Nagising ako ng liwanag na nagmumula sa labas ng bintana. Mataas na pala ang araw, sa wari ko'y tanghaling tapat na. Bumangon ako kaya napansin ko na wala ako sa sarili kong condo. Inikot ko ang aking mata at doon ko na pagtanto na nasa bahay pala ako ng mag Asawang Angela at Raven. Siya siguro ang naguwi sa akin mula sa bar. Ang dapat celebration namin ay nauwi sa wala. Pakiramdam ko bumabalik ako sa pagkabata. Bumabalik ako sa panahon na ako lagi ang inaalagaan ni Raven. "Gising ka na pala. Halika na kumain na tayo!" aya sa akin ni Angela. Tumango naman ako dahil hindi ko maibuka ang bibig ko, pakiramdam ko kasi amoy alak pa rin dahil hindi pa ako nagtotoothbrush. May nakita ako towel, bagong toothbrush sa maliit na sofa dito sa kwarto. Siguro ay pinasok nila kanina habang tulo

