Wylene’s POV Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon bumalik na siya ng Manila. Siguro nasaktan siya sa mga nasabi ko pero nagpakatotoo lang naman ako. Ayos na rin iyon. Ayoko ng magulong buhay. I’d rather be a spinster than complicate my life. Sinulit ko naman ang mga araw ng bakasyon ko, nag-beach kami at nagpicnic sa Pagudpod. Namasyal din kami sa windmills ng Ilocos Norte. Halos buong araw akong nakatulog. Napagod kasi kami sa dalawang araw na pamamasyal. Nasa hagdan pa lang ako narinig ko na ang tawanan sa may sala nang bumaba ako kinahapunan. “Tita, tingnan mo may pasalubong kami kay Tito Jayden.” Nakangiting ipinakita ng pamangkin ko ang hawak na barbie playhouse. I looked at Jayden. He smiled. Akala ko nagkaintindihan na kami na huwag niyang sanayin ang pamilya ko sa presensi

