scholarship kaya puwede kitang bigyan," "Ilang beses ko na 'yang sinabi sa kanya, Mom. Ayaw niya," Ani Sky. Muli kong sinipa si Sky sa ilalim ng mesa kaya pinanlakihan niya ako ng mata. "Hindi naman po sa ayaw, Tita. Baka po kasi hindi pa pumayag sila Nanay na mag-aral ako kasi ako lang po ang inaasahan nila sa bahay," pag depensa ko sa sarili. "Wala ka bang kapatid?" tanong ni Tito Richard. "Meron po, dalawang lalaki. Pero hindi na po umuuwi sa amin ang Kuya Vanz ko at ang Kuya Erik ko naman ay tumutulong po kay Tatay sa site," "Batugan kamo," rinig kong bulong ni Sky kaya muli ko siyang sinipa sa paa. Magkatabi lang kaming dalawa kaya hindi iyon nahahalata ng Mommy at Daddy niya. "Ganun ba. Pero kung balak mo nang mag-aral puwede mong sabihin sa akin para mabigyan kita ng scholarship sa maynila," "Opo. Salamat po," nakangiting sagot ko kay Tita Evelyn. Nang matapos kami sa pagkain ay naglakad na kami pabalik sa kotse. "Ikaw talaga, Sky!" kinurot ko siya sa tagiliran nang maiwan kaming dalawa sa sasakyan dahil may kinakausap ang Mommy at Daddy niya na nakasalubong ng mga ito. "Bakit? Hindi naman nila narinig," mataray na sagot nito. "Saka totoo naman." "Kahit na. Ayokong napapahiya sila," malungkot kong saad. "Okay, fine. I'm sorry," malumanay na sabi niya. Ngumiti ako at pinitik siya sa noo. Nang makapasok na sa sasakyan sila Tita ay umalis na kami. Buong biyahe ay nanood lang kami ng pelikula ni Sky sa tablet niya. Naiyak pa ako dahil patungkol iyon sa pamilya. "Iyakin ka talaga," pang aasar ni Sky. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko, "Bakit ba. Nakakaiyak kaya!" Inabutan niya ako ng panyo. "Wala pa nga tayo sa kalagitnaan ng palabas, umiiyak ka na," natatawang sabi nito. Hinampas ko siya sa braso. Grabe talaga mang-asar ang isang 'to. "Bakit kasi iyan ang pinili mo. Ang aga aga pinapaiyak mo 'ko," nakasimangot na saad ko. Muli siyang tumawa bago nagpindot ng kung ano ano sa tablet niya. "Oh, ayan. Anime na 'yan baka pati diyan maiyak ka pa, ha." nakangising saad niya. Maloko talaga ng isang 'to. Matapos ang ilang oras ay huminto na ang sasakyan. Nilagay na ni Sky ang tablet niya sa bag at binuksan ang sasakyan. Nandito na kami. Pagkababa ko ng sasakyan ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Buti na lang at nakasuot ako ng jacket kung hindi ay baka mangisay ako sa sobrang lamig. "Welcome to Baguio," nakangiting saad ni Sky. Napaawang ang bibig ko ng malamang nasa Baguio pala kami. Hindi naman kasi ako nagtanong kanina kung saan kami pupunta dahil nahihiya ako. Inabot ni Sky sa akin ang pink na maleta. "Lahat ng nandiyan ay iyo kaya 'wag kang mahiyang gamitin," Tumango ako at kinuha ang maleta. Pumasok kami sa isang building. Hotel pala iyon. Tatlo na kuwarto ang kinuha ni Tita Evelyn. Isa sa kanila ni Tito, isa kay Skyler at kay Kuya Jake at isa naman para sa amin ni Ate Midet. "Ayusin na muna ninyo ang gamit ninyo at magpahinga," Ani Tita Evelyn. Tumango kaming lahat ang pumasok sa kanya-kanyang kuwarto. Magkakatabi lang naman ang kuwarto namin, ang kay Sky at Kuya Jake ay kaharap ng kuwarto namin ni Ate Midet. Pagpasok namin sa kuwarto ay namangha ako sa ganda ng loob niyon. Dalawa ang kama at may isang banyo. May malaki ring salamin at kabinet. Sa gitna ng dalawang kama ay may lamesa na may nakalagay na bulaklak at ilang libro. Pumunta ako sa may sliding door na magdadala sa veranda. Paniguradong maganda ang view dito mamayang gabi. Nag-ayos kami ng gamit ni Ate Midet at sandali siyang nahiga dahil masakit daw ang balakang niya dahil sa matagal na pagkakaupo ng ilang oras sa sasakyan. "Magpahinga po muna kayo, Ate Midet. Gigisingin po kita kapag bababa na po tayo," saad ko. Hindi nga nagtagal ay nakatulog na si Ate Midet. Ako naman ay pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko. Nang buksan ko ang maleta ay namangha ako sa mga damit na naroon. Lahat ay bago. Karamihan sa naroon ay kulay pink. May paldang maong, tatlong pantalon na iba iba ang kulay, isang itim, puti at light blue. Mayroon ding tatlong set ng pajama. Isang tuwalyang kulay pink at ilang pirasong shorts na maong. May nakita rin akong dalawang dress, anim na t-shirt, dalawang polo, isang puting jacket na kagaya ng suot kong pink at ilang pares ng underwear at bra. Nang buksan ko ang zipper ng kabilang bahagi ng maleta ay bumungad sa akin ang sabon, shampoo, conditioner, lotion, pabango, toothbrush at toothpaste. Mayroon din akong nabasang cleanser, toner at moisturizer. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon kaya itatanong ko mamaya kay Ate Midet. Ang huli ay ang isang rubber shoes, tsinelas at isang doll shoes. Kumpleto ang laman ng maleta at hindi ko maiwasang maiyak dahil ito ang unang beses na nagkaroon ako ng mga ganitong bagay. Nahihiya ako sa pamilya ni Sky dahil sobrang laki ng abala ko sa kanila. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng tulong na naibibigay nila sa akin. Nang may marinig akong katok ay agad kong pinunasan ang luha ko bago binuksan ang pinto. Si Sky. "Oh, bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong ni Sky. Ngumiti ako sa kanya, "Wala 'to. Napuwing lang ako." "Weh? Ako hindi ako naniniwala sa puwing puwing na 'yan," nakataas ang kilay na sabi nito. Hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya. "Wala nga. Bakit pala?" pag iiba ko ng usapan. "Kape tayo. Inaantok ka ba? Gusto mong magpahinga muna?" "Hindi naman. Sige, pero tatapusin ko muna ang pagliligpit ng gamit." "Okay, tutulungan kita," prisinta nito at walang sabing pumasok sa loob. Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Ramdam kong may iba kay Sky pero hindi ko na 'yun pinagtuunan ng pansin. Alam ko namang sasabihin niya rin 'yun sa akin kapag ready na siya. Nang matapos naming ilagay sa kabinet ang mga gamit ko ay lumabas na kami. Sa first floor raw ng hotel ay mayroong coffee shop. Kaya pala ang laki ng hotel na 'to dahil hotel and restaurant na. "Ako na ang magbabayad ng sa akin," dala ko ang lumang wallet ko na naglalaman ng perang naipon ko. "No, ako na. Ipon mo 'yan kaya dapat hindi mo ginagalaw," sermon nito at nagbigay ng card sa babaeng cashier. Naupo kami sa isa sa mga table roon habang sumisipsip ng kape. Ang payapa ng ganito lang. 'Yung tahimik pero hindi awkward. Tiningnan ko si Sky. Ang layo ng tingin niya at parang may malalim siyang iniisip. "Sky..." tawag ko. Hindi siya lumingon. "Sky..." ulit ko. Lumingon siya na parang nagtataka. "Lagi lang akong nandito para sayo..." Malungkot ang mga mata niya kaya nginitian ko siya ng tipid. Kung ano man 'yang nasa isip niya ngayon, sana maging okay ang lahat. Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD