“Kanina ka pa tahimik.” Dumampi ang mainit na hininga ni Calvin sa aking balat. Lumapat ang kaniyang mainit na labi sa aking balikat saka hinalikan ako roon nang paulit-ulit. Hindi ako kumibo bagkus nanatili lang akong tahimik. Ipinaharap niya ako sa kaniya kung kaya nagsalubong ang aming mga mata. “You made me very happy,” he whispered. Ang kaniyang mga salita ay mahikang bumabalot sa aking puso. Ito ay may taglay na kapangyarihang kayang magpahina at magpanginig ng lubos sa aking mga kalamnan. Kayang-kaya rin akong akayin patungo sa mundong hindi ko pa nararating. Sumandal ang kaniyang noo sa noo ko at dinampian niya ng marahan na halik ang tungki ng aking ilong. Bigla tuloy bumilis ang pintig ng puso ko. “Thank you, Mia.” puno ng emosyon niyang pahayag. There was a part of me wa

