Kabanata 24

1287 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw na walang ibang ginawa si Sky kundi bwisitin ako sa karinderya. Palagi siyang pumupunta bago mag lunch at uuwi kasabay ko. May tsismis na ngang kumalat na boyfriend ko raw ang bwisit na 'to. Paano ay nu'ng nakaraan pumunta siya rito na may dalang bulaklak at kumanta pa sa tapat ng karinderya. Sobra sobra ang inis ko nu'n sa kanya kaya nasikmuraan ko siya. Ang kaso ay hindi siya nadala at talagang maghapon pang tumambay sa karinderya. Tawang-tawa sila Carrie at Ma'am Rose sa kanya at panay naman ang asar nila sa 'kin. "Ven!" Boses pa lang ay naiirita na 'ko at halos magsalubong ang kilay ko sa lakas ng pagkakatawag niya sa 'kin. Nasa tapat siya ng karinderya habang kumakaway na parang tanga. "Manahimik ka nga diyan!" angil ko sa kanya ng makalapit ako. Anong ginagawa nito rito ng ganito kaaga? Alas syete pa lang at hindi pa nagbubukas ang karinderya. Bakit kailangang ganito kaaga niya ako pestehin? Ngumiti siya ng malapad sa'kin bago ako hinila. "Hoy! Bitiwan mo nga 'ko!" Pilit kong kinukuha ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya. "Isa! 'Pag hindi ka bumitaw babaliin ko buto mo!" seryosong sigaw ko. Nakangiti sa amin ngayon ang mga taong nagwawalis sa tapat ng bahay nila. Eksena talaga itong si Sky! Ang aga-aga ay mapagkakamalan kaming naglalampungan. "Hindi ka muna papasok ngayon." Aniya. Tumaas ang kilay ko. "At sino ka para sundin ko?" "Binili na kita kay Miss Rose kaya wala kang choice. Ang trabaho mo ngayon ay sumama lang sa'kin." Inirapan ko siya at tumalikod na para bumalik sa karinderya. Ang kaso ay nakita ko si Maam Rose na nakatayo sa tapat ng karinderya at sinisenyasan akong umalis. Malapad pa ang pagkakangiti niya na para bang iyan ang pinaka magandang bagay na nagawa niya. Minsan ay napapaisip ako kung nalason ba silang dalawa ni Sky dahil full support sila palagi sa kalokohan ng lalaking 'to na akala mo'y mga matagal nang magkakakilala. Inis akong humarap kay Sky. Nakangiti siya ngayon na parang aso at gusto kong punitin ang mukha niyang 'yun. "Ano bang problema mo?" mataray na sigaw ko sa kanya. "Wala. Gusto lang kitang makasama ngayon." nakangusong aniya. "Pwes, ako, ayokong kasama ka kaya please lang umuwi ka na. Ang aga aga sinisira mo ang araw ko." Tatalikod na sana ako ng hawakan na naman niya ang braso ko at hinila ako sa sasakyan niya. Napapailing na lang ang mga tao samin, paniguradong iniisip ng mga tsismosang 'to na naglalandian kami. Tsk. "Ngayong araw lang, promise." tinaas pa niya ang palad niya bilang tanda ng pangako. Hindi niya ako madadala sa paganyan-ganyan niya. Hindi ko siya pinansin at tumalikod ulit. Pero hinila niya na naman ako paharap sa kanya. Bwisit na 'to talaga! "Hindi kita guguluhin ng isang linggo kapag sumama ka sa'kin ngayon." Aniya. Seryoso siya at walang kahit na katiting na ngiti sa labi. Tinitigan ko siya ng ilang segundo. "Huwag mo kong guluhin habang buhay." "Hindi pwede. Isang linggo lang ang offer ko. Kung hindi ka sasama ngayon, araw-araw akong kakanta diyan sa harap ng karinderya ninyo at dadalhan kita ng bulaklak." Nakangising saad niya. Hindi ba siya nahihiya? Araw-araw ay mukha siyang tanga dito. Huminga ako ng malalim at inirapan siya. "Halika na nga! Bwisit ka talaga." Tumalon siya at nag flying kiss pa kay Ma'am Rose na napapailing sa amin. Epal rin 'tong si Maam, tama bang ibugaw ako sa bwisit na 'to! Magkano kaya ang binayad sa kanya ng lalaking 'to para pumayag siya? Kainis talaga. Pagbubuksan niya dapat ako ng pinto pero tinapik ko ang kamay niya. Tahimik akong pumwesto at hindi siya tiningnan. Hindi ko alam kung saan niya 'ko dadalhin at wala akong pakialam. "Hindi mo ba itatanong kung saan tayo pupunta?" tanong niya. "Wala akong paki." Buong byahe ay tahimik lang kami. Wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya dahil naiinis ako. Ang aga niyang sinira ang araw ko, mahiya naman siya kung hihingin niya pa ang atensyon ko. Isinandal ko ang ulo ko at ipinikit ang mata. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya mabilis akong hinila ng antok. Nagising ako dahil sa tapik ng kung sino. Agad na kumunot ang mukha ko ng makita si Sky na nakangiting nakatingin sa'kin. "Dito na tayo." Aniya. Walang gana akong bumaba ng sasakyan. Tiningnan ko ang paligid at nakitang nasa Mall kami. "Balak mo lang pa lang mamasyal sa Mall, sinama mo pa 'kong bwisit ka." Inis na saad ko sa kanya at umambang sasapakin siya. "Manonood tayo ng sine mamaya pero kakain muna tayo. Gutom na 'ko, eh." Aniya, walang pakialam sa naiinis kong mukha. Bumuntong hininga ako at tahimik na sumunod sa kanya. Wala na akong choice, nandito na kami. Bwisit talaga. Kagaya parin ng dati, agaw pansin parin siya Mall. Napailing na lang ako ng makita ang grupo ng studyante na kinuhanan pa siya ng litrato at pagkatapos ay inirapan ako. Tsk, inyo na 'yan, wala akong balak makiagad sa inyong mga bruha kayo. Pumasok kami sa buffet restaurant. Hindi naman ako gutom kanina pero nang makita ko ang mga ulam ay nagutom ako bigla. Umupo kami sa pangdalawahang table, walang menu dahil kusa kang lalapit doon sa buffet. Pareho kaming walang dalang gamit ni Sky bukod sa cellphone namin at wallet niya kaya sabay kaming kumuha ng pagkain dahil wala naman kaming gamit na babantayan sa table. Tiningnan ko si Sky habang kumukuha siya ng pagkain. Noon pa naman ay alam kong hindi siya maarte kagaya ng ibang mayayaman pero minsan ay namamangha parin ako kapag nakikita ko siyang kumakain sa karinderya at kahit sa ganitong klaseng kainan. I mean, ang mga kasama namin dito ay mga simpleng tao lang, mahahalata mong hindi naman mayayaman. Di ko tuloy maiwasang maalala kung saan kami kumakain noon, madalas ay sa ihawan sa kanto at sa mga maiinit at masisikip na karinderya lang dahil hindi ako pumapayag noon na kumain kami sa Mall kung hindi naman kasama ang Mommy niya. At ngayon ko lang din narealize na kahit isang beses ay hindi ko siya narinig na nagreklamo, kahit pa palagi siyang pawis na pawis at namumula ang pisngi dahil sa init. Mayaman si Sky, pero hindi mo 'yun mararamdaman sa kanya. Oo mukha siyang mayaman kahit na naka shorts at t-shirt lang siya, pero kapag kasama mo siya, hindi niya mapaparamdam sa'yo na mahirap ka. Minsan na rin 'yang sinabi sa akin ni Carrie at ni Ma'am Rose. Kahit sila ay namamangha sa tuwing nasa karinderya si Sky at parang simpleng tao lang na kumakain at tumatambay doon. Pinilig ko ang ulo ko ng dalawang beses dahil sa naiisip. Bakit ba 'ko nag to-throwback? Tsk. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Kanina pa pala siya nakatingin sa 'kin. Tumango ako at kumuha na ng ulam. Dalawang malaking plato ang hawak ni Sky, ang isa ay may lamang iba't ibang klase ng ulam at ang isa naman ay may kanin. Ako naman ay isa lang ang hawak, pinagdikit dikit ko lang ang ilang ulam at kanin. "Wait, kukuha ako ng desert." Aniya pagkaupo namin. Mabilis niyang nilapag ang dalawang platong hawak at umalis. Napangisi ako habang sinusundan siya ng tingin. Ang sungit ng mukha niya sa malayuan dahil seryoso ang mukha niya at natural na nakakunot ang noo niya. Kung hindi mo siya kilala ay hindi mo maiiwasang maintimidate sa mukha niya pero kapag nakangiti siya ay mukha siyang batang walang muwang dahil nagiging inosente ang mukha niya. Napailing na lang ako at inintay siyang matapos sa kakakuha ng kung ano. Ang natural ng kilos niya na para bang sanay na sanay na siyang kumain sa ganito. Sino kaya ang kasama niyang kumain sa ganito noon? Tss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD