Chapter 7

2019 Words
NAKAUPO si Priscilla sa may tabi ng checker at pinag-iinventory gamit ang mga resibo at tally sheet, nang tawagin siya ni Miss Vanessa at inutusang siya ang magserve  kina Matthew dahil busy lahat ang waitress palibhasa Saturday night kaya puno ang bar ng customers. Laking-gulat ni Priscilla halos hindi makapagsalita kung pwede lang ay tatanggi sana siya. Tumingin siya kay Natalie na noo'y nagulat din may ginagawa din ito sa loob ng counter. Parang gustong sabihin ni Prescilla kay Miss Vanessa na si Natalie nalang kaso nag-iiling naman ito na parang takot na takot. Walang nagawa si Priscilla kundi lumapit sa mga naggagwapuhang mga amo. "Go-good evening Si-sir Matthew, si-sir Andrew," halos magkanda-utal na bati ni Prescilla. Para namang nakakita ng diwata si Matthew at bigla na naman napatitig kay Prescilla na napakaganda sa suot na uniporme at red lipstick na bahagyang nakatali ang mahaba at kulot na buhok sa kabilang bahagi ng ulo likod ng tainga. Si Andrew naman ay ganoon din pero agad nakapagsalita at biniro si Prescilla. "Oh, Miss Alonzo diwata ka bang naligaw dito sa mundo ng mga tao o serenang umahon mula sa kailaliman ng dagat?" biro ni Andrew na buong paghanga sa dalaga. Lalo naman nailang si Prescilla at pakiramdam niya umakyat lahat ang dugo niya sa katawan at naipon sa mukha sa pula nito at nangangapal na pakiramdam ni Priscilla sa mukha niya at feeling pa niya para siyang lalagnatin. Ngunit mas pinili niyang kunwari'y magbiro din kay Andrew para hindi mahalatang halos ma pass out na siya sa kaba. "Is that a compliment sir?" tanong ni Prescilla sa amo na bahagyang nakangiti. "Of course it is," sagot naman ni Andrew na namimilog ang mata at lumabas ang dimple sa pisngi dahil sa hindi mawalang smile habang nakatitig kay Priscilla. Si Matthew naman ay nakabawi na at nagsalita. "Hi, Miss Alonzo how are you tonight?" bati ni Matthew sa dalaga. "I-I'm fine si-sir Matthew, ta-thank you," kandautal paring sagot ni Prescilla. Kay Matthew lang siya nag-stummer ng ganito sa buong buhay niya. "That's good," maikling saad ni Matthew na napaka-casual ng boses at tono nito. "What would you like to drink Sir Matthew, Sir Andrew?" sa wakas naituwid ni Priscilla ang dila para magsalita. "Give us two Jim Beam coke," si Andrew ang sumagot. "Okay Sir," sagot ni Prescilla at tumalikod na sa mga amo. Pagkatalikod naman ni Priscilla kina Matthew ay agad namang biniro ni Andrew ang kaibigan. "I guess your destiny is finally here Bro," saad ni Andrew sa kaibigan. What the hell you're talking about Bro?" maang-maangan naman ni Matthew. Come on Bro don't give me that s**t!I can see how you are being mesmerized with the beauty of Miss Alonzo," pamumuna ni Andrew sa kaibigan. "Shut up Bro! Don't give me a f**k, you knew my rule," Matthew defensively answered Andrew. Narealize naman ni Andrew ang ibig sabihin ni Matthew. "In every rule there is an exemption," mariing sagot ni Andrew. Sakto naman pabalik na si Priscilla dala ang inumin nila. Dahan-dahan namang inilapag ni Prescilla ang drinks ng mga amo. "Thank you Miss Alonzo," ani ni Matthew. "You're welcome Sir Matthew, it's my honor to serve both of you Sir," saad ni Priscilla at akmang tatalikod na. "Hey, Miss Alonzo," tawag ni Andrew. "Yes, Sir Andrew?" patanong na sagot ni Priscilla sa amo. "Would you mind if I ask you to join us?" tanong ni Andrew bagama't paalok. "Hhmmnn, if that's an order sir I guess I don't have a right to refuse," nakangiting sagot ni Prescilla. "Come on Miss Alonzo don't be like that," nakangiti paring saad ni Andrew. "It would be our pleasure to make you join us," dagdag nito. Si Matthew ay tahimik lang. "Come on get any kind of drink you want and sit with us," alok ulit ni Andrew. Nag-aalangan man ay sumunod nalang si Priscilla kumuha siya ng mango juice at bumalik sa mesa nila Matthew. Inalalayan naman siya ni Matthew na maupo hinawakan siya sa may siko at pina-upo sa tabi nito.Bigla naman parang nawala sa sarili si Prescilla nang lumapat ang kamay nito sa balat niya napaigtad siya. "Thank you Sir," pasalamat ni Priscilla kay Matthew ngunit hindi makatingin ng diretso dito. Si Matthew naman ay parang sinadyang itabi sa kanya si Prescilla at ilayo kay Andrew. Si Andrew naman ay sadyang nagpa-ubaya sa kaibigan dahil noon lang nakita ni Andrew si Matthew na starstruck sa isang babae kaya alam niyang iba ang nararamdaman ni Matthew para kay Prescilla.   "So, Miss Alonzo are you enjoying your job?" tanong ni Andrew kay Prescilla. "Yes sir, we learned a lot from Miss Vanessa just in two days," pagmamalaki naman ni Prescilla sa mga amo. "That's good," sabat ni Matthew. "Well Vanessa is really good at her job sir, lahat ng bagong staff natin dito sa kanya dumadaan ng rigid training so all turns out well," salaysay naman ng manager. "That's great then, it's nice to know that our employees are enjoying their tasks, it's a big help to the company," casual na saad ni Matthew. "What if you are assigned to the other branches Miss Alonzo, is it ok for you?" tanong ulit ni Andrew. Yes sir, I would love that if ever," sagot ni Prescilla sa amo. "So no boyfriend who will say no, don't go?" pangungusisa ulit ni Andrew. "I don't have a boyfriend sir," saad ni Prescilla. "Oowwwss really?" paninigurado ni Andrew. "Yes sir," siguradong sagot naman ni Prescilla sa amo na halatang inuusisa kung single talaga siya. "What's wrong with the men in this place, are they all blind?" pabirong saad ni Andrew. Natawa naman ang manager at si Matthew. "Wala lang po akong panahon sa bagay na iyan sir Andrew, mas kailangan po ako ng pamilya ko," magalang na salaysay ni Priscilla. "So, you mean never ka pang nagka-boyfriend?" paninigurado ni Andrew. "Yes sir Andrew," sagot ni Prescilla. Tumango-tango nalang si Andrew at tinitingnan ang reaksiyon ni Matthew na noo'y titig na titig kay Prescilla ngunit hindi nagsasalita. "Well let's drink to that at itinaas ang baso at nakipag-cheers bago uminom. "We celebrate and I personally welcome you  to our company," ani ni Andrew at lumapit ito sa bell at kinalampag. Sigawan naman ang lahat ng empleyado. "Wow Ring D' Bell," sabay-sabay na hiyaw ng kababaihan. Nagulat naman si Prescilla first time niyang maranasan ang ganito sobrang na-amazed siya. "Come on call Miss Bermudez let her join us ," saad ni Matthew kay Prescilla. Paraan iyon ni Matthew para hindi mahalata ang totoong intensyon ni Andrew sa ginawa. Alam ni Matthew na iba ang gustong i-celebrate ni Andrew at iyon ay tungkol sa sinabi nito sa kanya. Tumayo naman si Priscilla at tinawag si Natalie na namamangha din.   Masayang-masaya ang lahat dahil maliban sa ring the bell ay nagpa-ulan din ng pera si Andrew, naghagis ng pingpong balls at nagpaputok ng confettis na animo'y may ikinasal or may kung anong espesyal na okasyon. Hanggang sa hindi nila namalayan na alas-tres na, closing time na. Pero ang mga tao ay parang ayaw pa magsi-uwi or lumabas ng bar. Pati ibang customers ay nandoon parin. Ngunit napansin ni Matthew na parang pagod na pagod na si Priscilla at Natalie dahil tumulong ito mag-asikaso  sa mga drinks dahil ang ring the bell ni Andrew ay sinundan ni Matthew ng ilang beses at ng iba pang customers na nandoon. Kaya nagsenyas na si Matthew sa manager na magsara na sila. Si Matthew ay hindi rin maintindihan ang sariling damdamin para kay Priscilla may kung anong damdamin ang umusbong sa loob niya para sa dalaga.   Nagsi-alis na ang mga customers at ang ibang empleyado ngunit naiwan  pa silang mga taga counter at utilities pati narin ang manager at supervisor. Ang cashier ay ginagawa pa ang sales report, si Natalie ay tumutulong magligpit at maglinis sa loob ng counter at binibilang ang lahat ng natirang beers at iba pang nakaboteng inumin habang ang dalawang lalaking bartenders ay binubuhat at mga cases ng walang laman na mga bote ng beers papunta sa storage. Si Prescilla naman ay itinuloy ang pag-inventory sa mga lumabas na stocks at mga natira gamit ang tally sheet kailangan kasi nagmamatch ang sales sa resibo at nasa tally sheet bago ito ipasa sa opisina ng sales and stocks inventory clerk. Ang manager naman ay nakikipagkwentuhan parin kina Matthew at Andrew na nandoon parin tila may hinihintay. Si Miss Vanessa ay nasa dining area at sinu- supervised ang dalawang utilities na naglilinis, nang matapos silang lahat sa kanya-kanyang ginagawa ay nagpaalam na sa mga amo na noo'y palabas narin. Sina Prescilla at Natalie ay nagpasalamat ulit kina Matthew at Andrew para sa mainit na pa-welcome sa kanila sa kumpanya. Hindi talaga nila inaasahan ang ganoon, kaya ang saya-saya nila pareho. Palabas na sila ng Discovery Club at papunta na sa opisina para mag-log out ng tawagin sila ni Matthew. "Miss Alonzo, miss Bermudez," tawag ni Matthew sa dalawang dalaga. Lumingon naman si Prescilla at sinalakay na naman ng kaba kaya hindi halos makapagsalita. "Ye-yes si-sir Matthew?" sagot na patanong naman ni Prescilla. Papalapit sa kanila sina Matthew at Andrew kaya huminto sila pareho ni Natalie sa paglalakad. "Take care and thank you, we had a great time...goodnight," saad ni Matthew kay Prescilla. "Ta-thank you din po Sir Matthew, Sir Andrew," sagot naman ni Prescilla sa mga amo at bahagya pang yumukod. "Sobrang saya pa namin Sir, first time po namin na ma-experience ang ganito," sabat naman ni Natalie. "There's always a first time Miss Bermudez, Miss Alonzo we promise this would not be your last," pangako naman ni Andrew sa dalawang dalaga. "Thank you po Sir," sabay na saad ni Prescilla at Natalie. "We can take both of you home if you like," alok ni Andrew. "Ay, huwag na po Sir Andrew sobra-sobra na po iyan hindi na po talaga namin matatanggap ang alok niyo pero sobrang thank you parin po," mariing tanggi ni Priscilla na tinakpan pa ang bibig ni Natalie na magsasalita na sana para pumayag na ihatid sila ng mga amo. Naisip ni Prescilla kung papayag siyang magpahatid ay hindi sila makakadaan sa bakery para bumili ng pandesal at sa mini-grocery para bumili ng pasalubong sa mga kapatid. Kung sasabihin naman niya na may dadaanan pa eh malalaman ng mga ito kung ano ang bibilhin nila. Para sa kanya awkward iyon, parang lalo lang siya manliliit sa harap ng mga amo na makikita ng mga ito kung saan at paano nila gastusin ang natanggap na tips. Muli ay may kalakihan ang parte nila sa tips sa gabing iyon dahil sa dami ng customers at iyong karamihan ay keep the change na ang sukli sa ibinayad nila at ang iba ay kusang nagbibigay pa ng dagdag na tip karaniwang galante ang mga customers lalo na pag malapit na ang pasko at higit sa lahat ay nagbigay ulit sina Matthew at Andrew maliban doon sa mga pinaulan nilang pera. Bagama't hindi nakisaling dumampot sila Prescilla at Natalie ay malaki-laki parin ang naiuwi nilang tips. Hindi naman nag-insist sina Matthew at Andrew nakita nilang hindi komportable ang dalaga sa alok nila. "Okay Miss Alonzo, Miss Bermudez take care of yourselves on your way home," saad nalang ni Andrew. Si Matthew ay biglang natahimik na naman at nakatitig lang kay Prescilla. "Okay po Sir alis na po kami,goodnight din po,"sabay na saad ng dalawang dalaga. Tuluyan na silang lumabas ng building at naglakad papuntang bakery. Marami silang binili maliban sa pandesal ay bumili din sila ng ibang klaseng tinapay. Bumili din sila ng cake na bini-bake mismo ng may-ari ng bakery naisip ni Priscilla ay matagal nang nangangarap makakain ng cake ang mga kapatid lalo na iyong chocolate cake at chiffon cake. Dumaan ulit sila sa mini-grocery at bumili siya ng butter, cheese, gatas at iba pang basic necessities. Si Natalie naman ay gaya-gaya lang sa kanya dahil halos pareho naman ang kalagayan nila sa buhay kaya halos pareho lang din ang kanilang mga kailangan. Ang kaibahan lang ay iisa lang ang kapatid nito at malulusog pareho ang mga magulang hindi tulad sa kanya na may edad at mga sakitin pa.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD