"Sigurado ka na ba dito?" tanong ni Raven habang naglalakad kami papunta sa kotse niya. Sinundo niya kasi ako sa airport dahil bumalik na ako ng pilipinas. Sila Mom at dyson ay una ng umuwi dahil ayaw nilang makitang kasama ko. Secret agent si Dyson kaya hindi siya pwede madikit sa isang kagaya ko na layag sa buong mundo ang kwento ng buhay. Tulad ng inaasahan madaming camera ang nasa paligid at nagpapanggap na normal na pasahero. Ganyan tumakbo ang entertainment industry. Gagawa sila ng isang malaking scope at iyon ang pagbabalik ng isang Villanueva. Naging usapan ang pagbubuntis ng isa sa mga tagapagmana ng isang malaking kompanya at tinakbuhan ng lalaki. Ang lalaking nakabuntis ay anak ng kanilang katunggali sa business. Ganyan ang naging issue, madaming nagsabi na hindi kami ni M

