Walang pagsidlan ang labis na kaligayahang nadarama ko dahil sa wakas ay tuluyan ko na rin naangkin ang babaeng pinakamamahal. Hindi kayang tumbasan ng anumang bagay ang kaligayahang nadarama ko sa ngayon. Ni hindi ko nga ito kayang ipaliwanag o i-describe man lang. Basta ang tiyak ko lang ay walang kapantay ang aking saya lalo pa at katabi ko sa iisang higaan si Mia. Hindi ko pa man nakukuha ng husto ang kaniyang damdamin, alam ko namang darating din ang tamang oras na ‘yon. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha na himbing na himbing sa kaniyang pagtulog. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang mamasdan ang mahimbing niyang paghinga. Nakadapa siya sa katawan ko at hindi talaga ako pumayag kanina na umalis siya hanggang sa tuluyan na lang din siyang nakatulog sa aking dibdib. Ito an

