Planado na ang araw nang pagpunta ng pamilya ni Calvin sa bahay, pati na ang araw ng mismong kasal. Natapos ang usapan na wala man lang akong naiambag na kahit anong detalye. Wala dahil hindi ko naman alam kung ano ang isasagot sa bawat tanong nila. Hinayaan ko si Calvin sa lahat ng nais niyang mangyari. “Tutuloy na kami ni Mia at lumalalim na rin po ang gabi,” paalam ni Calvin sa aking mga magulang. “Sige. Mag-ingat sana kayong dalawa sa inyong pagbiyahe,” tugon ni mama na siyang nagpadilat sa mga mata ko. Ang buong akala ko ay pipigilan niya si Calvin sa nais mangyari nito, pero nagkakamali lamang pala ako ng akala. “Mama hindi mo po ba pipigilan si Calvin na iuwi ako sa bahay niya?” ‘di ko maiwasang magdamdam kung kaya tinanong ko ang ina. “May sarili ka nang kaisipan, Mia. Sa a

