"Kung nakipagmeeting ka for personal things, hindi ito ang inaasahan ni Ai- ni Ms. Aira na meeting. If you want to talk personal things about you or her. May i know what's your relationship with her?" maangas na sagot ni Dyson. Hindi ko naman siya pinigilan dahil hindi ko naman alam paano sisingit sa usapan nila. Ayoko pagusapan ang bagay tungkol sa akin lalo na kung sa kaniya. Hindi siya parte ng buhay ko mula noong hindi niya kami napanindigan ng kaniyang magiging Ina. "I am her ex Boyfriend." Kita ko ang taas noo ni Miguel. "Ex? Means her past so? " tanong ni Dyson. "I just want to know what happ- "What happened ? saan?" Putol ni Dyson. "My child." rinig ko ang lungkot sa boses ni Miguel o baka nag expect lang ako na malulungkot siya pag pinaguusapan ang kaniyang magigi

