Third Person’s POV Kinabukasan umuwi na sina Wylene sa probinsiya. Isinantabi muna niya ang isipin tungkol kay Jayden. Isa pa, sa loob ng dalawang taon nasanay na siyang wala ito sa buhay niya. Naging masaya ang pagsalubong sa kanya ng kanyang mga kapatid at pamangkin. May tatlo siyang pamangkin sa panganay niyang kapatid, dalawa sa pangalawa at isa naman sa nakababata niyang kapatid na babae na naunang nag-asawa kaysa sa kanya. Dahil sa dami nila parang laging may piyesta kapag kainan o merienda. Napaayos na rin kasi nila ang dati nilang bahay na ngayon ay dalawang palapag na at may anim na silid kung kaya’t kasyang-kasya silang lahat. Malawak din ang bakuran nila sa likod na may mga puno kung saan sila madalas kumain at magkuwentuhan. ***** Napapangiti si Wylene habang tanaw ang ka

