Wylene’s POV I opened the ref at kumuha ng malamig na tubig. Nauhaw pa yata ako sa nakita ko. What is he doing here? At bakit parang close ang lahat sa kanya? Ngayon lang naman nila ito nakita. “Kain ka na, hindi ka pa nag-lunch.” Muntik ko nang maibuga ang tubig nang biglang magsalita si Jayden sa likuran ko. I inhaled deeply before speaking. “Ayos lang ako, hindi naman ako gutom,” sagot ko. I glanced at him. Napatango naman siya. “Ikaw, baka wala ka pang tulog,” saad ko para punan ang katahimikan. “Concern?” nakangiti naman nitong biro. “Para may lakas kang magdrive ulit pauwi mamaya,” saad ko para ipahalatang gusto ko na siyang umalis. Medyo nainis kasi ako sa pagbibiro niya. Tingin yata niya bumalik na ang lahat sa dati. Well, wala na ang nangyaring iyon sa amin kaya lang alam

