Wylene’s POV Napansin kong kanina pa pagkatapos maligo ay wala na siya sa mood. Ang bilis niyang magpatakbo ng kotse. Pagkarating namin sa parking ng Mall, ni hindi niya ako pinagbuksan ng kotse. Dati naman pinagbubuksan niya ako. Ni hindi siya gumalaw nang humalik ako sa pisngi niya. Dati naman, humahalik pa siya sa labi ko bago ako bumaba ng kotse. After shock ba ito kagabi? Pero okay naman kami noong mag-breakfast kami. May natanggap ba siyang hindi magandang balita? Baka nagkausap ulit sila ng kapatid niya habang naliligo ako. Pagkatapos kong mag-rounds sa department store, pumasok na ako ng office kunwari gagawa ng reports pero gusto ko lang talagang mag-stalk ng sss account. I look at Jayden’s pics. Wala namang kaduda-duda. Wala ni isang sweet picture nila nang kung sinong ba

