Chapter 9

1961 Words
PAGKALABAS ng parking lot ay walang direksyon kung saan pupunta na nagdrive. Tinahak niya ang daan papunta sa bayan naisip niya kahit paano marami-rami ang mga tao dahil sa iba pang bukas na negosyo at sa gabi nag-ooperate katulad ng mga restaurants at mga pub na karamihan ay may mga live bands at disco. Nilibang niya ang sarili sa mga nakikita sa paligid ng daan hanggang naisip niya si Prescilla. May kung anong damdamin ang nagtutulak sa kanya na puntahan ito at gusto niyang makita, kaya bumalik siya sa hotel makalipas ang ilang oras na palibot-libot niya sa bayan. Naisip niyang pumasok sa discovery club ngunit naisip niyang magiging obvious sa mga tauhan na si Priscilla ang pinuntahan niya kaya mas piniling hintayin ang paglabas nito galing sa trabaho total malapit na ang closing time. Umakyat muna siya sa suite niya at may naisip kunin sa safety deposit box na nandoon. Si Priscilla naman ay tila malungkot buong gabi sa oras ng trabaho. Inasam niyang sana makita ulit si Matthew bago ito lumipad pabalik sa Manila kinabukasan ngunit hindi na ito pumunta sa bar maski si Andrew. Parang may kirot sa puso siyang naramdaman na hindi niya alam kung kailan ulit ito magawi sa isla. Laking-pasalamat niya nang mapansin ang orasan na mag-aalas tres na ibig sabihin ay closing time na. Naging maayos naman ang trabaho nila ni Natalie kahit silang dalawa nalang ang bartenders na nakaduty sa gabing iyon lalo na't hindi naman ganoon kadami ang tao. Pagkatapos nila magsara at makapagligpit ay kinausap sila ni Miss Vanessa. "Miss Alonzo, Miss Bermudez since kaya niyo na pala ng kayong dalawa nalang ay regular ko kayong i-aasign sa night shift at sina Bong at Carding ay pang-araw para mai-ayos muna nila lahat ang mga coolers at beers bago kayo dumating," saad ni Miss Vanessa sa kanila. "Thank you po ma'am Vanessa para din po magkasama kaming umuwi," sagot naman ni Prescilla at Natalie. Oo iyon din ang naisip ko, bukas ipapasa ko sa office ang recommendation letter ko na maregular na kayo," saad ulit ni Miss Vanessa. "Wow thank you po ma'am ang bilis naman po," sagot nila ni Natalie na parehong namamangha. "You both deserve it, pareho kayong fast learner at dedicated sa trabaho niyo," pamumuri naman sa kanila ni miss  Vanessa. "Thank you po ulit ma'am, mauna na po kami," paalam nila sa supervisor. Dahil sa marami silang pinamili noong nakaraang gabi ay nagdesisyon silang dumeretso uwi na. Isang bagay na natutunan niya sa buhay  simula noong natuto na  siyang magtrabaho ay ang matutong magtabi ng pera at huwag ubos-ubos biyaya dahil hindi araw-araw ay pasko.   Medyo nakakalayo na sila sa hotel nang may magarang sasakyan ang huminto sa tabi nila. "Miss Alonzo, Miss Bermudez...come on, get it in, I'll take you both home," si Matthew na binuksan ang bintana at nakangiti sa kanila. Gulat na gulat naman si Priscilla at Natalie parehong hindi makapaniwala. Si Priscilla ay parang natuod sa kinatatayuan, sobrang kaba ang kanyang nararamdaman  ngunit parang sasabog ang puso niya sa kasiyahang  makita si Matthew. "Si-sir Matthew ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Prescilla. "I'm here to take you home," deretsong saad nito na titig na titig na naman sa kanya. "Ho! Bakit po?" hindi makapaniwalang nasambit nalang ni Priscilla. "Because I want to," sagot naman nito. "Ha, ah, eh huwag na po sir malayo po sa amin, okay lang po kami marami naman pong jeep," pagtanggi naman ni Priscilla. Si Natalie ay tahimik lang na tila naiintindihan  niya ang ginagawa ni Matthew kaya hinayaan niyang si Prescilla ang makipag-usap sa amo, sasakay lang siya sa agos. "No I insist so come and get in," utos ni Matthew kay Prescilla. Binuksan nito ang passenger's seat at pati sa likod para kay Natalie. Walang nagawa si Priscilla kundi sundin ang utos ng amo, sumakay narin siya at si Natalie sa likod . "So how's your night at work?" tanong ni Matthew. "Okay lang naman po Sir Matthew," sagot ni Prescilla. "Good," maiksing sagot naman nito. "Kaninong bahay ang mas nauuna sa inyo?" tanong ulit ni Matthew. "Sa akin po Sir Matthew," sabat ni Natalie. "Ah okay, so just tell me the right way," saad naman ni Matthew na bahagyang napangiti. Naisip niyang pabor sa kanya iyon dahil kahit paano masosolo niya si Priscilla ng sandaling oras. Tahimik lang si Prescilla at hinayaang si  Natalie ang magturo ng daan pauwi sa kanila. Hanggang narating nila ang bahay ni Natalie bumaba si Matthew at ipinagbukas ito ng pinto. "Thank you so much po Sir Matthew sa paghatid niyo sa amin nag-abala pa po kayo," saad ni Natalie sa amo. "You're welcome, I want to familiarize the place too," sagot naman ni Matthew kay Natalie. "Ah ganoon po ba Sir, sige po goodnight at ingat po kayo," tuluyan nang bumaba ng sasakyan si Natalie.   Bumalik naman si Matthew sa driver's seat pagkatapos isara ang pinto sa likod. Si Priscilla naman ay lalong hindi maintindihan ang nararamdaman kaya tahimik lang siya huminga ng malalim para lumuwag ang pakiramdam at inisip na bahala na si Batman. Nagulat si Prescilla nang biglang lumapit sa kanya si Matthew na halos magkayakap na sila akala niya kung ano na ang gagawin ng amo, kaya napapikit siya. "Let me fasten your seatbelt," saad ni Matthew. Unti-unti ay iminulat ni Priscilla ang mga mata at nagtama ang tingin nila sa isa't isa. Bigla siyang napalunok pakiramdam niya biglang nanunuyo ang lalamunan niya na tila uhaw na uhaw siya. Ang lapit ng mukha ni Matthew sa mukha niya kulang nalang lumapat ang labi nito sa labi niya. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya naaamoy niya ang amoy beer nitong hininga na para siyang nalalasing. Si Matthew naman ay unti-unting inilayo ang sarili kay Priscilla at bumalik sa manibela at pinaandar na ulit ang sasakyan. Nakahinga ng maluwag si Prescilla akala niya talaga ay hahalikan siyani Matthew. Tahimik na nagdrive si Matthew hanggang nakarating sila sa tapat ng bahay nila Prescilla. "Sir sa tabi nalang po 'yan na po ang bahay namin," saad ni Priscilla sa amo. Inihinto naman ni Matthew ang sasakyan sa tabi ng kalsada at tiningnan ang kinaroroonan ng bahay nila. Gawa sa nipa at kawayan ang munting tahanan nila Priscilla dahil sa may ilaw na nakasindi sa may pinto ay napansin ni Matthew na malinis at maraming tanim sa paligid nito at maaaninag ang kasalatan sa buhay. Bababa na sana si Prescilla nang pigilan siya ni Matthew. "Wait, Prescilla, please stay for a bit. I just want to talk with you," saad ni Matthew. "Tungkol saan po Sir Matthew?" tanong ni Prescilla na noo'y nakabawi na sa kaba. "Please stop calling me Sir when you're not at work ," saad ni Matthew sa tonong nag-uutos. "Okay," maiksing sagot ni Priscilla. "Actually I don't know what to say and where to start," nalilitong saad ni Matthew. "We are flying back to Manila this morning, and I don't know when we are coming back again here...so I want to know if you are happy and contented with your job," salaysay ni Matthew. "Masaya na ako sa trabaho ko," sagot ni Prescilla. "Okay good to know that," saad naman ni Matthew. "Mauna na ako," saad ni Priscilla na akmang bababa mag-isa. "Promise me that I would still see you again when I come back , I know I sound stupid but I want you to know that I'm looking forward of seeing you again," pahayag Matthew sa dalaga. "Okay," tipid na sagot ni Priscilla kay Matthew. "Thanks, I will hold on to that..," sagot ni Matthew na biglang kinabig si Priscilla payakap sa kanya at hinalikan sa noo ang dalaga. Nagulat man si Priscilla ay hinayaan nalang niyang yakapin siya ni Matthew. Naramdaman ni Prescilla na parang may mabigat itong pinagdadaanan at para bang kumukuha sa kanya ng lakas. Kaya bahagya siyang gumanti ng yakap dito. Mga ilang minuto din sila na magkayakap nang si Matthew mismo ang bumitaw at muling nagsalita habang hawak ang magkabilang pisngi ni Priscilla at titig na titig sa mata niya. "Take care of yourself," saad ulit ni Matthew at lumapat ang mga labi nito sa mga labi ni Prescilla. Isang mariin at puno ng damdaming halik ang ibinigay nito sa dalaga. Halik na first time naranasan ni Priscilla sa tanang buhay niya. Agad naman siyang pinakawalan nito at bumaba ng sasakyan para ipagbukas siya ng pinto. Bumaba naman si Prescilla habang inaalalayan siya ni Matthew. Dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ni Priscilla ay hindi siya makatingin sa binata. Dali-dali siyang naglakad papalayo sa binata ngunit tinawag siya ni Matthew at may kinuha sa sasakyan ay iniabot kay Priscilla. Isang sobre iyon na may laman na pera na sa tingin ni Priscilla ay may kalakihan ang halaga. Muntik nang mabitawan ito ng dalaga nagtataka siya bakit bibigyan siya ni Matthew ng ganun kalaking halaga. "Para saan 'to?" tanong niya kay Matthew. "Consider it as a gift, "saad ni Matthew. "Bakit?" tanong ulit ni Prescilla. "That's your security money that anytime you need it, you have it...make sure you won't do anything stupid just to earn money," salaysay ni Matthew na may diin ang sinabi. Parang naintindihan naman ni Priscilla ang ibig nitong sabihin . "Anytime you need money don't count anyone else aside from me, there's my calling card in case you need to contact me but, please keep this just for both of us, pautos na saad ni Matthew kay Prescilla. Si Priscilla ay parang natuod nalang sa kinatatayuan hindi niya alam ang sasabihin.Hanggang hawakan ni Matthew ang kamay niya at pilit na itiniklop ito ang sobre at iginiya siya sa may pintuan ng bahay nila saka ito nagpaalam at bumalik sa sasakyan ngunit hindi umalis hangga't hindi siya nakakapasok.Dumeretso si Prescilla sa kwarto at pilit kinakapa ang sarili kung nanaginip ba siya o totoo lahat ang nangyayari sa kanila ni Matthew.   Hindi maiwasan ni Priscilla ang manliit sa sarili, pakiramdam niya ay ginagawa ni Matthew ang mga bagay na iyon ay dahil naaawa sa kanya. Lalo lang niya naramdaman ang layo ng agwat ng estado nila sa buhay. Ayaw niyang i-entertain sa isip niya na baka may gusto ang amo sa kanya dahil sadyang generous ito kahit kanino. Ngunit nang maisip niya ang pagyakap at paghalik nito sa kanya ay lalo naman siyang nalito. Hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend ni minsan sa buong buhay niya pero alam niya ang ibig sabihin ng halik lalo na kung sa labi, ginagawa lang ito ng taong may pagtatangi o pagmamahal sa isang babae o lalaki. Nang tingnan niya ulit ang pera ay may isang bahagi ng isip niya ang masaya napakalaking bagay ng pera na ito sa kalagayan nila lalo na't parehong naggagamot ang mga magulang at ang mga kapatid ay kailangan mag-aral kaya parang nagpasalamat nalang din siya siguro sadyang mabait ang Dios sa kanya at ipinadala si Matthew sa buhay niya para matulungan siya nito sa kung anumang dahilan ay ipinauubaya na niya sa Maykapal kung ano ang plano Nito sa kanya.   Katulad ng sinabi ni Matthew kay Prescilla na panatilihing sa kanilang dalawa lang muna ang tungkol sa bagay na iyon ay wala nga siyang pinagsabihan maski sa matalik niyang kaibigan na si Natalie at kay Aling Cedes na kanyang ina. Itinabi niya ang perang binigay ni Matthew sa lugar na walang ibang makakaalam kundi siya lamang. Hindi niya balak na ipagdamot iyon ngunit naisip niya na tama ang sinabi ni Matthew security money niya iyon na nandiyan kung kailan niya pinaka-kailangan. Kaya habang nakakaraos pa naman sila sa araw-araw at kahit paano natutustusan niya ang maintenance na gamot ng mga magulang ay mas mabuting alam niyang may nakatabi siyang pera. Tungkol sa pag-aaral ng mga kapatid ay kaya niya pang mapag-ipunan hanggang sa susunod na pasukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD