"Palabasin niyo siya! Kailangan namin magusap!" sigaw ng babae mula sa gate namin. Sinisigawan niya ang guard namin na papasukin siya. Kanina pa siya nagsisigawan at hinahayaan ko lang dahil alam kong mapapalis iyon ng aming guard. Ngunit limang minuto na at nagiiskandalo na siya dito sa exclusive subdivision namin. Kaya naisipan ko ng lumabas. "Anong problema dito?" tanong ko sa kanila. "Ito po kasi ma'am nagwawala gusto daw makausap si Sir, di ba po wala naman dyan." Sagot ng guard namin. "Anong kailangan mo sa asawa ko?" "Asawa- "Oo asawa ko! Te-teka ikaw iyong babaeng walang damit noong nakaraang linggo na dinala ni Miguel dito?" "Anong problema mo ba? Kanina ka pa nagwaawala dito! Hindi ka ba nahihiya? Side chick ka na nga nag skandalo ka pa?" dagdag ko. Umiik

