ALAS-ONSE ng umaga nagising si Matthew at si Andrew bumaba sila sa may poolside sa paborito nilang pwesto sila umupo. Humingi ng brewed coffee sa waitress at toasted bread with butter and strawberry jam. Parehong medyo masakit ang ulo dahil naparami ang kanilang nainom sa nakaraang gabi at iba-iba pa kaya pagkatapos mag breakfast ay nagyaya si Andrew na mag swimming sila. Habang nakababad sila sa pool ay nabanggit ni Andrew ang tungkol kay Priscilla.
"Hey bro, what do you think of Prescilla?" tanong ni Andrew kay Matthew.
"What do you mean?" ganting tanong ni Matthew.
"Come on bro, you know what I mean," saad ni Andrew.
"She's young and innocent, a lot different from the girls I play with ," sagot ni Matthew sa kaibigan. "I like her a lot but I want to exempt her, she doesn't deserve a man like me," dagdag ni Matthew.
Cheese! It must be love bro," bulalas ni Andrew. "You will not think that way if you're not in love with her," dagdag nito.
"No way!" madiin naman na sagot ni Matthew sa kaibigan. "It's more like curiosity bro," saad ulit ni Matthew.
"Curiosity kills the cat bro," biro naman ni Andrew.
All these time I dated with Manila girls and they are all the same, it's just now I met someone like Prescilla, her beauty is not just on physical aspect but coming from with in and that I find her different," salaysay ni Matthew sa kaibigan.
"So what's your plan bro?" tanong ni Andrew kay Matthew.
"I don't know yet bro, for now I will let her enjoy her job here and maybe conserve her," wika ni Matthew.
"Conserve? Ano 'yon endangered species lang? Iko-conserve mo para hindi tuluyang mawala ang lahi?" si Andrew na hindi maintindihan ang kaibigan sa gusto nitong mangyari.
"You knew my situation bro, marami pa akong dapat ayusin sa buhay ko ni hindi ko pa nga nahahanap ang mga kapatid ko. Hindi ako matatahimik at makakapagsimula ng panibagong yugto ng buhay ko hangga't hindi ko sila nahahanap, feeling ko isa akong kaluluwang ligaw na hindi matahimik at feeling ko may kulang sa pagkatao ko kaya paano ako magmamahal ng isang tao kung maski ako sa sarili ko ay hindi ko alam ang salitang love," mahabang salaysay ni Matthew sa kaibigan.
"So kailan mo balak iparamdam o ipakita na may gusto ka sa kanya?" tanong ni Andrew.
"Hindi ko alam basta sa ngayon hahayaan ko muna siyang e-enjoy ang ganitong klaseng mundo at alam ko wala parin naman sa isip niya ang mga ganoong bagay tulad nga ng sinabi niya kagabi mas kailangan siya ng pamilya niya. Kaya hangga't masaya at kuntento sa trabaho niya sa ngayon ay hahayaan ko nalang muna pababakuran ko nalang ng hindi niya alam," salaysay ulit ni Matthew sa plano niya.
"Pababakuran? Sa anong paraan?" tanong ni Andrew. "Tsaka ano 'yon mani at melon lang? Palalaguin mo muna bago mo pitasin?" saad na tanong ulit ni Andrew.
Ngumisi naman si Matthew maski siya hindi niya na-imagine ang sarili na gagawin niya ang ganito sa isang babae.
"Masyado pa siyang bobot pahihinugin ko lang muna," saad ni Matthew sabay halakhak.
"Crazy," nasambit nalang ni Andrew.
Ganoon sila kapag si Andrew ang seryoso, si Matthew ang magpapatawa. Kapag si Matthew ang seryoso si Andrew naman ang magpapatawa. Umahon na sila sa pool at umahon sa kanya-kanyang suite. Pagkatapos magsipagbihis ay bumalik sa lobby at hinintay ang driver ng hotel na kinukuha ang service car para ihatid sila sa Batangas. Mayroon silang tinitingnan na property doon at balak bilhin para patayuan ng mall.
Samantala maghapon natulog si Priscilla sa araw na 'yon sobrang sakit ng buong katawan niya at paa. Siguro dahil sa sobrang dami nilang ginawa sa nakaraang gabi halos hindi siya nakaupo para magpahinga. Pagkagising niya ay ipinaghain siya ni Aling Cedes ng makakain at papasok siya ng alas-sais.
"Anak kamusta ang trabaho mo, hindi ka ba nahihirapan?" tanong ng ina kay Ella.
"Hindi naman po Inay, mababait po ang mga amo namin sa katunayan po kaya medyo malaki ang tip namin ni Natalie dahil bukod sa maraming customers ay nagbibigay pa ang mga pinaka-boss namin ng pakunswelo sa aming lahat," salaysay ni Ella sa ina.
"Aba eh, mabuti naman kung ganoon anak, tuwang-tuwa ang mga kapatid mo nang paggising nila maraming iba't ibang tinapay sa mesa lalo na iyong cake nilantakan kaagad ni Roy at ni Welona halos hindi tirahan ang ate Mira nila," medyo natatawang saad ng ina.
Napangiti naman si Prescilla sinasadya niyang bilhin ang mga pagkaing pinapangarap lang ng mga kapatid niya dahil ngayon palang niya ang mga ito napagbibigyan.
"Hayaan niyo po inay kapag naging stable at regular na ako sa trabaho hindi narin tayo matutulad ng dati, at sana din po tuloy-tuloy ang pagdami ng turistang pumupunta dito sa isla ng sa gayon ay marami din kaming customers lagi," saad ni Priscilla na may halong panalangin.
"Oo nga anak malaki talaga ang naitutulong ng nga turista dito sa ating bayan, marami ang nagkaroon ng trabaho," wika ni aling Cedes.
Magana namang kumain si Prescilla sa inihain ng ina niluto nito ang paborito niyang sinigang na liyempo ng baboy at maraming gulay sinamahan pa ng sawsawan na patis. Bago siya natulog ay binigyan niya muna ng pamalengke ang ina habang ang mga kapatid ay hindi nalang niya ginising para masurpresa sa mga binili niyang pagkain para sa mga ito.
"Eh kamusta naman si Natalie hindi rin ba nahihirapan sa trabaho?" tanong ulit ng ina kay Ella.
"Mukhang hindi naman po Inay, halos pareho lang po kami ng ginagawa," sagot naman ni Ella.
"Kamusta naman ang training niyo?" tanong ulit ng ina.
"Okay naman po inay marami na po kaming naturunan ni Nat, tsaka po ang sabi ni Miss Vanessa kapag daw po nakita niyang kaya na namin ay ire-refer niya kami na-regular na para daw madagdagan na ang sahod namin at malakad narin pati benefits," nakangiting pagbabalita ni Ella kay aling Cedes.
"Mabuti naman anak kung ganoon," saad ng ina.
"Eh 'yong big boss na sinasabi mo foreigner ba o pinoy?" naalalang itanong ni aling Cedes.
"Pareho pong pinoy inay at mga binata pa," sagot ni Ella na tila may kakaibang ningning ang mata at ngiti sa labi.
"Oh bakit parang ang saya mo yata na naalala mo ang iyong mga amo?" pangungusisa naman ng ina.
Bigla naman pumormal ang hitsura ng mukha niya at nagsalita. "Ha? ah eh 'nay naalala ko lang po kung gaano sila kababait, tsaka alam niyo po inay wenelcome nila kami ni Natalie kagabi," masayang sagot ni Ella.
"Welcome?" nagtataka na tanong naman ni aling Cedes.
"Opo inay, nag-ring the bell po si Sir Andrew at si Sir Matthew ng maraming beses," excited na kwento ni Ella sa ina.
Kinuwento din ni Priscilla ang iba pang mga nangyari sa bar at at ginawa ng mga amo para sa kanila ni Natalie maging pati ang ibang customers na nandoon na nakisaya narin.
"Masaya ako para sa'yo anak kahit paano nag-eenjoy ka sa trabaho mo ngayon basta lagi kayong mag-iingat lalo na sa pag-uwi," nasabi nalang ng ina ngunit may bahid ng pag-aalala ang boses nito.
"Inay huwag po kayong mag-aalala okay lang po ako at mag-iingat po ako lagi, saad ni Priscilla sa ina na halatang pinapapanatag ang kalooban para sa kanya.
"Oh siya sige ihahanda ko na ang uniform mo at maghanda kana rin pagpasok," saad ni aling Cedes sa dalaga.
Naiwan si Priscilla sa hapag-kainan na biglang naalala si Matthew at ang kabaitan nito sa kanya. Nakaramdam na naman siya ng kakaiba sa sarili at pananabik na makita ulit ang amo.
Pagkapasok ni Priscilla at Natalie ay dumiretso na sila kaagad kay Miss Vanessa pagkatapos ayusin ang mga sarili sa ladies room.
"Good evening po Miss Vanessa," sabay na bati nila sa supervisor.
"Good evening Miss Alonzo,Miss Bermudez," ganting bati naman nito sa kanila.
"Wala na tayong masyadong lecture tonight isasabak ko nalang kayo sa pag-serve dahil mas mabuting actual niyong natutunan ang mga bagay-bagay kesa puro lecture,"dagdag ni Miss Vanessa.
"Okay po ma'am," sabay na sagot ulit nila ni Natalie.
"Alam ko kaya niyo na pareho pinagsabay ko na ng day off si Bong at Carding total Linggo ngayon hindi masyadong maraming tao," saad ulit ni Miss Vanessa sa kanila.
"Sige po ma'am kaya na po namin na kami nalang dalawa ni Natalie sa bar," wika ni Prescilla.
"Good basta kapag mayroon kayong hindi naiintindihan sabihin niyo lang sa akin," pahuling sinabi ng supervisor.
Nagpaalam na sila dito at pumasok na sa counter at sinimulang ayusin ang mga alak at gamit. Nilinis ni nila isa-isa ang mga naka-display na mga imported na alak sa istante ng bar.
Samantala si Matthew at Andrew ay gabi na nang makabalik sa hotel kaya dumeretso sila sa restaurant at nagpaluto ng hapunan. Napagkasunduan nila ni Andrew na magpapahinga na pagkatapos nilang nagdinner dahil maaga silang lilipad pabalik ng Manila. Ang private plane nila ay nasa helipad lang ng hotel at ang piloto ay may sarili ding suite sa hotel para nakahanda ito lagi saan man nila gustong pumunta. Alas diyes palang ay nasa kanya-kanya na silang suite, nagshower si Matthew at nahiga sa kama, ini-on ang tv at naghanap ng magandang palabas nang walang nagustuhan ay hinayaan niya nalang na bukas dahil ayaw niyang tahimik. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata ngunit hindi pa siya dinadalaw ng antok kaya bumangon at nagbukas ng refrigerator at kumuha ng beer in can at lumabas sa veranda na nakaharap mismo sa dagat. Pinagmasdan ang kadiliman ng karagatan at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Sinasalakay na naman siya ng kalungkutan. Maraming pumapasok sa isip tungkol sa mga mapapait na nangyari sa nakaraan at ang pag-iisa niya sa buhay. Okay lang siya kapag kasama si Andrew o may ibang tao pero kapag nag-iisa na siya sa kwarto ay halos daigin siya ng lungkot. Naaalala niya lagi ang mga kapatid, sobrang miss na miss na niya ang mga ito at laging ipinagdarasal na sanay makita na niya at makasamang muli. Hindi niya namalayang pumatak na pala ang luha sa pisngi. Ito ang pinaka-kahinaan niya ang mag-isa na maski si Andrew ay hindi ito alam kung paano niya pinaglalabanan ang kalungkutan mula nang maulila siya ng mga magulang na umampon sa kanya. Dahil sa bigat ng nararandaman ay nagpasya siyang lumabas at maglibot-libot sa lugar hanggang mapagod at dalawin ng antok. Hindi na niya tinawagan si Andrew kasi tiyak tulog na ito. Kinuha ang susi ng service car ng hotel sa front desk at pumunta sa parking lot.