Chapter 31

1601 Words

“Anak!” Mahigpit akong niyakap ni mama pagkababa pa lamang niya sa may hagdanan. “Mama.” Hindi ko na napigilan pa ang labis kong emosyon kaya umiyak na rin ako sa kaniyang balikat upang doon ibuhos ang lahat. “Bakit ka umiiyak anak? Sinaktan ka ba ni Calvin?” puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni mama. Umiling-iling ako bilang pagtugon. Totoo naman ang sagot kong iyon, hindi ako sinaktan ni Calvin. “Kung gayon, bakit ka umiiyak?” muling tanong sa akin ni mama. “I miss you, Mama!” emosyonal kong pahayag sabay yakap sa aking ina. Para akong batang paslit na nagbalik sa nakaraang buhay kung saan nakayakap sa aking ina habang panay ang pag-iyak. Ninamnam ko ang bawat segundong nakayakap sa kaniya dahil sigurado akong hindi ko na iyon magagawa pang muli sa mga susunod na araw kung matu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD