Sinundo nga niya ako after work pero wala kaming imikan. Kahit noong nag-dinner na kami sa restaurant, hindi pa rin siya nagbubukas ng usapan. Noong pauwi na kami wala din siyang imik. Akala ko ba mag-uusap kami? Nauna na akong pumasok pagdating namin ng condo. Dumiretso na ako sa banyo. Hindi ko na napigilang mapaluha. Hindi lang naman siya umiimik pero bakit parang ang sakit na sa kalooban ko? It only proves one thing. I already love him more than I could imagine. Pagkatapos kong maligo, saka naman siya pumasok ng kuwarto. Dati kapag ganitong eksena, agad siyang lalapit at hahalik na mauuwi sa masidhing pagmamahalan. Pero ngayon, dumaan lang siya at pumasok sa banyo na parang walang ibang nakita. I know I can’t let this happen. I have to do something. Nakahiga na ako sa kama noo

